Zenia POVNagising ako na may nakadagan sa akin. Tinignan ko naman ang katabi ko at ang himbing ng tulog. Inalis ko ang kamay niya at naramdaman ko naman na dumilat siya.
"Morning"-I said to him
"Goodmorning hime"-nakangiti niyang bati sa akin. Bumangon naman ako at tumayo .
"Mag-ayos ka na.. May practice ka pa"-sabi ko sa kaniya sabay kuha ng kumot ko sa katawan niya. Hindi ko man lang namalayan na dito pala siya natulog ka gabi.
Bumangon na siya at nakangiti pa rin habang tinitignan ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"What? "
"Morning kiss ko? "-tinignan ko siya ng masama at mukhang nakaramdam naman siya kaya tumayo na siya at umalis sa kama.
"Sabi ko nga...labas na ako"-kamot batok na sabi niya at tumalikod na. Tinignan ko naman siya at parang sinasadya niya talagang bagalan ang lakad niya. Kinuha ko naman ang knife ko sa drawer at tinapon yun sa pinto.
"Shit! "-mura niya at mabilis na kumaripas papalabas sa pinto. Napangisi nalang ako. Mabilis din naman pala e. Segurado akong papagalitan na naman siya ni tanda dahil hindi siya umuwi kagabi.
------
Kyle POV
Pagkalabas ko sa kwarto ni hime bumaba nalang ako. Walang awa talaga ang babaeng yun. Tapunan ba naman ako ng knife? King'ina mahal ko pa buhay ko.
"Kyle! San ka natulog ka gabi? "-napatigil naman ako at tinignan sila Monique na naka cross arm sa harapan ko. Nakaayos na sila at nakasabit sa balikat nila ang mga bag nila.
"Sa kwarto ni hime. Bakit may masama ba? "-taka kong tanong sa kanila. Kita ko naman kung paano nanlaki ang mga mata nilang apat habang nakatingin sa akin.
"Sa kwarto ni zenia ka natulog? "-gulat na tanong ni dria
"Hmm.. Oo"sagot ko sa kaniya
"Sa iisang kama? "-tanong ni Monique
"Oo"
"Onyghod! Sa magkatabi kayong natulog ni zenia?!"-tanong ni stacy
"Oo"
"May nangyari ba sa inyong dalawa? "
"Oo---HINDI!! ANO BA!! Aiishh!! ANO BA KASING PROBLEMA NIYO AT TINATANONG NIYO AKO? May Mali ba kong magkatabi kami ni hime matulog? "-inis na sabi ko sa kanila.
"He he. Hindi ba masyadong awkward sa inyo kasi... A-no m-agkatabi kayo? "-kamot batok na tanong ni stacy
"Haisstt!! We use to do it. kahit nung magkasama pa kami.. Kaya wala na yun sa amin.. Kung ano ano kasing pumapasok diyan sa kokote niyo"-sabi ko sa kanila at nilagpasan sila"geh uwi na muna ako.. Segurado akong galit na si dad sa akin"-paalam ko sa kanila at dumeretso na ako sa kotse ko. Pagkapasok ko napailing nalang ako sa mga pinagiisip nila.
"Paano naman namin magagawa. Yun ni hime kung bawal.. Tsk.. "-bulong ko sa sarili ko at umalis na.
------------
Monique POV
"Haisst! Si kyle at zenia. Magkatabi natulog.. Grabe napakaimposible! "-hindi makapaniwalang sabi ni dria sabay tagilid ng ulo niya
"Hayaan niyo na wala naman yatang nangyari sa kanila"-sabi ni skit
"Si kyle na nga mismo ang nagsabi. Hayaan na natin sila... Relasyon na nila yun.. Wag na nating panghimasukan.. "-dagdag ko pa. Napatango naman sila at naisipan na naming umalis na sa bahay ni zenia papunta sa school. Wala naman yatang planong pumasok ang babaeng yun.
Pagkarating namin sa school dumeretso kami sa locker room at iniwan doon ang ibang gamit namin. Ng matapos kami nagkahiwa-hiwalay na kaming apat.
