CHAPTER 21

1.4K 29 0
                                    


Charles POV

"Stacy.. Magiging ok din ang lahat.. I knew hindi mamatay si kyle masamang damo yun. And I know hindi hahayaan ni zenia mangyari yun. Mahal niya si kyle "-hindi ko alam pero ng marinig ko ang huling sinabi ni monique parang nakaramdam ako ng inis.

Tsk.

Hindi din nagtagal nakarating na kami sa sinasabi nilang hospitao. Nagtataka ako kung ano ba talagang nangyari kila zenia at napunta sila dito sa hospital.

Bumaba na kami kaagad at nagtanong sa nurse desk kung nasaan si kyle hindi ko nga alam pero pagkabanggit lang nila ng pangalan kahit walang surname sinabi na kaagad ng nurse kung saan.

Kilala na ba sila dito?

Nakarating kami sa emergency room at sa labas ng ER naabutan namin si zenia na maraming dugo sa katawan. Ngayon ko lang siyan nakitang maka ponytail ang buhok. Nakaitim siya na damit at fitted jeans. Pero mas marami ang dugo sa kamay at damit niya.

"Zenia!! "-sigaw ni stacy at tumakbo papalapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya.

Lumapit naman kami sa kanila at napakunot ang noo ni zenia ng makita kami. Pero iniwas niya din ang tingin niya. Bakas sa mga mata niya ang pagod na may bahid ng pag-alala

"Zen anong nangyari? Kamusta si kyle? "-tanong ni skittiny

Hindi siya nagsalita at bigla nalang bumukas ang pinto ng ER. Doon lumabas ang doctor. Bigla namang tumayi si zenia at lumapit sa doctor.

"H-ow is he? "-tanong niya

Ganon ba talaga kahalaga sa kaniya si kyle at grabe ang pag-alala niya dito.

"He's stable now.. Nakuha na din namin sa balikat niya ang bala.. Ililipat nalang namin siya sa kwarto niya"-sabi ng doctor at iniwan na kami.

"Zenia"-napatingin si zenia kay skittiny

"Tell us what really happened? Bakit may bala sa katawan ni kyle? Nabaril ba siya? San ba talaga kayo pumunta? "-sunod sunod na tanong nito

"It's Nothing "-sabi ni zenia sa kaniya

"Ghod!  Zen!  Nothing? Don't you think wala lang yun.. Muntik nang mamatay si kyl--"

"But his not so shut up! "-napatahimik kami sa biglang pag sigaw ni zenia. This is the first time na nakita ko siyang ganito. Is this all because of kyle?

"Bahala ka sa buhay mo"-pagkasabi ni skit non umalis siya. Sinundan naman siya ni monique. Umalis na din si zenia.

"Sorry nakita niyo pa ang sagutan nila kanina "-sabi ni dria. Nilapitan naman siya ni ivan at niyakap ito.

"OK lang . Normal lang yun at kahit kami din naman hindi nagkakaintindihan minsan"-sabi ni ivan

Hindi ko na sila hinintay pa at sinundan si zenia kung saan siya pumunta. Nakarating ako sa isang pinto at binuksan yun. Nakita ko sa loob si zenia nakaupo siya sa tabing kama ni kyle habang nakahawak sa kamay nito.

Napahigpit ang kapit ko sa doorknob habang nakatingin sa kanilang dalawa. Wala pa ding Malay si kyle.

"Kyle wake u-p please. "-nakita ko naman na parang may pinupunasan si zenia sa mukha niya. Luha?

Umiiyak siya?

"Sorry kasi hindi kita napagtanggol.. S-orry nasabihin ko na si tanda.. Uuwi na siya dito. "

Hindi na ako nakinig pa at umalis nalang.

----------

Zack POV

Nandito kami ngayon sa kwarto ni kyle. Nandito kaming mga kings maliban nalang Kay Charles na hindi namin alam kung saan na naman pumunta. Bigla nalang nawala kanina e.

Nakabalik na din si skit at kanina pa siya tahimik sa sulok habang nakatingin Kay zenia na hindi man lang binibitawan ang kamay ni kyle. Ano ba talagang meron sa dalawang to? Sila ba?

"Zen.. Magpalit ka kaya muna ng damit nagpadala na kami dito ng ilang mga gamit mo. Nangangamoy dugo ko na kasi"-sabi ni stacy sa kaniya

Hindi nagsalita si zenia at tumayo lang ito. Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya sa pinto.

------------

Zenia POV

Naisipan kong lumabas na muna at napadpad ako sa rooftop ng hospital. Bumungad sa akin ang napakalakas na ihip ng hangin.

"Anong ginagawa mo dito? "-napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Charles na nakaupo sa isang upuan dito sa rooftop. Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso.

"Ikaw? Bakit ka din nandito? "-balik na tanong ko sa kaniya

Kita kong napangisi siya at bigla nalang tumawa.

"You know what.. Ikaw lang ang nagiisang babaeng nakakuha ng atensyon ko maliban sa kapatid kong babae"- napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What the hell is he talking about?  At kapatid?

"Alam mo bang may pag kapareho kayo. Hindi din yun palangiti at seryoso siya sa buhay. Katulad mo tinatago niya din ang totoong nararamdaman niya. Pinapakita niya sa ibang tao na malakas siya at walang kinatatakutan"-habang sinasabi niya yun parang may inaalala siya na napakasayang alaala sa buhay niya.

"Nagkakamali ka. Hindi kami magkapareho"-sabi ko. Tinignan niya ako na nakangiti pa din.

"Bakit? Ano bang kakaiba sayo? "Tanong niya

Iniwas ko sa kaniya ang paningin ko at tinignan ang kalangitan.

"Napaka kakaiba.. Kakaiba ako sa lahat."-sabi ko

"Napakamesteryoso mo.. "-napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi nito. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso ganon din ako sa kaniya.

"Zenia sino ka ba talaga? "-biglang tanong niya

"Sa tingin mo sino ba talaga ako. Kahit ako Charles hindi ko alam kung sino pa nga ba ako"-sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko na sabihin sa kaniya yun.

"Si kyle "-sabi niya sabay Iwas ng tingin sa akin"totoo bang may namamagitan sa inyo ni kyle? "

"Bakit mo naman natanong? "

"Dahil.. Yun naman ang naririnig ko sa lahat"-napangiti naman ako sa isipan ko. Kahit pala siya napapaniwala ng mga sabi sabing yun

"Wala"sagot ko na ikinataka niya

"Pero kung mag-alala ka sa kaniya sobra.. At sa nakikita ko mahalaga talaga siya sayo at mahal na mahal mo siya"kita ko kung paano lumungkot ang mukha niya habang sinasabi yun

Napamulsa naman ako at lumapit ako sa kaniya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko

"Oo mahal ko siya"-sabi ko at napansin ko naman na kumuyom ang kamao niya at kung paano mag igting ang panga niya. Naiinis ba siya?

"Charles tell me.. May gusto ka ba sa akin? "-tanong ko sa kaniya

"Ha-a... H-indi ah"napangisi ako dahil halatang halata na siya.

"Sabi mo e"-ako at tinalikuran ko na siya. Iniwan ko na siya don at bumaba na ako.

Napailing nalang ako sa inasta niya.

----------

Clash Between The Two Gang'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon