[25]

4 0 0
                                    

Moeryl's POV

"Leigh? Nasaan ka? Si James ba nakita mo?" tanong ko habang kausap si Leigh sa cellphone. Tinawagan ko siya para malaman kung nasaan siya... at ang boyfriend ko.

"M-moeryl? N-nasa condo ko ako. Si James.. 'di ko a-alam kung n-nasaan siya, e." Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita. Mapait akong ngumiti at nanuod nang mabuti.

"Talaga? Hmm. Thank you."

"H-ha? Welcome."

I smiled. I laughed sarcastically. "Thank you... for lying." Agad kong ibinaba ang tawag.

Narito ako, nanunuod sa kanila. Narito ako sa harap ng SSG office habang pinapanuod silang maghalikan.

Narito ako at natutuklasan ang pagtataksil ng kaibigan ko at ng aking kasintahan sa akin.

Tumawa ako at tumingin kay Noei na ngayon ay namimilog ang mga mata. "Ang cute ng pagtataksil nila sa akin, 'di ba?" Fudge. Hindi ko na siya mahal, ang ex-boyfriend ko, pero may sakit pa rin akong nararamdaman kasi sinaktan niya ako. Pero wala na 'yon. Hayaan na natin.

"H-hindi ka umiyak?" Nakangiti akong umiling.

"Bakit pa? Sayang ang mga luha ko kung iiyakan ko ang maling tao. Pagod na ako para umiyak pa. Sobrang nasaktan na ako ng una kong boyfriend... mas masakit nga lang sa pangawala," sabi ko pa.

"H-hala? May nauna pa roon sa nagtaksil sa iyo?" Tumango ako at bumusangot.

"Oo. Si Lawrence iyon. Pinagpalit niya ako, e," Sandali akong tumigil. "Ako 'yong nauna, pero ang pinili niya ay 'yong pangalawa." Kumunot ang noo ni Noei at tumaas ang isang kilay. "Bakit, Noei?"

Tumawa lang siya at umiling. "Wala. Hahaha! Hmm, pwede mo rin bang ikuwento sa akim kung paano kayo nauwi ni Lawrence sa hiwalayan?" Napaawang ang bibig ko. Nanlisik ang mga mata ko.

"Nako, Noei. Okay! Hahaha! Past na rin naman 'yon." Ngumiti lang siya at biglang napayuko. Eh?

"M-moeryl... I'm sorry," mataman niyang usal pagkatapos ay tangkang lumapit sa akin. Umiwas ako. Lumayo ako sa kaniya.

"Sorry para saan?" Nangilid ang mga luha ko. This is not the right time for me to cry. Hindi. Hindi ako iiyak para sa isang lalaki.

"Hindi na k-kita mahal." Tumulo ang patak ng mga luha galing sa mga mata niya. Woah. 'Di niya na ako mahal? Ang bilis. Bakit parang ang dali lang para sa kaniyang sabihin 'yon?

"The feeling isn't mutual, Lawrence. Mahal pa rin kita. Ano? Bakit? May iba na ba?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinuntok siya sa dibdib niya. Pinigilan niya ako at wala naman akong magawa.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. I love him, but I think... my love for him wasn't enough for him to stay.

"I love someone else. Kasi alam mo, Moeryl? Mas pinaramdam niya sa aking may halaga ako. Mas pinaramdam niya sa akin 'yong labis na pagmamahal, na ni minsan ay hindi ko nakuha sa 'yo."

I slapped him. I punched his face. "Gano'n? The feeling's now mutual, Lawrence. Hindi na rin kita mahal." Nanlaki ang mga mata ni Noei pagkatapos mapakinggan ang aking kuwento at napaiwas ng tingin. Hmm.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay malungkot ang mga mata niya. "M-moeryl, bakit hindi mo siya pinigilan?" Tumawa ako.

"I'm too hurt to even stop him from leaving me," ani ko. Huminga ng malalim si Noei at tumayo. Malungkot siyang humarap sa akin.

"Alas-otso na, Moeryl. Kumain na tayo." Pilit siyang ngumiti at pumunta na sa kusina. Sudden change of mood? Fudge.

Tahimik lang kaming kumakain. Hindi umiimik si Noei. Hanggang sa nakatapos na lang kami ay hindi pa rin siya umiimik. Siguro pagod lang siya dahil sa mga kinuwento ko kanina. Tama, baka gano'n nga.