Ngayon bitbit ko ang rocket ko papunta sa badminton practice room. Pinaplano kong mag single A para madali akong matapos. Ng makarating ako sa practice room hindi naman sinasadyang makabangga ko ang isang babae.
Hindi ako nakapaghanda kaya ng maramdaman kong babagsak ako napapikit nalang ako.
"Gosh!! "
"Kyaaahhh!! "
"Omgg!! Byran!! "
Anong nangyayari? Hindi ko man lang maramdaman ang malamig ng sahig.
"Got you"-napamulat ako ng mata ng mapagtanto kong may mga bisig na nakapulupot sa likod ko. Gulat kong tinignan ang taong nagsalita non.
"B-ryan? "-utal na sabi ko. Bakit ang gwapo niya sa malapitan. Ngumiti siya at nagsalita
"Ahmm.. Monique hindi ka pa ba tatayo? Nangangalay na ang braso ko"napakurap ako dahil sa sinabi niya
"Ah.. Sorry"-sabi ko at tumayo na. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya dahil nahihiya ako. Shit! Lang.. Pwede namag iba nalang ang sumalo sa akin bakit siya pa?
Napatingin ako sa racket na nasa sahig. Wait! Badminton din siya?
"Monique ayos ka lang? "Dinig kong tanong niya at akmang hahawakan ang braso ko ng inilayo ko yun.
"A-h oo. Ayos lang ako.. Ahmm.. Geh practice lang ako.. Thanks nga pala"-sabi ko sa kaniya at Dali daling lumakad papalayo.
Pumunta ako sa isang bleachers at nilagay ang mga gamit ko don. Gosh! Parang pinagpawisan ako don ah.
Kinuha ko ang bottled water ko at uminom ng tubig. Pinunasan ko din ang kunting pawis ko sabay hawak sa dibdib ko. Ito na naman.. Nababaliw na naman siya. King'ina..
-----------------
Bryan POV
Napatingin lang ako Kay monique na papalayong lumalakad sa dereksyon ko. I don't know pero I find it cute kapag nakikita ko siyang parang nahihiyang kausapin ako. Katulad ngayon hindi man lang niya magawa akong tignan.
Maganda naman siya. Kung tutuusin nga mas maganda pa siya sa mga babaeng nakilala ko.
Napailing ako at napabuntong hininga. Kinuha ko ang racket ko na nasa sahig at pumunta sa court ng boys badminton at umupo sa bakanteng bleachers. Napatingin ako sa girls at nahagip ng paningin ko si monique na nasa loob ng court. Single A pala siya.
Nakita kong si Krystal ang kalaban niya. Si kyrstal ang pinakamagaling sa badminton girls dito sa school. Hindi ko alam kong saan niya nakuha ang confidence niya para labanan si Krystal. Kung tutuosin practice game lang naman.
"Si Monique yun diba? "
"Ang ganda niya pala"
"Mahilig din pala siya sa badminton. Ang cool niya mag serve "napatingin ako sa mga kasama ko dito sa bleachers. Tinignan ko sila ng matalim at mukhang natakot naman sila kaya nag-siiwas. Tsk.
Tinignan ko ulit si Monique at lamang siya ng 2 points. Hanggang 12 lang pala ang score ng game nila. 2-2 win ang laban at mukhang serve pa ni Krystal.
Napamangha ako ng bigla siyang mag smash at tumama yun sa mukha ni Krystal.
"Owww"
"Shit! Ang sakit non"
"Grabe ang tindi niya mag smash ah"
"Cool! "
"Natalo niya si Krystal"
Napangiti naman ako. May ibubuga naman pala.
--------------------
BINABASA MO ANG
Clash Between The Two Gang's
ActionSa isang paaralan na kung saan naghaharian ang limang kalalakihan, Nakung Saan sila ang sinusunod ,sila ang batas, at sila ang napapasimuno ng lahat na kaguluhan, Paano kaya kung biglang ,magbago ang lahat Na sa isang iglap lang mawala na sakanila a...