Zenia POVNandito kaming lahat sa hapagkainan at wala na mismo ang gustong bumasag ng katahamikan kaya nagsalita na ako.
"Next day is the sport feast kaya I think bukas ilalabas na ang sced para sa laro"
"Ano bang sports na nabunot mo Zen? "Pagtanong ni Monique sa akin. Kita ko naman na inaabangan nila ang sasabihin ko.
"Tsk. "Hindi ko siya sinagot pa at tumayo nalang. Iniwan ko na sila sa kusina at pumunta na sa kwarto ko. I grab my phone at tinawag ang makakatulong sa akin sa isa kong sasalihan. Hindi din nagtagal sinagot niya naman.
"Hey! Ngayon ka lang yata napatawag? "Bungad niya sa akin pagkasagot niya
"Make me a gown. I want it simple but elegant kapag sinuot ko."
"For what? "
"Pageant "
"SERIOUSLY !!!!!! DI NGA!!? hahahahaha"
"Tsk.. "
"Hahahaha... Gosh hindi ako makapaniwala... Sumasali ka pala sa mga ganyan? "
"Hindi ko gusto. Sadyang kailangan lang talaga"
"Hahaha.. Whatever! Oo na gagawan na kita.. And I think babagay sayo ang nasa isipan ko ngayon"
"Bahala ka na.. Geh bye"-pagkatapos kong sabihin yun binabaan ko na siya ng telepono. Pabagsak naman akong umupo sa kama ko at iniisip kong sino ang nakabunot ng magiging partner ko sa pageant.
I need to know who's that lucky man.
------
Maaga akong nagising at pumasok sa school. Hindi ko na hinintay sila skit dahil may kailangan pa akong gawin. Babalikan ko ang old library. Alam kong may makikita ako doon na makakasagot sa katanungan ko.
Hindi din nagtagal nakarating na din ako. Pagkapasok ko gaya pa din ng dati. Inikot ko ang paningin ko at napunta yun sa mga book shelves. Hinawakan ko ang mga libro dahil pakiramdam ko may kakaiba sa mga yun. Nabigla ako ng hawakan ko ang isang makapal na libro. Tinignan ko ang title non at "mystery of box"
"What's this? "I ask in my mind
Akmang kukunin ko yun ng nagitla ako dahil biglang gumalaw ang book shelves. Humiwalay ang dalawang bookshelves at napakunot ang noo ko dahil bumungad sa akin ang isang kwarto. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok at nilibot ang paningin.
I knew it. May kakaiba nga sa library na to. Hindi naman nila susunugin ang library na to kong wala silang tinatago. Ngunit hindi sila nagtagumpay na wasakin to.
Napapalibutan ang kwarto ng matataas na book shelves at sa gitna isang glass box kung saan nasa loob ng isang maliit na kahon. Kakaiba ang nga nakaukit sa kahon. Walang pagaalinlangan kong sinuntok ang glass box at nabasag yun.
Napansin ko naman na dumugo ang kamao ko dahil na rin seguro sa bubog.
Dahan dahan kong kinuha ang box at tinignan yun. I try to open it pero mukhang kailangan ng bagay na makakapagbukas dito. Napatingin ako sa susian ng kahon. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa suot kong kwintas. Ang kwentas na suot ko at binigay sa akin ng babaeng nakita ko 5 years ago. Naabutan ko ang babaeng yun na naghihingalo at marami siyang pasa at sugat sa katawan. Bago siya mamatay binigay niya sa akin ang kwentas na to. Tatanungin ko pa sana siya non kung ano ito pero huli na. At hindi ko na din siya nailigtas dahil bigla nalang may bumaril sa gawi ko non at hinabol ako ng mga kalalakihan sabay paputok ng baril sa akin.
BINABASA MO ANG
Clash Between The Two Gang's
ActionSa isang paaralan na kung saan naghaharian ang limang kalalakihan, Nakung Saan sila ang sinusunod ,sila ang batas, at sila ang napapasimuno ng lahat na kaguluhan, Paano kaya kung biglang ,magbago ang lahat Na sa isang iglap lang mawala na sakanila a...