Moeryl's POV
Ang weird. Bakit naman 'yon sasabihin ni Kairo? Baka naaaning lang siya o kung ano pa man 'yon. Kanina, nag-presenta si Kairo na ihatid na ako pauwi pero tumanggi ako. Pati nga mga magulang niya, pinilit na sumama ako, pero ayaw ko.
Sakay ako ng taxi pauwi. Alam ninyo ba? Naghihintay ako ng text galing sa magulang o kahit kay ate man lang. 'Yong mensaheng nag-aalala kung anong ginagawa ko ngayon o kung nasaan ako ngayon. Pero... wala, e. Wala silang load? Imposible. Laging may load si mama dahil kailangan din 'yon sa trabaho niya. Lagi ring may load si ate kasi ayaw niyang nauubusan ng load.
Fudge. I'm really unlucky.
Pagdating sa bahay ay nag-doorbell ako. Hindi ako papapasukin kapag hindi ako nag-doorbell. Ang higpit nila, 'di ba? Kailangan munang makita ako ng guard or maid namin para papasukin ako. Parang hindi ako belong sa pamilya kung ituring nila.
Nagtatawanan si ate at mama sa sala nang dumating ako. Nang makita nila ako ay agad na napawi ang kaninang mga ngiti sa kanilang mga labi. Tumayo si ate at humalik sa pisngi ni mama. "Matutulog na ako, 'ma. Good night! I love you." Ngumiti si mama kay ate, na sana ay ginagawa niya rin sa akin.
"Good night, sweetie. I love you too." Nang umakyat si ate sa kwarto niya sa taas ay lumapit naman ako kay mama. Hahalik na sana ako sa pisngi niya pero iniwas niya ang mukha niya.
Magmamano rin sana ako pero hindi niya ito pinansin. Yumuko ako.
"Bakit gabi ka na umuwi?" Seryosong tanong sa akin ni mama. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Gumawa po kami ng Research Proposal." Nanatili akong nakayuko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong tumatawa si mama.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Napakasinungaling mo talaga. Pag-aaral ba talaga o naglalandi ka na?" Nag-init ang gilid ng mga mata ko sa sinabi ni mama. Fudge. Ang sakit palang masabihan ng sinungaling, lalo na kung sa mismong magulang mo manggagaling.
"'M-ma, alam mo namang pinagbubuti ko ang pag-aaral ko." Tumango si mama at mapait na ngumiti.
"Hindi. You're a liar, Moeryl. Bakit hindi ka gumaya sa ate mo?" Heto na naman tayo. Pagkukumpara. Pagkakaiba. Kampihan. "Minsan naiisip ko. Paano kung hindi na lang kita ipinanganak? Paano kung ang ate mo na lang ang dumating sa buhay ko? Siguro buo pa sana ang pamilya natin. Oh, wrong. Pamilya pala namin dahil hindi ka na kasama rito, dahil ikaw mismo ang sumira ng pamilya natin." Umiling ako.
"S-sorry, 'ma," tanging nasabi ko na lang. Umiling si mama.
"Tingin mo ba, maibabalik ng 'sorry' mo ang lahat?" Umiling si mama. "Kumain ka na lang ng kung anong meron diyan sa table. Kumain na ako at ang ate mo sa restaurant kanina. Prinitong isda lang ata ang mayroon diyan." Tamad akong tumango.
Prinitong isda. Hindi naman ako maarte, pero 'yong katotohanang hindi man lang nag-effort si mama para ipagluto man lang ako ng kahit anong ulam. Kasi 'yong prinitong isda, ulam pa namin kaninang umaga.
Hindi pa kaya panis 'yon? Hindi ako marunong magluto. Umalis na rin si mama. Siguro ay matutulog na.
Pumunta ako sa kitchen. Binuksan ko 'yong fridge at tinignan kung may maluluto ba ako rito. Kahit ang magprito ng itlog, hindi ako marunong. Sigurado akong tulog na rin sila yaya. Malapit nang mag-10 pm.
Hindi ko alam kung bakit pero sinabihan ni mama nakaraan 'yong mga maids na 9pm pa lang, ay matulog na. Ang weird.
Fine. Magpi-prito ako ng itlog. Sana hindi masunog, para naman may maulam ako. 'Di ba kapag magpi-prito ka, ika-crack muna 'yong shell ng itlog?
Tama. Nang naayos ko na ang lahat, naglagay na ako ng mantika sa kawali. Pinatagal ko 'yon ng mga sampung minuto para mabilis lang ma-prito 'yong itlog.
Nang makita kong parang kumukulo na 'yong mantika, inilagay ko na ang itlog.
Nagulat ako nang tumilamsik ang mantika patungo sa akin. Hinarang ko ang mga braso ko kaya rito pumunta ang lahat ng tumalsik na mantika.
"Fudge! Ang init!" Agad kong pinatay ang stove dahil sa nangyari. 'Yong itlog... nasunog.
Sawi kong kinuha ang nasunog na itlog. Magfe-fail ba talaga kapag first trial? Fudge.
Wala na akong magagawa. Ito na lang din naman ang maaari kong maging ulam.
Tahimik akong kumakain. Ang pait ng sunog na itlog.
Pero mas mapait 'yong katotohanang parang wala man lang pakialam 'yong nanay ko sa kung anong kakainin ko ngayong gabi.
Past is past, 'ika nga. Pero bakit hindi nila malimutan 'yong nakaraan?
Halos mangiyak-ngiyak pa ako habang kumakain. Nagsugat ang braso ko dahil sa talsik ng mantika kanina. Masiyadong matalsik. Nagkaroon ng mga maliliit na butlig tapos mahapdi.
Pumunta na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang first aid kit sa cabinet at ginamot ang braso ko. Hindi naman siya malaki, pero sobrang hapdi.
Sobrang init na ba ng mantika kapag sampung minuto na siyang nakasalang sa kawali?
Matutulog na lang ako. That's the best thing to do right now. Syempre, mas magiging maganda iyon kung sasamahan ko ng pagkausap kay God. Siya ang kailangan ko ngayong ang dami kong problema sa buhay.
Tahimik akong naglalakad papunta sa puno ng mangga sa likod ng school kung saan ako tumatambay lagi. 4:30 pa lang ng umaga at napakaaga kumpara sa dating ko kahapon. Iiwas ako kay Kairo at mas mabuting mas maaga ako rito para hindi kami magkita. Mas maagang dating ko, mas maagang alis ko rin.
Dating gawi pa rin. Umakyat ako sa puno. Ngumiwi ako nang sabay na kumirot ang likod ko at ang braso ko.
Nakapagtataka. Ano 'to? Dahil mahapdi ang mga talsik ng mantika kahapon ay hindi pa rin 'to magaling? Nilagyan ko pa ito ng betadine at band-aid kanina.
Umupo ako sa sanga at isinaksak ang earphones sa tainga ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos na itinayo niya itong puno ng mangga rito sa likod ng school. Dito lang ako kumakalma. Dito lang ako sandaling nakakatakas sa realidad. Dito lang ako nakakaalis sa problema.
"Moeryl!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses na iyon. It's him again. Bakit narinig ko pa rin 'yong boses niya kahit nakasuot na ako ng earphones? Fudge.
Dahan-dahan akong bumaba sa puno habang sukbit ko sa aking balikat ang bag ko. Dahan-dahan lang dahil nakasuot ako ng palda, mahirap na't baka masilipan ako. Tamad ko lang siyang tinapunan ng tingin at lumampas na.
Nanigas lang ako nang hilain niya ang kamay ko. Oh. Maybe he noticed it. Agad kong binawi ang kamay ko. "Bitaw." Hindi niya ako sinunod bagkus kinunutan niya lang ako ng noo.
"Bakit may band-aid ang braso mo? Anong nangyari?" Umiling lang ako para ipakita na wala akong interes para sabihin sa kaniya ang totoong nangyari.
Bumuntong-hininga siya at binitawan na ako. Agad kong itinago ang kamay ko sa aking likod. "Moeryl... iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya na nagpataas ng kilay ko.
"Hindi."
"Then, dahil ba 'to sa sinabi ko kagabi?" Bumaling ako sa kaniya. Nakipagsukatan ako ng tingin. Tumitig ako sa kaniya para makita ang ekspresyon niya at ang mga nararamdaman niya. He meant what he said last night? "Hindi rin. Mauuna na ako."
Tumalikod na ako, but I was stiffened on what he suddenly said.
"Kung alam ko lang na iiwas ka, hindi na sana ako umamin pa."
Ano bang sinasabi niya? Saan siya umamin? Doon sa pa- "But... I'm here" niya? Ano? Bubuuin niya ako kapag nabasag ulit ako? Fudge.
Tuluyan ko na siyang tinalikuran. Kung ano mang nararamdaman niya para sa akin, mali 'yon.
I don't want to assume too. I better ignore him.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...