Moeryl's POV
Friday morning. Maaga akong nagising tulad ng kinasanayan. Hindi na ako kumain ng umagahan. Pagsilip ko sa kwarto ni Noei ay mahimbing itong natutulog. Ngumiti ako. Nag-iwan ako ng note at ipinatong iyon sa lamesa.
'Nauna na ako sa 'yo sa pagpasok sa school. Just text me kapag kailangan mo ako.'
Malapit lang ang apartment ni Noei sa school kaya agad din akong nakarating sa school.
Tinuturing ko na siyang kaibigan, sana gano'n din siya. Pumunta ako sa puno ng mangga sa likod ng school. Tahimik. Agad akong umakyat at sandaling nagpahinga.
Pagkagising ko ay agad akong bumaba dala ang bag ko. Mahangin din pala. Medyo malamig dahil maaga pa. Pagtingin ko sa aking cellphone ay alas-sais pa lang ng umaga. May isang oras pa ako.
Aalis na sana ako pero nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa bench habang nakapikit. Fudge. Si Kairo ba 'yon?
Agad akong lumapit sa kaniya at nakitang siya nga iyon. Tahimik siyang natutulog hindi tulad ng iba na humihilik. Nang mas nilapitan ko siya ay nakita kong may natuyong luha sa mukha niya.
Fudge. Umiyak siya? Bakit na naman? Dahil ba sa akin ulit? Woah.
Umiling-iling ako at tinalikuran siya. Agad akong napahinto nang marinig siyang magsalita.
"S-sandali." Taka ko siyang nilingon. Nakakunot ang noo niya pero agad din siyang ngumiti. "Nami-miss na kita, Moeryl, kahit 'di mo ako na-miss. K-kumusta ka na?"
Tumaas ang isang kilay ko. Fudge. Ano naman bang balak niya? Sasaktan na naman niya ang sarili niya? "Ayos lang." Ngumiti ako na ikinalaki ng mga mata niya.
"Y-you're smiling..." Tumango ako. Napagtanto ko kasing dapat simulan kong ayusin ang buhay ko sa pamamagitan ng pagbalik ko sa dating ako. 'Yong Moeryl na ngumingiti, tumatawa, at masaya.
"Mauuna na ako." Tinalikuran ko siya pero napakabilis niya ata dahil agad niya akong nahatak pabalik.
"H-hayaan mo akong yakapin ka, p-please. Ito na l-lang naman 'yong magagawa ko, 'di ba?" malungkot at nauutal niyang saad. Hindi na ako nagreklamo, yakap lang naman iyon kung tutuusin.
Nagulat ako nang may biglang humila sa buhok kaya natumba ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Kairo. Nakita ko ang nanggagalaiting mukha ni Zira na nakatingin sa akin.
"What are you doing here, Zira?!" Pagalit na sigaw ni Kairo kay Zira. Tumayo ako at tinalikuran sila pero rinig ko pa rin ang palitan nila ng salita.
"Ano, Kairo? Magpapakatanga ka na naman kay Moeryl? Alam mo, kung nasasaktan ka, nasasaktan din ako. Kasi 'yong taong mahal ko, may mahal na iba, at ang mas masakit do'n, hindi siya mahal ng taong mahal niya. Nakakatanga na 'tong ginagawa ko. Mahal kita, Kairo, at nasasaktan ako habang nakikita kang nasasaktan dahil kay Moeryl..." Tanging hikbi na lang ni Zira ang narinig ko sa tahimik na lugar na iyon habang naglalakad palayo. Hindi ko na sila nilingon pa.
I really think that Zira's the best woman for Kairo... not me. Deserve niya ang pagmamahal ni Zira. I smiled. Kairo already found his fate.
Sarado pa ang room pagdating ko. Maaga pa kasi. Umupo na lang ako sa bench na kaharap lang ng room. Isinuot ko ang earphones sa aking magkabilang tainga at nakinig ng mga kanta.
May dalawang magkaibigan na dumaan sa harap ko. Ang isa'y napalingon sa akin at tumaas ang isang kilay.
"Bagay na bagay talaga si Zira at Kairo! Argh. Mayroon nga lang isang malanding pilit sumisingit," sabi ng tumingin sa akin kanina.
"Oo nga! HAHAHAHA!" Nagtawanan sila at umalis na rin.
Mapait akong napangiti. Sigurado akong ako ang pinaringgan ng dalawang iyon. Ako na naman ang masama? Woah. Fudge.
Dumating ang kaklase kong may dala-dala ng susi namin para magbukas ng room tuwing umaga. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Nginitian ko siya pabalik at lumapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala nang makita akong nakangiti. "H-hala, Moeryl. N-ngumiti ka?" Tumatawa akong tumango sa kaniya.
Ngumiti rin siya at sabay na kaming pumasok sa loob. "Krea, we used to be friends, right?" Nakangiti siya tumango pero bigla ring sumimangot.
"Oo naman pero nagulat na lang ako one time na ang cold mo na tapos 'di namamansin. Bwahaha. Masaya ako ngayong pinansin mo na ulit ako."
'Laging gano'n ang takbo ng buong araw ko. Maraming nagulat at namangha nang makita akong ngumiti at tumawa. Marahil nalimutan na talaga nilang dati akong ngumingiti't tumatawa kaya sobrang na-shock sila.
Nandito ako ngayon at naglalakad habang kasabay si Noei. Sabay na kaming uuwi. Bukas ay sabay din kaming papasok sa trabaho. Ang saya ko. Ang saya na nagkakaroon na ulit ako ng mga kaibigan. Pero hindi ibig sabihin no'n ay tuluyan ko nang nakalimutan ang nakaraan.
Nagkukwento si Noei sa tabi ko nang makasalubong namin ang Math Teacher namin. Ngumiti kami sa kaniya at ngumiti rin siya pabalik.
Hinawakan niya ang siko ko at hinaplos. "What are you doing?!" Napalayo ako sa kaniya at unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nagulat din si sir at agad na natawa.
"I'm just being friendly here, Ms. Villaforte." Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Kung magiging palakaibigan ka, 'wag sa akin, sir. Nakakabastos ka!" Patakbo akong lumabas sa school. Muntik pa akong masagasaan ngunit dumating si Noei para hilain ako.
"Moeryl! Anong bang nangyayari sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Umiling lang ako at pinaalis na ang mga luha sa mukha ko.
"H-huwag mo akong pansinin. N-nagulat at natakot lang a-ako," natutuliro kong saad. Hindi na nga ako pinansin ni Moeryl.
Pagkarating sa apartment ay nakatulala lang ako habang nakaupo sa couch. Ikinuha ako ni Noei ng tubig at tumabi siya sa akin.
Nag-aalala ang tingin niya sa akin at hinaplos pa niya ang likod ko. Sana 'yong pag-alalang meron siya para sa akin, maibigay din ng pamilya ko.
Tumikhim siya dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Ano ba talagang nangyari, Moeryl? Binastos ka ba ni Sir Carfino kanina? Bakit ka umiyak? Bakit sinabi mong nababastos ka? Sabihin mo sa akin, handa akong makinig. Naguguluhan kasi ako, ipaliwanag mo nang maayos, please," ani Noei. Seryoso akong tumitig sa kaniya. Dahan-dahan akong tumango.
"S-sige. Ipapaliwanag k-ko na..."
Ang mapait kong nakaraan ay malalaman na ngayon ng aking isang kaibigan. Nakaraang ayaw ko nang balikan, pero kinakailangan.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...