[7]

1 0 0
                                    

Moeryl's POV

Sandali akong nagliwaliw sa bayan bago umuwi. Sakay ng taxi ay narating ko ang bahay. Nakita kong naroon ang kotse ni mama. Nakauwi na sila ni ate. Nag-doorbell ako at nang makita ng guard ay agad niya rin akong pinapasok.

Suminghap ako. Para akong estranghero sa ganitong estado. Hindi ako pwedeng pumasok kapag hindi nakita ng guard na nandito ako sa gate. Mabuting ideya na rin ang pagkakaroon ko ng trabaho kahit gabi na ako umuuwi.

Pagdating ko sa loob ng bahay ay nakabalandra sa sala ang napakaraming nabili ni mama at ate. Galing sila sa mall? They should have texted me para nakasunod ako sa kanila. Pinagdadamutan ba nila ako ng oras para makasama sila?

Lumapit ako kay mama para magmano. Napilitan pa ata siyang pagmanuhin ako sa kaniya. Bakit napasobra naman ata 'yong paglayo ng loob sa akin ni mama? Bakit ba hindi na lang nila malimutan 'yong nangyari sa nakaraan?

"Hi, ate," ani ko habang nakaharap kay ate. Inirapan niya lang ako. Tumango na lang ako sa kaniya. Sa peripheral view ko ay nakita ko ang pag-iwas ni mama ng tingin sa amin.

11:26 am. Nakakain na kaya sila ng lunch. Nakakain na nga siguro. Galing sila sa mall, 'di ba? Hindi man lang nila ako sinama.

Umakyat ako sa kwarto, mamayang gabi na lang ako kakain. Hindi naman ako gutom. Tama. Uhaw lang ako, hindi gutom.

Mababagot lang ako rito, pero wala naman akong magagawa. Wala akong kaibigan. Wala akong kasamang gumala kung saka-sakali man.

Hindi naman siguro masamang maglibot sa village namin, 'di ba? Kung saan man ako dalhin ng bisikleta ko mamaya, edi roon.

Nagsuot ako ng jogging pants at isang mahabang shirt. Hindi naman ata mag-aalala sa akin si mama at ate kung saan man ako pumunta kasi wala silang pakialam sa akin. Hindi na ako mag-aaksayang magpaalam sa kanila pagdating ko sa baba mamaya.

Nagtataka ang ekspreyon ng mga mukha nila nang makita akong nagmamadali pababa. Hindi ko na lang sila pinansin.

Kinuha ko ang bisikleta ko sa garahe at nagsimulang maglibot. Safe naman sa village namin at sa susunod pang mga village kung sakaling aabot ako roon.

Ang gaganda ng tanawin. Maraming puno. Maraming halaman na nakatanim sa paligid. Mayroon din akong nadaanang playground dito lang din sa village namin. Nice. May tatambayan naman pala ako kapag wala ako sa mood manatili sa bahay.

Kapag may mga taong ngumingiti kapag nakikita ako, tinatanguan ko lang sila. Nagpatugtog ako habang nasa biyahe patungo sa kung saan. Gamit ko ang earphones ko – kunwari may sarili akong mundo. Minsan ko lang maramdaman ang kalayaang ito. Masaya rin pala sa pakiramdam na minsan ay nagliliwaliw ako sa village namin. Uulit-ulitin ko ito.

Nang may madaanan akong isang maliit na convenient store ay huminto ako. Ipinark ko ang bisikleta ko sa harap ng tindahan. Kinuha ko ang wallet sa aking bulsa at naglabas ng isang libo.

Pumunta ako sa section ng mga biscuit. Hinanap ko ang paborito ko – ang Hansel crackers. Kumuha ako ng isang pack. Sunod naman sa section ng mga candy. Kapag usapang candy, Fres candy ang pinakagusto ko. Malamig kasi sa bibig hindi tulad ng iba na matamis lang. Kumuha rin ako ng isang pack ng candy na ito. Panghuli, pumunta ako sa freezer at kumuha ng limang refresh na juice na sakto sa limang flavors – mango, apple, pineapple, orange at dalandan.

Sapat naman na siguro ang mga 'to para sa mumunti kong biyahe. Pumunta ako sa counter at binayaran ang lahat ng kinuha ko.

Inilagay ko ito sa basket na nasa harapan ng bike ko. Binuksan ko ang candy at kumuha ng isa para kainin.

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now