Moeryl's POV
Alas-nuwebe na. Habang ang iba'y may kasabay at kasama na naglalakad patungo sa cafeteria, ako naman ay nag-iisa at nagmumuni-muni sa paligid ko. Wala akong ganang kumain ngayon. Siguro bibili na lang ako ng kape o kung ano mang maiinom.
Pagdating sa cafeteria ay nakita kong punuan sa loob. Halos lahat ng table ay may laman. Uhm. Siguro sa bench sa may field ko na lang iinumin ang bibilhin ko mamaya.
Pumunta ako sa counter at um-order. "Pabili ho ako ng isang cup ng coffee," ani ko. Nagbigay ako ng P100. Nakangiting tinanggap iyon ng babae. Tumango siya sa akin at saglit na pumasok sa isang mini room. Doon siguro nila kinukuha ang orders ng mga estudyante rito. Pagbalik niya ay agad niyang ibinigay sa akin ang order ko.
Palabas na ako pero napahinto pa ako dahil may sumigaw ng pangalan ko. "Moeryl!" Hinanap ko iyon at nakitang nasa corner ng cafeteria. Fudge. Ano na namang balak ni Kairo?
Sandali. Teka. Fudge! Oo nga pala. 'Yong tungkol pala 'to sa pagkain ko ng gulay, katulad ng sinabi niya kahapon sa Mimo's Cafe. Tamad akong pumunta sa kaniya habang sumisimsim sa iniinom kong kape. Hindi lang pala siya ang naroon. May kasama siyang isang babae.
Fudge! Ba't nandito si Zira? Tsk. 'Di na ako uupo sa tabi nila. Nanatili na lang akong nakatayo. Nakangiti si Kairo at tumayo pa para hawakan ang kamay ko. Agad kong iniwas ang kamay ko. Nang makita ako ni Zira ay ngumisi siya.
"Moeryl, upo ka rito," usal ni Kairo sabay turo sa katabing upuan niya. Bale kung doon ako uupo, magiging katapat ko si Zira. Katabi naman ni Zira ang isang pang lalaki.
"Hindi na." Sumimangot si Kairo sa naging tugon ko.
"Dali na! Kakain pa nga tayo ng gulay, 'di ba? Saka ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Tumango-tango ako sabay iling.
"Next time na lang," maikling sabi ko at tinalikuran sila. Naglakad ako patungo sa mainit na field, pero doon ako tatambay sa may malaking puno na may bench sa baba para roon na lang magpahinga. Ayaw ko ring bumalik muna sa room dahil maiingay ang mga kaklase ko. Pagtapos ng recess namin ay ang English class kung saan gaganapin ang quiz namin na ni-review ko kagabi.
Tahimik lang akong nakaupo rito sa bench. Naalala ko no'ng dito rin mismo ako tinamaan ng bola dahil sa sadyang pagpapalipad no'n sa akin ni Zira at ng kaibigan niya.
Ibig sabihin pala, kaibigan ni Kairo si Zira. Mas matanda rin pala sa akin si Zira ng isang taon kung gano'n. Anong rason naman kaya ang mayroon siya kung bakit pinapakialaman at ginugulo niya ang payapa kong buhay?
Kung hindi ko lang alam na kaibigan pala siya ni Kairo, iisipin kong nagpapapansin lang siya kaya pinagti-trip-an at ginugulo niya ako. Pero ngayong alam ko na kaibigan siya ni Kairo, siguradong alam niya na gusto nga ako ni Kairo. Galing doon, masasabi kong ang rason kung bakit galit siya sa akin ay dahil hindi ko maibalik sa kaibigan niya ang pagkagustong mayroon ito para sa akin.
Siguro nasasaktan siya kasi 'yong kaibigan niyang si Kairo ay nasasaktan din dahil sa pagkakagusto niya sa akin. Sino ba kasing nagsabing gustuhin ako ni Kairo? Wala naman, 'di ba? Tapos ngayong nasasaktan 'yong kaibigan niya, sa akin pa isisisi iyon? Fudge. Ako pa siguro 'yong nagmumukhang masama sa paningin nila. Wala naman akong intensyong saktan si Kairo, pero lumalabas na nasasaktan siya kasi parang balewala lang sa akin ang nararamdaman niya.
Ipinatong ko sa tabi ko ang walang lamang cup ng kape na ininom ko. Nilibot ko ang tingin ko sa buong field. Maaga pa pero napakainit na. Hindi ako nakakain ng gulay kanina dahil sa mga kaibigan ni Kairo, nagpapasalamat ako sa kanila.
Hindi ko rin alam kung bakit ayaw na ayaw kong kumain ng gulay. Ewan ko rin. Basta ang alam ko, hindi masarap ang lasa ng kahit anong gulay pa 'yan. 9:23 am na. Pitong minuto na lang at magku-quiz na kami sa English.
Pinagpag ko ang damit ko at naglakad na papunta sa room namin. May ilang napapatingin sa akin habang naglalakad ako sa corridor. Fudge. Ba't kailangan pang mapatingin sa akin? Hindi ko naman kailangan ang atensyon nila.
Nang makarating ako sa room ay panay kuwentuhan ang narinig ko. Karamihan ay tsismis o kung ano pa man. Dumiretso ako sa upuan ko. Sumeryoso ako nang marinig ang sinabi ni Ethin, classmate ko.
"Nako! Gosh! Kanina habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay nakita kong hinalikan ni Zira si Kairo! Waah! Nakakakilig!" Kinikilig niya pang sambit.
Tumango-tango ako sa hangin pagkatapos iyong marinig. Ngayon alam ko. Kaya pala. Kaya gano'n makitungo sa akin si Zira ay dahil gusto niya si Kairo.
Marahil galit siya dahil ang lalaking gusto niya, ay may gusto sa isang babaeng tulad ko. Tulad ko na kailanman ay hindi magkakagusto sa isang katulad ni Kairo.
"Good morning, class. Prepare a one peso coin. We'll be having a quiz about Propaganda Techniques, Active Voice, and Passive Voice. We'll just recall what you have learned way back then," sambit ni ma'am at nagsimulang i-distribute ang paper na naglalaman ng aming quiz. Kinokolekta niya ang piso na nasa mesa ng bawat isa sa amin at pagkatapos ay nagbibigay ng isang paper. "Your quiz is very easy. Actually, it's for elementary students. Well, be sure to get a high grade. Good luck."
Ito ang nakalagay sa paper namin. Hindi naman mahirap. Madali siya sa totoo lang.
1-7.) What are the seven Propaganda Techniques?
8.) A specific message or presentation that is directly aimed at influencing the opinion or behaviour of the viewer.
9.) Trash-talking another product or person.
10.) Appeals to regular people and their values such as health, family, and patriotism.
11.) An appeal to be part of the group.
12.) Words or praise for product or person.
13.) If a famous person recommends a product or a political endorsement.
14.) Manipulating information to make a product appear better than it is, often by unfair comparison or omitting facts.
15.) An appeal that helps a person or people imagine themselves as part of a picture.
16.) A sentence is in the _____ voice if the subject performs the action.
17.) A sentence is in the _____ voice when the subject receives the action of the verb.
18-20.) (Passive) I am puzzled by your question. (Change to Active Voice)
Nang matapos kong sagutan ang quiz ay agad kong ipinasa ang papel ko kay ma'am. Nakangiti niya itong tinanggap. Tumango lang ako sa kaniya. Hindi naman nasayang ang ni-review ko kagabi kasi mabilis kong natapos ang quiz.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...