zenia POV6:30 palang ng umaga nandito na ako sa school. Ngayong umaga matatapos lahat ng laro at mamayang hapon preparation para sa pageant.
Duneretso ako sa garden at naghanap nang pwedeng mapagtambayan habang naghihintay magumpisa ang laro. Hindi na ako nagpaalam kay Jack kanina pag kaalis sa condo niya. Ang himbing nagtulog e.
Umakyat ako sa pinakamataas na puno at sumandal. Pinikit ko naman ang mata ko at umdlip na muna.
---------
Napamulat ako ng bigla nalang tumunog ang school bell. That's mean magsisimula na ang lahat ng laro.
Tinignan ko ang oras sa wrist ko at mukhang napahaba yata ang idlip ko. Naisipan ko nang bumaba. Pagkababa ko nakita ko naman si skit na naglalakad papasok sa building. Dere-deretso lang siyang naglalakad papasok at mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi ko siya pinansin pa at naglakad nalang papunta sa field 2 kung saan gaganapin ang outdoor archery.
Nakasalubong ko pa sila Charles kasama sila zack. At mukhang may laro sila sa basketball. Naka suot sila ng Jersey at hindi ko maipagkakaila na ang gwapo nila tignan sa suot nila.
"Zenia"tawag sa akin ni Brent ng lalagpasan ko na sana sila. Tumigil ako at hinarap sila.
"Si skit? Alam mo ba kung nasan siya? Hindi kasi siya umuwi sabi nila Monique"sabi sa akin ni Zack. Tinignan ko naman siya at kita kong kinakabahan siya habang sinasabi yun. Hindi din siya makatingin sa mga mata ko. I smirk on my mind.
"I saw her."sabi ko. Napatingin siya sa akin bigla at mukhang nabuhayan.
"Saan? "Tanong niya
"Pumasok siya sa building.. Mukhang ok naman siya"sabi ko
"Segi.. Salamat! "Huling sabi niya bago tumakbo papunta sa lugar na tinuro ko. Nakita ko namang sumunod sa kaniya sila Brent. Napatingin ako sa isang Tao na naiwan dito sa tabi ko. Kita kong nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
"San ka nagpunta kahapon pagkatapos ng laro? "Tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
"Sa kaibigan ko"sagot ko sa kaniya.
"Kaibigan? Sino? "
"Bakit ka ba tanong ng tanong? "Inis na tanong ko sa kaniya. Bahagya naman siyang natigilan sa sinabi ko. Mukhang nabigla siya.
"K-kasi... "
"Kasi ano? "Tanong ko sa kaniya.
"kasi...nagaalala ako sayo"nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
Hinawakan ko ang balikat niya at nagsalita.
"Wag kang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko"huling sabi ko sa kaniya at iniwan na siya doon na parang Tanga.
-----------
Charles POV
"Damn! "Mura ko ng mapagtanto kong nasabi ko ang hindi ko dapat masabi sa kaniya. Tinignan ko kung saan siya nagpunta at hindi ko na siya Makita pa.
"Cap!! " napatingin ako Kay Jules na tumatakbo papalapit sa akin. Isa siya sa mga ka team ko sa basketball.
"Buti.. *huh* nahanap *huh*kita.. Galit na galit si coach don. Kanina ka pa niya hinahanap.. Dalian na natin! "Hindi na ako nakaapila pa sa kaniya at hinila na ako.
BINABASA MO ANG
Clash Between The Two Gang's
ActionSa isang paaralan na kung saan naghaharian ang limang kalalakihan, Nakung Saan sila ang sinusunod ,sila ang batas, at sila ang napapasimuno ng lahat na kaguluhan, Paano kaya kung biglang ,magbago ang lahat Na sa isang iglap lang mawala na sakanila a...