Moeryl's POV
Sunday morning. Akala ko magsisimba kami, pero paggising ko ng alas-sais ay mahimbing pang natutulog ang nanay at kapatid ko. Kailan nga ba kami huling nagsimba na magkakasama? Uh... that was years ago, noong buo pa ang pamilya namin.
Simula noon, hindi na sila nagsimba pa. Ako na lang mag-isa. Pati ba naman paniniwala at pananalig nila sa Diyos ay naapektuhan na rin ng nakaraan?
Hindi ako nagsusuot ng bestida o palda tuwing nagsisimba. Si ate, mahilig siya roon. Pantalon at blouse lang ang isinusuot ko palagi. Isa pa, simbahan iyon at hindi mall para magsuot ako ng kung anu-ano.
Isinuot ko rin ang flat shoes ko at nag-abang ng taxi. May dumaan naman kaya lang mukha itong bastos dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
Hindi naglaon ay may dumaan namang taxi na may matinong driver. "Manong, sa St. Joseph Parish Church ho." Tumango ang driver at hindi nagtagal ay nakarating din kami sa simbahan.
Tumingin ako kung may bakanteng upuan at nang may makita ay agad na umupo roon.
Tumabi ako sa isang upuan kung saan okupado rin ng isang pamilya – buong pamilya. May ina, ama, at tatlong anak. Bumuntong-hininga ako.
"Magsitayo ang lahat," ani Father Rody. Si Father Rody ay kilala na sa lugar namin dahil sa pagiging napaka-relihiyoso nito. Kilala rin siya dahil ito ang nagkasal sa halos lahat ng mag-asawang nakatira sa village kung saan kami nakatira. Maging si mama at papa, si Father Rody ang nagkasal sa kanila.
"Sa buhay natin, aking minamahal na mga kapatid, hindi mawawala ang galit at poot na nagkukubli sa ating mga puso't isipan..." ang litanya ni Father Rody.
Galit. Poot. Mga salitang simple lang banggitin, pero mahirap kapag dala-dala mo na. Galit pa rin nga ba ako hanggang ngayon? May poot pa rin nga ba sa puso't isipan ko? Kasi mahirap. Mahirap magpatawad, pero pipilitin ko, para sa ikaaayos ng lahat.
"Kaya kayo, minamahal kong mga kapatid, magpatawad kayo at tanging pagmamahal ang iiwan sa inyong puso't isipan. 'Wag kalimutang kausapin ang Panginoong Hesukristo kapag kayo'y namomroblema," pagpapatuloy niya pa.
Sa mga ganitong bagay, tama ng si Father. Si God lang ang makakatulong sa akin. Siya ang dapat na kausapin at dapat na manalig sa kaniya. Kapag iniisip mong pasan mo ang mundo, tumingin ka sa taas, makipag-usap kay God, at siya na ang bahala sa mga problema mo. Kapag dumating ka na sa puntong napakadilim na ng mundo mo at gusto mo nang sumuko, tumingin ka sa taas, at muling liliwanag ang mundo mo. Si God ang magsisilbing liwanag sa buhay ng bawat tao, kaya marapat na manalig sa kaniya.
Pagkatapos ng misa ay dumiretso ako sa Mimo's Café kung saan ako na-hire kahapon. Magtatanong lang ako kay Winoei kung anong oras ako magsisimulang magtrabaho. Alas-otso pa lang ng umaga pero bukas naman na siguro sila, 'di ba? Sa gabi lang kami naka-assign ni Winoei sa pagtatrabaho pero alam ko namang bukas din sila tuwing umaga.
"Winoei, kailan ba ako magsisimulang magtrabaho?" Tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan akong umiinom ng kape habang kaharap siya rito sa loob ng café.
"Bukas na lang. Sabay naman tayo, e. Saka alanganin kasi kung mamayang gabi ka na magsisimula." Tumango ako at sumimsim sa kape ko.
"Salamat." Tumayo na ako.
"Welcome! Kita-kita na lang bukas!" Tumango ako. Ngumiti siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Mas lumawak ang ngiti niya. "Mas maganda ka pala kapag pormang babae. Ang boyish mo kasing tignan kahapon." Tumango-tango lang ako sa kaniya. "Moeryl, pwede ko palang makuha 'yong number mo?"
Binuksan ko ang phone ko at pumunta sa contacts. Pinindot ko ang may pangalang 'Mine' at iniabot sa kaniya ang phone. "Ilagay mo rin ang iyo." Masaya siyang tumango.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...