Nag-good night na lang kami sa isa't isa at natulog na rin. Pagkahiga sa kama ay binuksan ko ang phone ko. Mahina akong suminghap at nag-init agad ang mga luha ko. Walang texts o tawag man lang galing kay mama o ate. Hindi ba sila nag-aalala sa kalagayan ko? Hindi ba nila naiisip kung nasaan ako ngayon, kung kumain na ba ako, kung may maayos ba akong tulugan, o kung ligtas ba ako? Bakit nga naman nila ako iisipin at aalahanin? Fudge.

Dala ng pagod ay natulog na ako. Itutulog ko na lang ang lahat ng 'to, umaasang baka bukas ay maging maayos na ang lahat.

Bigla na lang akong nagising. Nakita kong bukas ang ilaw sa labas dahil may tumatagos na liwanag dito sa silid ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas-kuwatro pa lang ng umaga. Marahan akong naglakad palabas. Nakabukas ang pinto at nakita kong naroon si Noei. Akmang papasok na sana ako sa banyo pero napatingin ulit ako dahil parang may kausap si Noei roon.

Sumilip ako at nakita ang isang pamilyar na pigura. Lumapit ako sa kanila at doon ko nakumpirma ang mga nakita ko. Nanlaki ang mga mata ni Noei nang makita ako.

Seryoso akong humarap sa kanilang dalawa. "N-noei... uhm, s-siya ba ang boyfriend mo?" Napayuko si Noei samantalang nanigas naman sa kinatatayuan niya si Lawrence.

Nakangiti kong tinignan si Lawrence mula ulo hanggang paa. "Si Noei pala. Siya ba 'yong nagparamdam sa 'yo na mahalaga ka? Siya ba 'yong nagparamdam sa 'yo ng wagas na pag-ibig?" Hinarap ko si Noei na ngayon ay matamang nakatitig sa akin. "Kaya pala. Huwag kang mag-alala, Noei. 'Di nito maaapektuhan 'yong pagkakaibigan natin." Ngumiti ako sa kanila pareho. "Mauna na ako."

Bumalik ako sa silid ko upang matulog ulit. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Si Lawrence at si Noei, sila pala? Kaya ba noong nagkukwento ako kay Noei tungkol kay Lawrence, ay halos hindi siya ngumingiti o nagkakaroon man lang ng ibang reaksyon. Mabuti na palang naghiwalay kami kasi si Noei naman ang makakatuluyan ni Lawrence.

Noei is an ideal girl. Mabait, maganda, masipag at responsable. Nagtatrabaho siya sa murang edad pa lang.

Sabado ngayon at mamayang hapon ay may trabaho kami ni Noei. Sabay na lang siguro kaming pupunta sa café. Mabuti pang matulog na ako.

Alas-onse ng umaga nang magising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Isang unregistered number ang tumatawag sa akin. Ano naman ang kailangan nito?

"Hi, Moeryl." Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. Sino naman ito?

"Sino sila?"

"Kairo," usal niya. Bumuntong-hininga ako at tumaas ang isang kilay.

"Bakit ka napatawag?"

"Magkita tayo, please. I'll tell you something." Kumunot ang noo ko. Ano na naman bang pag-uusapan namin? Tungkol na naman sa nararamdaman niya sa akin? Fudge. Sana kasi ay nag-move on na siya.

"Saan?" Kalmadong tanong ko kahit medyo naiinis.

"P-pwedeng sa amusement park n-na lang?" Kumunot ang noo ko.

"Exact place," wika ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.

"Susunduin na lang kita." Tumaas ang isag kilay ko sa sinabi niya.

"Bakit? Uh... sige." Pinatay ko na ang tawag at muling humiga.

Sandali. Fudge.

Paano niya nga pala ako susunduin kung hindi niya alam kung nasaan ako?

Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko at naabutan si Noei na nanunuod sa t.v. Right! Baka nalaman niya kay Noei kung nasaan ako at baka nalaman niya ring pansamantala akong nakikitulog dito sa apartment ni Noei! Bahala na.

Nakangiti akong lumapit kay Noei. "Good morning, Noei!" Tila nagulat naman siya at nakasimangot na yumuko. "Uy! Bakit?"

Malungkot siyang humarap sa akin. "Hindi ka galit sa akin?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"'Yong tungkol ba sa kahapon? Sus. Wala 'yon. Past is past, 'ika nga." Ngumiti siya at niyakap ako.

"Ahm... Moeryl, may itatanong lang ako." Kumunot ang noo ko. "K-kasi 'di ba, sinabi m-mo kagabi na nasa k-kritikal na kondisyon 'yong taong m-mahal mo ngayon?"

Seryoso ko siyang tinitigan. "Bakit?" Naitanong ko na lang.

"A-anong nangyari?"

"Do you really want to know?" Naiilang siyang tumango. Napabuga ako ng hangin. 

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now