[2]

2 0 0
                                    

Moeryl's POV

12:07 pm. Dapat ay kumakain na ako ng lunch sa cafeteria pero dahil sa pagkabagsak ko sa puno kanina, minabuti kong pumarito na lang muna sa clinic. Magpapahinga na lang ako. Ang sakit sa likod, eh.

Binuksan ko ang phone ko at nag-scroll sa facebook.

-Aquh Xii Jean Urdajes-

Hai puhh. Nghanap puh aku ng buyfrend. Pm me if u wnt.

• Public • 8 mins ago

Kung pag-aaral ang inatupag niya, may napala pa siya. Maghahanap ng boyfriend tapos kapag nabuntis iiyak-iyak. Sasabihing hindi ginusto 'yong nangyari pero in fact tuwang-tuwa habang ginagawa 'yon.

-Mark Palalo-

Ako lang ang gwapo dito, pangit kayong lahat. Umangal mamamatay.

• Friends • Just now

Gwapo? Hmm. Pangit lahat? Walang ginawang pangit si God, pero hindi rin naman sinabing hindi porket walang pangit na ginawa, magaganda at gwapo na ang mga 'yon. Hindi rin birong salita 'yong 'mamamatay'. Masiyadong makapangyarihan 'yan na pwedeng mangyari in just a snap.

"Ang toxic ng facebook," tanging nasabi ko na lang.

Nagpahinga pa ako ng ilang minuto at pagkatapos ay bumangon na rin. Nagpasalamat ako sa doktora ng clinic paglabas ko kanina. 12:39 pm. Pwede pa naman sigurong kumain, 'di ba?

Dumiretso ako sa cafeteria. Iilan na lang ang mga estudyanteng kumakain doon. Marahil nasa mga silid-aralan na nila ang iba. Pumunta ako sa counter at um-order.

"Hmm. Isang cup of rice at fried chicken." Nag-abot ako ng P500 sa tindera. Nakangiti naman niya iyong tinanggap. Hindi nagtagal ay binigay niya na rin sa akin ang order ko pati na rin ang sukli ko.

Umupo ako sa puwesto kung sana natatanaw ko ang labas ng cafeteria. Gusto kong manuod sa mga nangyayari sa labas habang kumakain. Nakayuko ako habang kumakain kaya hindi ko napansin ang taong nasa harapan ko na pala.

Nakaupo siya sa harap ko pero 'di ko pa nakikita ang mukha niya. Naramdaman ko lang ang presensya niya lalo pa't tumunog ang upuan kanina nang nagalaw niya ito habang paupo.

Pag-angat ko ng tingin ay kumunot ang noo ko. "Bakit nandito ka?" Nakita kong may hawak din siyang tray na may lamang pagkain.

Malawak siyang ngumiti. "Bago pa lang din kasi ako kakain ng lunch. Nakita kita tapos naisipang dito na lang tumabi sa'yo since kilala naman kita." Tumango ako.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain habang kumakain din siya sa harapan ko. "Anong pangalan mo?" Biglang tanong niya sa akin.

"Moeryl." Tumango siya at inabot ang kamay.

"Kairo." Nagtatakang tinanggap ko ang kamay niya at nakipag-shake hands na rin. Nakangiti lang siya sa buong time na kumakain kami. May saltik ba 'to?

"Moeryl, may second name ka ba?" Tumango ako. May second name ako pero buong pamilya ko lang ang nakakaalam no'n pati ang mga taong nakakita na ng birth certificate at card ko. Bakit niya naman itinatanong? Weird lang. "Pwede bang sa second name mo na lang kita tawagin?" Nanliit ang mga mata ko sa tanong niya.

"Bakit?" Tanong ko pabalik. Tumawa siya.

"Wala. Okay lang naman kung ayaw mo." Napalabi ako at tumango. Mabuti naman pala kung gano'n. Ang weird kasi kapag tinawag ako sa second name ko. Hindi kasi ako nagagandahan sa second name ko. Weird siya actually.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako. Pinunasan ko ang bibig ko ng tissue paper na nakalagay sa table namin. Tinanguan ko lang si Kairo. Tapos na rin pala siyang kumain. "Mauuna na ako."

Hinawakan niya 'yong palapulsuhan ko kaya napaatras ako. Tila napansin niya naman na hindi ako komportable kaya binitawan niya rin ako. "Sorry. P-pero pwede bang ihatid na lang kita sa room mo?" Umarko ang mga kilay ko. Napabuga ako ng hangin.

"Hmm, bakit?" Medyo namilog naman ang mga mata niya dahil sa tanong ko. Agad siyang umiling at mahinang napatawa.

"W-wala. Sige, mauna ka na." Tumango lang ako at umalis na. Anong meron sa lalaking 'yon?

1:12 pm. 12 minutes na akong late sa pagpasok. Hindi naman siguro magagalit ang teacher namin.

Pagdating sa room ay nakapagtatakang maingay sila. Napatingin ako sa harap, at doon ko nakumpirma. Wala ang teacher namin ngayong oras na ito.

Alas-kuwatro na. Gagawin nga pala namin 'yong Research Proposal. Naglakad na agad ako palabas sa gate. May bench naman doon na maaaring pagpahingaan habang naghihintay.

Binuksan ko ang phone ko at isinuksok ang earphones. Nakinig na lang ako ng music dahil wala naman akong magagawa kung hindi iyon. Ang tagal naman no'ng dalawa na 'yon.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang dalawa. Magkasabay pa sila habang nagtatawanan. Nagsalubong ang mga kilay ko. Nagtatawanan pa, kung nagmadali na lang sila.

"Yo, Moeryl! Matagal ka bang naghintay?" nakangiting tanong ni Ren paglapit na siya sa akin.

"Oo," kunot-noong sagot ko.

Hinila ako ni Ren sa kamay ko gamit ang palapulsuhan ko. Nagulat ako kaya agad na akong umiwas. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kaniya.

"S-sorry," he said in apologetic tone. Medyo inikot ko ang mga mata ko.

"Saan tayo sasakay?" Ngumiti si Kent at kinindatan si Ren.

"M-moeryl, sumabay ka na lang kay Ren. Susunod sa akin 'yong sasakyan niyo." Hmm. Sige. Tumango ako sa kanila.

Kinindatan ni Ren si Kent pabalik. Bakla ba 'tong mga 'to?

Pinasakay ako ni Ren sa front seat. Does it mean na magiging katabi ko siya? Okay.

Buong biyahe ay tahimik lang ako. May mga times na nagtatanong siya at sinasagot ko rin naman 'yon. Pumasok ang kotse ni Kent sa isang malaking gate. 'Yong bahay nila, mukhang mansion na ata – sobrang laki.

Paghinto ng sasakyan ni Ren sa kung saan huminto rin si Kent ay hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pintuan. Ako na mismo ang lumabas mag-isa. Tiningala ko ang mansion na nasa harapan namin. Woah. Napakayaman naman pala ni Kent kaya siya 'yong nag-presenta na sa bahay na lang nila kami gumawa ng Research Proposal.

Iginiya kami ni Kent papasok sa mansion nila. Maraming mga kasambahay ang nakasalubong namin. Hanep. Ang yaman nila. Ang isang kasambahay nila ay pinaupo kami nito sa couch. Ikukuha niya raw muna kami ng meryenda na tinanguan ni Kent.

"Kent! May mga bisita ka o mga kaklase mo 'yang mga kasama mo?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses na iyon. Napalingon ako sa kung saan nagmula ang boses na 'yon at nanlaki ang mga mata ko.

Si Kairo? Anong ginagawa niya rito?

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now