[9]

1 0 0
                                    

Moeryl's POV

Pag-doorbell ko ay agad akong nakita ng guard kaya pinapasok niya ako. Tumango lang ako sa kaniya at agad rin akong napahinto. Teka. Teka, nasaan 'yong mga pinamili ko sa grocery store kanina?

Sandali. Fudge! Naiwan ko sa luggage compartment ng sasakyan ni Kairo 'yong pinamili ko. Paano ko na kukunin 'yon? Hindi naman pwedeng bukas niya iyon ibigay sa school. Baka nga nalimutan na rin ni Kairo 'yon.

Bahala na nga. Kaniya na lang 'yon lahat. Nagpatuloy na ako sa loob ng bahay. Pagdating ko sa loob ay walang ibang tao maliban sa mga kasambahay namin na naglilibot-libot, ang iba'y naglilinis. Alas-diyes pa ba lang ng umaga. Nasaan na naman 'yong nanay at kapatid ko? Umalis na naman? Pumunta sa mall? Kumain sa labas? Iniwan na naman ako?

Dumiretso ako sa dining area at tumingin sa fridge kung may makakain ako. Ube-flavored ice cream lang ang mayroon dito. Fudge. I hate Ube flavor. Kung nandito lang sana 'yong pinamili ko kanina, hindi ako magugutom ngayon.

5:07 PM. Wala pa rin si mama at ate sa bahay. Ang tagal naman nilang nawala. Grabe 'yong lakad nila, maghapon.

Kung sa school, mukha akong mataray, masungit, walang pakialam, matalino, o ano pa man, taliwas 'yon dito sa bahay.

'Di ko magawang magtaray at maging maarte rito. Hindi pupwedeng wala akong pakialam kapag nasa bahay ako. Hindi naman ako matalino pagdating sa bahay – 'di 'yon nakikita sa akin ni mama o ate. Tiklop ako sa kanilang dalawa. 'Yong tipong gusto kong ibalik 'yong dati naming samahan, pero hindi na ata mangyayari 'yon. Imposible na. Malabo pa relasyon ninyong dalawa na mangyayari 'yon.

Nagpasya akong matulog na lang. Mag-a-alarm ako na lang ako ng 7:00 pm para makasabay ako sa pagkain ng dinner kay mama at ate.

Napabalikwas agad ako nang makitang alas-diyes na nang nagising ako. Ngayon na nga lang sana ako sasabay kumain sa pamilya ko tapos trinaydor pa ako ng alarm clock ko.

Hindi ba 'to tumunog o sadyang hindi lang ako nagising? Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa salamin kung may muta ako.

Naghilamos at nagmumog lang ako, pagkatapos ay bumaba na sa dining area. Late dinner na rin.

Naabutan kong nakapatay na ang ilaw. Tulog na siguro si mama at ate. 'Di ko na sila nakitang gising ngayong araw. 'Di ko pa sila nakausap. Woah.

Binuksan ko ang ilaw at nagulat sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko. Si Ate... may kasamang lalaki!

Nagulat din si ate at ang lalaki. Patakbong umalis ang lalaki. Nahuli ko sila. Nahuli ko silang naghahalikan. Fudge. Tapos nakita ko ring nasa dibdib ni ate 'yong kamay ng lalaki kanina! Pero may damit naman si ate, pero hindi kaaya-aya sa paningin ko!

Fudge. Napahawak ako sa ulo ko. Bumabalik. Nato-trauma na naman ako. Fudge.

Inayos ni ate ang damit niya at lumapit sa akin na may matalim na titig. Marahas niya akong hinawakan sa braso. Galit na galit siya. "Subukan mong magsumbong kay mama at makakatikim ka sa akin, Moeryl." Mas humigpit ang hawak niya sa akin. Fudge. Masakit, 'yong mga kuko niya kasi. "'Wag mong hintaying mas lumala pa ang galit ko sa'yo. Wala kang nakita, tandaan mo 'yan." Marahas niya akong binitawan kaya napaatras ako.

Hindi pa rin ako maka-move on sa pangyayari hanggang sa unti-unting tumulo ang mga luha ko. Fudge. Inis kong tinanggal ang mga luha ko.

Pumunta ako sa dining area at tumingin. Tamad akong umupo sa isang upuan doon at kinalma ang sarili ko. Kalma lang, Moeryl. Kalma.

Tumingin ako sa kung anong makakain sa table. Woah. May mga hotdog at egg. Sinong nagluto nito? Si mama? Si ate? Imposible. Baka isa sa mga kasambahay dito. Salamat sa kaniya.

