Stacy POVPagkatapos ng practice namin. Napagpasiyahan namin nila Monique at dria na sabay sabay na kaming mag lunch sa cafeteria. Si skit naman may gagawin daw kaya hindi na. Siya sumama sa amin. Kung kanina masaya ako dahil sabay sabay kami ngayon hindi na. Pinagsisihan kong sumama pa ako.
Kaharap ko lang naman si brent na may kaakbay na babae. Si dria naman kasi hinila kami ni Monique sa table nila ivan. Si Monique naman pumayag dahil nakita naman niya si bryan. Ako hindi ba nila tinatanong kung payag ba ako?
"Honey try this one.. Say ahh~"
"Ahh"
"Hmm.. Yummy? "
"Yeah "
Napa rolled eyes naman ako sa narinig ko. King'ina hindi ba sila napagsabihan na NO PDA IS ALLOWED?
napatingin naman ako sa mga kasama ko. Si Ivan at dria ang sweet na naman sa isat isa. Si Bryan at Monique nagkukwentuhan. Ako? Ito naiirita sa nakikita at naririnig ko. Teka nga bakit ba ako apektado. Ano naman ngayon kung maglandian sila sa harapan ko? Pake ko ba? Kahit mag make out pa sila diyan wala akong pake.
"Stacy? "
"What? "-mataray kong tanong kay Monique na nasa tabi ko. Nabigla yata siya at pati ang iba naming kasama napatingin sa akin. Tinuro niya naman ang kinakain ko kaya tinignan ko yun. Napabuntong hininga ako ng nakita kong mukhang hindi na pwedeng kainin ang manok. Na turtured na e.
"Prrfft.. What happened to you ba girl? "-conyong tanong ng babaeng kaharutan ni brent sa harapan ko. Tinignan ko naman siya ng masama
"Pake mo? Gusto mo itulad kita sa manok ko? "-mataray na tanong ko sa kaniya. Dinig ko naman kung paano nagpigil ng tawa sila Bryan sa narinig nila. Nakita ko naman na pumula ang mukha niya sa galit at umuusok na ang ilong niya. Nako bubuga na ng apoy ang dragon. Tsk.
"You!! "-sigaw niya sabay tayo at duro sa akin ng daliri niya. Nginisihan ko naman siya bago tinapon ang tingin ko kay brent na seryosong nakatingin lang sa akin.
"Pagsabihan mo itong babae mong higad.. Dahan dahan siya sa pananalita niya. Baka kung anong magawa ko sa kaniya"-banta ko at iniwan na sila don.
----
Brent POV
Ngingiti na ba ako o maiinis dahil sa sinabi niya. Ngingiti dahil pakiramdam kong nagseselos siya o maiinis dahil nagalit na naman siya at ako ang may kasalanan na naman non.
"Arrggshh sino ba siya sa akala niya?! "Sigaw ni cheska dahil sa inis
Hinayaan ko naman siya dahil wala akong pake sa kaniya"Kung umalis ka na kaya dito? Nagiingay ka lang naman"-sabi ni Monique sa kaniya
"Ha? Ako papaalisin mo? Hahha.. Girl kayo lang naman ang dapat umalis d--"
"Anong kami! Gusto mo yata ng pasa ikaw na babaeng higad ka!! "-biglang sigaw ni dria. Tinignan ko naman si ivan at pilit na pinapakalma si dria.
"Bakit kaya mo? Baka ng---PAK*"nalaki ang mata namin sa nangyari. Sa isang iglap lang nasa sahig na si cheska at nakahawak sa pisngi niya kung saan siya sinampal ni Monique. Ang bilis.
"You! Bitch! HOW DARE YOU TO SLAP ME!!? "-sigaw ni cheska at akmang gaganti na din ng magsalita ako"Leave cheska"-sabi ko na ikinatigil niya. Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala.
"Ha? I hate you brent! "-sigaw niya at tumakbo palabas sa caf.
"Tsk. Isang sampal lang naman pala tumba na. King'inang babae. Pinapainit niya ulo ko"-inis na sabi ni Monique
Napailing nalang ako. Ang war Freak talaga nilang magbabarkada. Pwera nalang kila skit at zenia.
---------
Skit POV
Nandito ulit kami ni zack sa coffee shop at kanina pa kaming umaga na nandito. Nakatotok kaming dalawa sa mga laptop namin at nabalutan kami ng katahimikan. Kahit madaming tao na ang napatingin sa gawi namin wala pa din kaming pakealam.
"Zack"
"Hmmm? "-tinignan niya ako na nagtataka. Hindi ko alam kong tama ba itong tumatakbo sa isipan ko pero malaki ang posibilidad na siya yun.
"Pakiramdam ko lang kasi.. Ang anonymous girl na yun ay si..... Zenia"kita ko kung paano kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Look. I know. Alam ko ang tumatakbo sa isipan mo na baka nahihibang na ako. Pero try to look at this one"-sabi ko sa kaniya at pinakita ang photo ni zenia at ang photo ng anonymous girl
"Try to look at their hair"kita ko naman kong paano lumaki ang mata niya
"Same color right? "-tanong ko na ikinatango niya.
"Pero straight ang buhok niya. Hindi naman pweden basihan lang ang buhok hindi ba? "Napabuntong hininga naman ako.
"Yeah right"
Napasandal naman ako sa sandalan ng upuan at pinikit ang mata ko. Wala pa akong tulog at wala pa din kaming nakuhang info. Kainis talaga.
-------
Charles POV
Nakita kong pagod na umupo si zenia sa sofa dito sa music room. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya habang tumatagaktak ang pawis niya sa mukha nito.
"Stop staring at me"-napaiwas naman ako bigla dahil sa sinabi niya. Akala ko hindi niya napapansin ang pagtingin ko sa kaniya.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si yaya na may dalang meryenda.
"Sir ito na po"
"Pakilagay nalang sa table yaya"
"Ok po sir"-pagkatapos ilagay ni yaya nagpaalam na siyang aalis na. Umupo naman ako sa tabi ni Zen sabay kuha ng isang pizza
Tinignan ko naman siya ng hindi siya kumuha ng pagkain
"Ayaw mo? "
"Tsk"-napangiti naman ako ng kumuha nadin siya at nagsimulang kumain.
"Hindi ko alam magaling kapalang kumanta"-biglang sabi ko. Napatingin siya sa akin at nagsalita
"Hanggang ngayon lang ang practice natin. May aasikasuhin ako bukas"
"Ano naman yun? "
"It's none of your business "
"Ok"pagsuko ko. Mukhang napaka importante nga ng gagawin niya bukas.
-------
BINABASA MO ANG
Clash Between The Two Gang's
AksiSa isang paaralan na kung saan naghaharian ang limang kalalakihan, Nakung Saan sila ang sinusunod ,sila ang batas, at sila ang napapasimuno ng lahat na kaguluhan, Paano kaya kung biglang ,magbago ang lahat Na sa isang iglap lang mawala na sakanila a...