Charles POVNaabutan na kami ng gabi ni zenia kakain sa ihawan. Hindi ko nga alam kong paano kami tumagal doon. Nandito kami ngayon sa park malapit sa subdivision namin. Ngayon ko lang din nalaman na sa isang subdivision lang pala kami umuuwi.
"Zenia "-tawag ko sa kaniya. Hinarap niya naman ako. Wala na siyang suit na cap at shades ngayon dahil gabi na din at mukhang wala namang mga tai dito o reporter.
"Ahmm... "Ano nga bang sasabihin ko. Napakamot naman ako sa batok ko.
"You know what.. Kung naiilang ka sa akin dahil sa sinabi ko sayo noon sa rooftop wala yun"-sabi niya. Ngayon ko lang napansin. Kanina pa humahaba ang mga salita na lumalabas sa bibig niya.
"Yung tinanong mo ako kung may gusto ako sayo? "-tanong ko sa kaniya
"Hmm"-nag nod siya. "Wala lang naman yun. Gusto ko lang malaman kong anong magiging reaction mo kapag tinanong kita non .hindi ko naman inaasahan na magugulat ka"-napailing nalang ako.
"Paa-no ko-ng sabihin ko-ng Oo? "-tanong ko sa kaniya
"Huh? "-tanong niya
"Paano kong sabihin kong oo na may gusto ako sayo. Anong sasabihin mo sa akin? "-tanong ko sa kaniya. Kita kong sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Sasabihin kong layuan mo ako.. At itigil mo na ang nararamdaman mo para sa akin dahil hindi ako nararapat sayo"-pagkasabi niya non parang may sumakit sa dibdib ko at parang sinaksak ako ng libo libong kutsilyo sa puso ko.
Napatango ako ng dahan dahan sa kaniya at nginitian siya.
"Ahmm.. H-atid na kita sa inyo? "-tanong ko
"Geh"-payag niya at naunang maglakad. Sumabay naman ako sa kanya. Hindi pa kami nakakalayo ng maramdaman kong may nakamasid sa amin. Napansin kong napatigil si zenia sa paglalakad at napatingin tingin sa palagid. Ibig sabihin napansin niya din.
"Get out! Kung gusto niyo pang mabuhay! "-cold na sabi niya. Naalerto naman ako ng may lumabas na limang kalalakihan na nakaitim at may dala dalang ibat ibang armas.
Hinawakan ko ang baril ko sa loo b ng jacket ko at naghanda. Kakaiba ang nararamdaman ko sa mga lalaking to. Segurado akong hindi sila basta basta. Sino naman ang pakay nila sa aming dalawa ni zenia?
"Sino kayo? "-tanong ko sabay hila Kay zenia sa likuran ko.
"Hindi ikaw ang kailangan namin. Kundi siya! "-sigaw ng lalaking nasa unahan sabay turo Kay zenia. Napahigpit naman ang kapit ko sa kamay niya.
"Hindi niyo siya makukuha. Ako muna ang harapin niyo"-sabay kuha ko ng baril ko at pinaputok yun sa isang lalaki at sapol sa noo. Mabilis naman siyang bumagsak at binawian ng buhay.
------
Zenia POV
Nakatayo lang ako sa likuran ni Charles at kita ko kung paano niya kanina binaril ang isang lalaki sa noo kaya binawian ka agad ng buhay. Hindi ko siya maaring tulungan dahil baka makahalata siya sa akin.
Tinignan ko siya na nakikipaglaban sa apat na lalaki. Binaril niya ang isa sa binti kaya nahirapan na ito ngayong tumayo. Sunod niya namang pinatamaan ang balikat nito kaya bumagsak na ito. Tatlo nalang.
Naglabas ang dalawa ng katana at sinugod na si Charles. Baril Laban sa katana. Tsk. Nakita ko naman na papalapit na sa akin ang isa kaya palihim ko namang kinuha ang tatlong dagger sa bulsa ko at inasinta silang tatlo. Natamaan ang isang papalapit sa akin sa noo kaya alam kong patay na siya.