Sandali lang akong kumain. Hindi ako gaanong ginaganahang kumain.

Umupo ako sa couch sa living room namin. Pumikit ako at huminga ng malalim. Napahinto lang ako nang may mag-doorbell.

Dis-oras na ng gabi at may nakaisip pang mag-doorbell. Tulog na ang mga guards namin. Wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang harapin ang taong nasa labas ng bahay. Ipinusod ko ang buhok ko.

Nakahilig sa tabi ng gate ang isang lalaki. Nakasuot ng black na t-shirt at pants. Binuksan ko ang gate at agad na napaawang ang bibig nang makita kung sino ito.

Anong ginagawa ni Kairo rito? Nakita ko rin ang kotse sa unahan. Pati driver niya inabala niya para sa pagpunta rito? Bakit na naman?

"Kairo, anong pakay mo?" Ngumiti siya at mahinang napatawa. Napakamot siya sa batok at ginulo ang buhok niya.

"Ano kasi... 'yong pinamili mo, naiwanan kanina." Kumunot ang noo ko. Right! 'Yong naiwan ko sa sasakyan niya. Tumango ako sa kaniya.

Tinanong ko siya, "Dala mo ba?" Tumango siya sa akin at umalis. Pumasok siya sa loob ng sasakyan niya at paglabas ay dala-dala niya ang isang plastic bag.

Napasinghap ako. Kinuha ko ito sa kaniya at tumango. "Salamat."

Nangingiti siya habang nakatitig sa akin. Anong problema nito? Tumango-tango siya. "Umuwi ka na, gabi na," usal ko.

Kinindatan niya ako. "Nag-aalala siya para sa akin. 'Wag ganiyan. Iwasan mo 'yan, Moeryl kasi baka tuluyan akong mahulog sa 'yo." Tumaas ang isang kilay ko.

"Hindi ako nag-aalala. Pero responsibilidad ko pa kapag napahamak ka." Tumawa siya sa nasambit ko at halos mawala na ang mga mata niya.

"'Di bale nang mapahamak ako, kung ikaw naman ang may responsibilidad," ani Kairo. Paanong hindi siya mahuhulog kung siya mismo hindi mapigilan ang sarili niya? Nakagat niya ang ibabang labi niya at nahihiyang ngumiti. Bumuntong-hininga ako.

Tumitig siya sa akin at umarko ang mga kilay niya. "Umiyak ka ba?"

Agad akong umiling. Fudge. Halatang-halata ba? "Hindi." Bumusangot siya sa sinagot ko.

"Pero umiyak ka. Anong nangyari?" Umiling ulit ako. Ba't ang kulit nito?

"Wala nga sabi." Ngumuso siya at nanliit ang mga mata niya.

"Sa susunod 'wag ka nang iiyak. Wala ako sa tabi mo lagi para punasan 'yang mga luha mo." Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman sinabing punasan niya ang mga luha ko. May kamay ako, hindi ko kailangan iyong kaniya.

"Ikaw ang bahala." Tinalikuran ko na siya pero tumigil din ako saglit. "Umuwi ka na, salamat sa paghatid nitong mga pagkain."

"Basta ikaw, Moeryl. Kahit maubos pa ang gasolina namin, kung ikaw naman ang patutunguhan ko, 'di bale na."

Tuluyan ko nang isinara ang gate at tumango ulit ako sa kaniya. Ngumiti lang siya at kumindat sa akin. Umiling ako.

Gano'n niya ba ako kagusto? Kasi kung gaano niya ako kagusto, gano'n niya rin 'di gugustuhing masaktan nang dahil sa akin.

Nagising ako bigla. Alas-tres pa lang ng madaling araw. Fudge! Hindi ba may paniniwala na kapag nagising ka ng 3:00 am na biglaan lang at walang dahilan, ibig sabihin may nakatingin sa 'yong multo, aswang o whatsoever?

Fudge. Agad kong itinabon ang kumot sa buong katawan ko at taimtim na nagdasal.

"Lord God, bantayan ninyo po ako 'lagi. Ilayo Ninyo po ako sa kasamaan. Amen." Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog na agad.

Woah. Hindi ako makatulog kahit anong pilit ko. Pinagpapawisan na ako kahit air-conditioned naman 'tong kwarto ko.

Ibig sabihin ba nito ay nanatili pa ring nakamasid sa akin ang isang masamang elemento? Fudge.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw ng kwarto ko. Nanginig ako sa takot at napapikit na lang. 

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now