CHAPTER 23

1.4K 32 0
                                    


Zenia POV

Dalawang araw na ngayon dito sa hospital si kyle at mamaya lalabas na siya. Bukas may pasok na kami dahil lunes na at simula na din ng practice para sa mga sports na sasalihan ng mga students.

Ngayon dumating si tanda at hindi yun inaasahan nila skit kaya para silang mga tuta na ang aamo sa gilid. Hindi man lang magawang mag-ingay na palagi nilang ginagawa.

"Dad? An-ong ginagawa niyo dito? "-kabadong tanong ni kyle Kay tanda. Tinignan niya ako pero iniwas ko lang ang paningin ko sa kaniya. Sila mag-ama ang magbangayan diyan. Ayaw kong sumali sa kanila. Tinignan ni tanda sila skit at nakuha naman nila ang ibig sabihin nito. Mabilis na lumabas ang apat at na iwan nalang kaming tatlo dito sa loob.

"Kyle hindi ka ba nag-iisip. Bakit nagpabaril ka? "-ramdam ko ang inis  at galit sa tuno ni tanda.

"Da-d hindi ko naman alam na mababaril ako...sino ba naman ang makakapagisip ng matino kapag kaharap mo ang napakaraming kalaban.. At isa pa dalawa lang kami ni hime"

"Next time make sure na hindi ka na mapapahamak. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko"-pagkasabi ni tanda non. Niyakap niya si kyle at ganon din si kyle sa kaniya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila dahil pakiramdam ko sumikip ang dibdib ko sa nakikita ko.

Napabuntong hininga ako at naisipang iwan na sila don. Pagkalabas ko bumungad sa akin ang apat na ang tahimik habang nakaupo sa waiting chairs.

"Zen.. Anong sabi ni master? "Tanong ni stacy

Hindi ko siya sinagot at iniwan na sila don. Pumunta ako sa rooftop at kagaya nangdati ang lakas pa din ng ihip ng hangin. Nakakagaan ng loob.

Umupo ako sa bakanteng upuan dito sa rooftop at tinignan ang kulay asul na langit. Ang mga ulap na lumulutang na parang sumasayaw.
Hindi ko alam pero nakita ko ang mukha ni mama sa langit. Ang mga ngiti niya habang nakatingin sa akin.

How I miss her. The way she call me princess the way she hug me, and the way how she express her love to me.

"I hope your happy there ma"-bulong ko sa hangin at pinikit ang mata ko.

---------

Kyle POV

Pagkatapos naming mag-usap ni dad nagpaalam na siyang bibisitahin niya lang ang company niya dito sa pilipinas tapos susunod din siya sa amin.  Sa mansion niya muna ako tutuloy para maalagaan niya daw ako. King'ina umiiral na naman ang ka sweetan sa katawan ni dad.

"Nasan si hime?"-tanong ko sa kanila ng pumasok sila skit sa pinto.

"Ewan "sagot ni dria

"May ayos ka na kyle. Ililigpit lang namin ang mga gamit mo tapos Alis na tayo"sabi ni skit at sinimulan nang ilagay sa bag ang mga dumi kong damit.

Nasan si hime? Kanina nandito lang naman siya. Hindi ko naman napansin na lumabas na pala siya. Si dad kasi e.

Dahan dahan naman akong tumayo at tinulungan din ako ni stacy at monique. Hinatid nila ako sa cr para makapagbihis ng damit.

Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako.

"Kyle hali ka na? "-tawag sa akin ni skit na bitbit na ang bag ko

"Si hime? "Tanong ko sa kaniya

"Nag text siya sa akin.. Hatid ka na daw namin may pinuntahan pa daw siya"sabi niya. Bigla namang nawalan ako ng gana. Hindi niya ako ihahatid sa bahay ni dad?

"Wag ka nang malungkot. Bibisita din naman siya don. Ikaw pa hindi ka non matitiis. Mahal ka non"-napangiti nalan ako sa sinabi ni dria. Tama. Bibisitahin naman ako ni hime.

"Tara na"-aya ko sa kanila

"Yun oh. Hahaha... "Dinig kong sabi ni Monique napailin nalang ako. Pagkababa namin sa lobby ng hospital ang daming reporter ang nakaabang sa amin.

"Kyle ano bang nangyari bakit ka nabaril? "

"Totoo bang magkasama kayo ni ms. Rian ng mabaril ka? "

"Kyle!! "

"Mr. Kyle bakit hindi niyo kasama si Ms. Rian ngayon? "

"Kyle totoo ba ang nababalitaan namin na nagtangka daw pumatay sayo kaya ka nabaril at muntik nang si  Ms. Rian ang natamaan kaya ikaw ang sumalo? Totoo bang niligtas mo siya?!"

"Mr. Kyle? "

Hindi na namin sila pinansin at pumasok na sa nakaabang na van para sa amin.

"Ho!  King'ina kapag ako hindi nakapag timpi sa mga reporter na yan.. Papaulanan ko sila ng bala"-napangiti nalang ako sa sinabi ni stacy

"Gosh!  Ano daw yung balita? Prrfftt... Fake news!! "-sigaw ni monique sa bintana hindi naman siya naririnig ng nasa labas na mga reporter.

Umandar naman ang sasakyan kaya sumandal nalang ako sa sandalan at pinikit ang mata ko.

----------

Zenia POV

Pagkatapos kong manggaling sa rooftop naisipan ko nang umalis sa hospital.

Hindi ko na dinala ang sasakyan ko dahil gusto ko munang maglakad lakad. Has disguise din naman ako kaya hindi ako nakikilala ng mga tao. Nakasuot ako ng shades at cap. Nilugay ko din ang buhok ko nagsuot na din ako ng hoodie jacket kaya wala na talagang makakakilala sa akin.

Napadaan ako sa isang stole ng ihawan at hindi ako makapaniwala sa nakita kong tao na bumibili doon. Kumakain din pala siya niyan. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang mga lutong pagkain.

"Ate 20 peraso nito "-sabi ko sabay turo sa isaw. Nahagip naman ng paningin ko na napatingin si Charles sa akin. Mukhang nakilala niya ang boses ko. Hinarap ko siya at namulsa.

"Ms. Magkakilala ba tayo? "-tanong niya sa akin na nakakunot ang noo. Binaba ko naman ng kaunti ang shades ko at tinignan siya. Bakas sa kaniya ang kaba at pagkagulat.

"Hindi ko pala alam na mahilig ka din pala sa ganito"-sabi ko sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito? At ano yang suot mo? Ki init init ng panahon gumaganyan ka? "-tanong niya. Pinitik ko naman ang noo niya. FC na ako sa kaniya. Pero OK lang maagaan naman ang loob ko kapag siya ang kasama ko.

"Anong problema mo at namimitik ka diyan? "-inis na sabi niya. Napangisi naman ako

"Obviously nag dedesguise ako"-inirapan niya naman ako at kumuha ng lutong isaw.

Tinignan ko kung saan siya kumuha.
"That's mine"-sabi ko

"Sayo ba to? Hahaha... Pahingi lang. Damot mo ah"-I rolled my eyes on him at kumuha na din ng isaw. Sinimulan ko nang kumain at hindi na siya pinansin.

--------------

Clash Between The Two Gang'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon