CHAPTER 54

1K 29 1
                                    


Zenia POV

"Contestants READY!! "-dinig kong sigaw ng isang bakla dito sa gym. Tang'ina.

Tumayo na ako at naglakad na papunta sa pila ko. Ako ang pinakahuli sa contestant. Napatingin ako Kay Charles na nasa kabilang linya. Magkapantay lang kami dahil siya ang kapareha ko.

Nagsimula nang mag instructions ang bakla sa gitna kung ano ang gagawin namin. Nagsimula nang maglakad isa isa ang mga kasama ko at nag rampa sa gitna ng stage. Ng ako na ang susunod. Sabay naming umakyat ni Charles sa stage at nag rampa na.

"Very good!  That's great pose! "

",gosh!  Why so good this two! "Dinig kong sigaw ng bakla sa amin habang tinitignan kami. Nag meet kami sa gitna ng stage ni Charles at nag pose naman. Umakbay ako sa balikat niya at hinawakan niya naman ako sa bewang. Nagtama ang mga mata namin. Medyo nailang pa ako pero nasanay din.

"Wow!  Ang galing niyong dalawa! "Humiwalay na kami ni Charles at nag ramp ba pababa sa stage. Sinalubon naman kaming dalawa ng baklang organizer na ang lawak ng ngiti.

"Jusko!  Parang nag fafashion show lang kayong dalawa sa gitna kanina!  Ang gaming!! "Sabay palakpak ng bakla sa amin. Hindi naman namin siya pinansin at nilagpasan nalang. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at ganon din si charles. I look at my watch and check the time. May laro pa ako mamaya kaya kailangan kong matapos to kaagad.

"It's almost 9:30..I'm sure tapos na ang laro ni skit pati na din ng iba"nagkasabay sabay kasi ang ibang laro kaya hindi namin sila kasama ngayon.

"Malapit na ding matapos to"sabi niya. Umayos nalang ako ng upo at tinignan ang bakla na naiinis na sa panenermon sa ibang candidates na nagkakamali. Ang ingay niya.

"OK!!! PWEDE NA KAYONG UMALIS!!  BUT MAMAYANG HAPON BUMALIK KAYO DITO DAHIL MAG PAPRACTICE PA TAYO NG Q&A NINYO! "Sigaw niya. Hindi ko na hinintay pa ang iba at nauna nang lumabas. Kailangan ko pang mag-ayos para sa laro ko.

Pumunta na ako sa archery room at naabutan ko naman ang ibang player na nag-aayos din ng gagamitin nila. Ang iba naman nag papractice. Pumunta na ako sa mga gamit ko at nagpalit ng damit sa isang bakantemg kwarto dito. Hindi din naman nagtagal tapos na akong magpalit. Kinuha ko na ang bow and arrow ko at lumabas na.

"Zenia!! "Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Venice na kumakaway habang may hawak na bow sa kaliwa niyang kamay. Remember Venice the president of the club.

Lumapit siya sa akin na may malawak na ngiti.

"Kamusta? Ready ka na ba mamaya? "She ask.

"Yeah"I said in a bored tone.

"Ano ba naman yan.. Ipakita mo namang excited ka mamaya sa laro! "

"What do you expect from me.. To jump? Tsk"inis na sabi ko sa kaniya at iniwan na siya don

"BTW!  IKAW PALA ANG IKATLONG MAGLALARO!!  BE. CAREFUL!! "pahabol pa niya. Napairap naman ako sa isipan ko at lumabas na sa pinto.

-------

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang nakatingin sa dalawang estudyante na naglalaban. Napabuntong hininga ako sa isipan ko ng maalala kong dapat magkasama kami ni Kyle ngayob lumalaban dito. Pero sa kasamaang palad may kailangan siyang gawin na hindi niya maaring takasan.

Wala din dito sila skit dahil naging sabay sabay ang mga huling larorl ngayong araw. Bukas finals nalang lahat. Kaya expected bukas na meron namang magigin sabay ang laro.

Clash Between The Two Gang'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon