[24]

4 0 0
                                    

Moeryl's POV

Alas-siyete nang dumating si mama at ate. Sabay siguro silang umuwi. Pinuntahan ko si mama para magmano. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nagmamano ako. Galit pa rin ba siya dahil sa pagsusumbong ko sa kaniya tungkol sa tangkang panggagahasa sa akin ni tito? Bakit ba kasi ang hirap para sa kanilang paniwalaan ako?

Nag-beso ako kay ate pero masungit niya iyong tinugunan. Hindi ko na lang siya pinansin.

Umupo si mama sa couch at luminga-linga, tila may hinahanap. Kumunot ang noo niya. "Moeryl, where's your tito?" Muling nag-alab ang mga mata ko't bumalik ang galit na panandalian kong kinalimutan.

Nangilid ang luha ko nang tumingin kay mama. "W-wala na po s-siya, mama," maikling sagot ko. Nagsalubong ang mga kilay ni mama at agad tumayo para marahas akong hawakan sa siko.

"What do you mean?" Tumulo ang mga luha ko. Pinaalis ko iyon at walang ginagawa si mama kung hindi ang tumitig lang sa luhaan kong mukha.

"H-he attempted to rape me. I threatened him. S-sinabi kong lumayas s-siya rito bago ko siya i-isumbong sa mga pulis..." Nanlalaki ang mga mata ni mama at agad akong nasampal. Namanhid ang buong mukha ko at napalingon kay ate na poot ang ipinapakita sa akin.

"Anong ginawa mo, Moeryl?! Lumayas si Lairo? Ano bang pinanggagawa mo!? Are you really accusing an innocent man?" Kumunot ang noo ko. Diretsong napatitig ako kay mama at halos malukot ang mukha ko sa kakapigil ng galit dahil sa hindi nila paniniwala sa akin.

"'Ma, b-bakit ba ayaw mong maniwala? L-lumayas na si t-tito and that's because he's guilty! He's guilty of what he did to me, mama! H-he molested me! He attempted to rap—"

Isang sampal ulit ang natamo ko mula kay mama. Humagulhol ako at lumuhod sa harap ni mama. Nagba-baka sakali akong maniniwala siya.

Umiling dahil sa disappointment at galit si mama. Maging si ate ay pagalit na tumakbo sa kwarto niya.

"Moeryl, I can't believe you. For the second time around, you ruined our family! Hindi ka ba nagsasawang sirain ang pamilya natin?! Una, ang tatay mo. Naghiwalay kami dahil sa 'yo! Namatay siya dahil sa 'yo! Tapos ngayon, ito naman?! Iniwan na naman tayo ng pangalawang tatay mo. Iniwan niya na naman ako!" Umiyak si mama at napaupo na lang sa sahig. Lumapit ako sa kaniya para sana aluin siya pero tinulak niya lang ako. Napaatras ako ilang dipa mula sa kaniya.

Tahimik akong umiyak at pilit na nagsalita kahit 'di ko kaya nang gawin ito. "'M-ma, tinulungan lang... naman k-kita. Inilayo kita sa m-mga taong makasisira sa atin. Niloko ka ni papa, 'ma! At ako, minolesteya ni tito!" pagalit ngunit nanghihina kong usal. Galit na mga tingin ang ipinukol sa akin ni mama. Dahan-dahan akong tumayo at tinalikuran si mama pero agad ding nanigas dahil sa sinabi ni mama.

"You ruined us. You ruined me. You ruined everything, Moeryl! Don't expect that everything will remain the same after what you did." Muling tumulo ang luha ko pero agad ko 'yong pinigil.

Akala ko ay hindi totoo ang sinabing iyon ni mama, pero nagkamali ako. Akala ko ay mananatili kaming masaya kahit nawalan na naman kami ng isang pader ng tahanan pero mali na naman ako.

Nagbago lahat. 'Yong relasyon naman ni mama at ate, 'yong pakikitungo nila sa akin, 'yong komunikasyon na dapat ay mayroon kami, at 'yong turing nila sa akin... na parang hindi na nila ako pamilya.

Seryoso at may diin ang bawat salitang binibitawan ko habang ikinikwento ang mga pangyayari noon. Mapakla akong napatawa. "I'm traumatized. May mga nagbago rin sa akin. Hindi na ako palakaibigan. Hindi ako ngumingiti o tumatawa man lang. Malamig ako makitungo. Maikli rin akong magsalita. Wala rin akong natirang kaibigan. Sa tingin ko naman, unti-unti ko na 'yong nababago. Tingin ko muli na akong bumabalik sa dati. P-pero, 'yong taong mahal ko, he's in a critical situation r-right now..." Kumunot ang noo ni Noei at bahagyang napaawang ang bibig.