Tinignan ko ang kalaban ni Charles at sabay itong bumagsak. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Charles at Tinignan ako.
Lumapit ako sa kaniya.
"I-kaw ba ang may gawa non? - tanong niya.
"Hindi"
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako bago nagsalita.
"Akala ko ba ihahatid mo ako? "-tanong ko sa kaniya
"Ahmm.. O-o hali ka na"-sabi niya. Tinawagan ko naman ng palihim ang mga tauhan ko na kunin nila ang mga katawan ng limang lalaki sa park. Pagkarating namin sa bahay ko kita ko kung paano siya namangha.
"Bahay niyo to? "Tanong niya
"Hindi. Bahay KO to"-diniin ko talaga ang ko para marealize niya.
"Yaman ah"
"Geh na.. Umalis ka na"pagtataboy ko sa kaniya.
"Wala man lang bang salamat diyan? "Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala sa dictionary ko ang salitang yan.. Kaya umalis kana "-nakangisi kong sabi sa kaniya.
"Tsk.. Geh alis nako.. I hope hindi lang hanggang ngayong gabi na makasama kita"sabi niya na ikinataka ko. Nakita ko nalang siyang papalayo na sa akin hanggang sa hindi ko na siya nakita.
Napailing nalang ako at pumasok na din. I hope so Charles.
Pagkapasok ko sa bahay nakapatay ang lahat ng ilaw. Kinapa ko ang phone ko at tinawagan si skit. Hindi naman nagtagal sinagot niya na.
"Zen? "-sabi niya
"Hindi ba kayo uuwi?"-seryoso kong tanong
"Ahmm.. Sorry zen mukhang hindi nga.. Wala kasing bantay si kyle hindi pa dumadating si master "
Napabuga naman ako ng isang buntong hininga.
"OK"-I said bago ko ibaba ang tawag. Hindi na ako nagabala pang buksan ang ilaw at dumeretso nalang sa basement at sinalubong naman ako ng iba kong mga tauhan.
Pumunta ako sa pinakacenter ng basement at doon nasilayan ko ang leader na sumugod kanina.
Sininyasan ko ang mga tauhan ko na iwan na muna nila kami. Mabilis naman nilang sinunod ako.
Nang umalis na silang lahat linapitan ko siya. Kinuha ko din ang latigo ko at hinampas yun sa kaniya.
Pak*
"Arrgggshh"-daig niya at nagmulat. Tinignan niya ako at bakas sa kaniya ang pagkatakot.
"Sino nag utos sa inyo? "-ma diin na tanong ko sa kaniya.
"H-indi k-o al--arrgggshh"-hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng ihampas ko ulit ang latigo ko. This time sa dibdib niya na ito tumama.
"Sino? "Tanong ko ulit. Umiling lang siya sa akin. Napangisi naman ako.
"Hindi mo ba alam na konti lang ang pasensya ko.. Kaya kung hindi mo sasabihin sa akin masisilayan mo na si satanas"bumunot ako ng isang dagger at tinapon yun sa binti niya
"Ahhhh... Arggshh"
"Now? "
"H-indi ko t-ala---"hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya.mabilis kong pinutol ang ulo niya gamit ang katana ko. Naubusan na ako ng pasensya sa kaniya. Sinabihan ko naman siya na konti lang ang pasensya ko. Ayaw namang makinig.
Nagsipasok naman ang mga tauhan ko at nilinis ang kalat. Umakyat na ako at iniwan na sila don. Dumeretso ako sa kwarto ko at naglinis.
Hindi talaga sila titigil hanggat hindi nila ako napapatahimik. Natatakot ba silang isiwalat ko ang lahat?
-----------
BINABASA MO ANG
Clash Between The Two Gang's
ActionSa isang paaralan na kung saan naghaharian ang limang kalalakihan, Nakung Saan sila ang sinusunod ,sila ang batas, at sila ang napapasimuno ng lahat na kaguluhan, Paano kaya kung biglang ,magbago ang lahat Na sa isang iglap lang mawala na sakanila a...