"Kaya pala. Kaya no'ng first time nating pagkikita, hindi ka ngumingiti. Anong ibig sabihin mo sa wala kang natirang kaibigan?" Pagod akog napabuga ng hangin.

"Isa sa kaibigan ko ay namatay. Sobra akong nasaktan doon kaya na-trauma na rin ako. Pero may nakilala akong bago, si Leila." Mapait akong napangiti. "Pero may sa ahas din ang babaeng iyon. Isa siyang malaking T... taksil, traydor, at tanga," dagdag ko pa. Nanlaki ang mga mata ni Noei, tila nakukulangan sa aking sinabi. "Taksil kasi iba pala ang motibo niya kaya siya nakipagkaibigan sa akin. Traydor kasi ang dati ko palang kasintahan ang pakay niya kaya niya ako kinaibigan. Tanga kasi sinayang niya ako na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin at ingatan siya. Tapos pagkatapos no'n, iniwasan ko na rin ang iba ko pang kaibigan dahil sa takot na baka pagtaksilan at lokohin lang din nila ako." Kunot na kunot ang noo ni Noei at hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha niya.

"A-ano?" Napaiwas siya ng tingin at biglang sumimangot. "Kaya ba noong tinanong kita kung magkaibigan na t-tayo ay p-parang nag-aalinlangan ka?" Marahan akong tumango.

"S-sorry. Natatakot kasi akong magtiwala ulit dahil sa nangyari." Nakangiti siyang tumango.

"Salamat." Tumaas ang isang kilay ko. "Salamat kasi tinanggap mo pa rin ako bilang kaibigan mo." Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

"Moeryl... ahm... uh..." Kumunot ang noo ko dahil hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin. "P-pwede ka bang magkuwento tungkol do'n s-sa kaibigan mo?"

Pilit akong ngumiti. "Ex-bestfriend," pagtatama ko. Marahan akong tumango. Wala namang mawawala kung magkukwento ako at baka matulungan pa ako ni Noei kung sakali.

"Leila's my second best friend. Marami akong kaibigan pero ang namatay kong kaibigan at si Leila ang pinaka-naging malapit sa akin." Sandali akong huminto at inalala ang nakaraan. "Sobrang lapit namin sa isa't isa to the point na minsan ay nakikitulog siya sa amin. Noong mga panahon na 'yon, hindi ko naisip na peke siya. I mean, parang totoo kasi ang lahat. Parang totoo 'yong pinapakita niya sa akin. Totoo 'yong mga ngiti at tawa na lumalabas sa bibig niya tuwing magkasama kami. Kapag kailangan ko ng tulong, nandiyan siya. Kapag malungkot ako, papatawanin at papasayahin niya ako. Para ko na siyang kapatid. Hahaha. Hindi ko inaakalang gano'n pala siya. 'Di ko naisip na ang ex-boyfriend ko pala ang pakay niya. Mahal ko silang dalawa at hindi ko inaakalang sila pala ang mas lalong babasag sa akin." Malungkot at puno ng awa ang mga matang ipinukol sa akin ni Noei. Napabuntong-hininga siya at niyakap ako. Noong una ay nag-alinlingan pa ako pero agad ko rin siyang niyakap pabalik. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako at maging si Noei ay nadala na rin dahil sa emosyong ipinapakita ko.

"P-pasensya na, ha? K-kasi mahal ko 'yong kaibigan na 'yon..." Pinatahan lang ako ni Noei at hinaplos ang likod ko.

"Nami-miss mo na ba siya?" Mahina akong napatawa.

"Oo. K-kahit gano'n 'yon, mahal ko 'yon. Kalog din 'yon, e." Bumuntong-hininga siya at nakangiting tumango.

"Sayang 'yong friendship niyo," malungkot na saad ni Noei. Tumango ako.

"Bakit? May friendship bang nabuo?" Tumawa ako. Tumawa rin si Noei pero tumigil din agad.

"Moeryl, uh... ano bang nangyari? I mean paano mo nasabing nagtaksil nga sa 'yo si Leila at ang dati mong boyfriend?"

"Hahaha! Ang dami mong tanong, pero sige sasagutin ko 'yan. Nice question." Kumindat pa ako sa kaniya na siyang tinawanan niya lang. 

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now