CHAPTER 52

1K 26 0
                                    

Zenia POV

Nakacross arm lang ako habang nakasandal sa pinto at nakatingin lang sa pinaggagawa ng apat sa closet ni dria. Sinasabi ko na nga bang dapat sa Condo nalang ako ni Jack tumuloy ngayong gabi.

"Waahh.. Ito nalang suotin mo Zen bukas!! "Sigaw ni dria pakita sa akin ng dress na kulay pink. Napangiwi ako sa isipan ko. Pink? Kailan pa ako sumuot ng ganyang kulay?

Umiling ako sa kaniya. Nakita ko naman na napabusangot siya at tinapon ang damit sa kama niya.

"How about this? "-pakita sa akin ni monique ng isang kulay dilaw na dress na parang tube. Umiling naman ako sa kaniya.

"Ito? "Inilingan ko naman si skit

"This? "

*iling*

"Hmm.. Ito? Simple la--"

"No"pinutol ko na ang saaabihin ni stacy ng ipakita niya sa akin ang white dress pero kunting galaw nalang makikita na kaluluwa ko.

"Aha! Ito nalang! "Tinignan ko ang pinakit ni dria. Its a plain maroon dress na simple lang ang design
Hanggang tuhod lang siya. Kita ko naman na pangiti ngiti silang apat sa akin ng hindi ako magsalita. Kumunot ang noo ko.

"..no"

"What!?ano ba naman yan.. Ang dami na naming pinakita... Tignan mo o! "Tinignan ko ang kama niya at puro lahat nakatambak na mga damit ang nandon. Nagkibit balikat naman ako sa kaniya. It's not my fault.. Sila ang magpumilit na ipasuot sa akin ang mga yan. Naalala ko naman ang papel na binigay sa akin kanina ng babae.

Flash back

Pagka dating ko sa Bahay dumeretso ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama dahil sa pagod. Pass 7 na kami natapos sa pagpaparactice ni Charles para sa talent namin.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa pero nagtaka ako ng iba ang makapa ko. Tinignan ko ang papel na hawak ko. Walang alinlangan ko yung binuksan. May nakita akong nakusalat sa loob kaya binasa ko yun.

"10:30E-29S-15-N"-K

Napakunot ako sa nabasa ko. I know it's a code. Tinignan ko ulit ang code and I smirk on my thought. He never failed me.

Nabigla naman ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tinago ko na ulit ang papel bago ko buksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nabigla nalang ako ng bigla nalang akong kaladkarin palabas no dria papunta sa kwarto niya.

Flashback end

The next think I knew ibat ibang klaseng damit na ang pinapakita Nola sa akin.

"Hoy!  Zen!  Ano na ang pipiliin mo? Hindi naman yata pwedeng mag pants ka bukas sa rehearsal niyo.. Hako! Hindi pwede sa akin ang mga ganyan kaya sa ayaw at sa gusto mo mag de-dress ka bukas! "Sabi ni dria at hinila ako papalapit sa closet niya.

"Pumili ka na... Hindi mo naman magustuhan ang mga pinakita namin sayo kanina.. Kaya hala!  Ikaw pumili ng sayo! "Sigaw pa niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako at wala nang nagawa. Tinignan ko ang closet niya at parang gusto kong magmura sa mga damit niya. Tang'ina wala na bang ikakaikli ng mga dress niya dito? Tsk.

Nahagip naman ng paningin ko ang isang dress ng itim. Kinuha ko yun at tinignan. Katamtaman lang ang haba at hanggang tuhod lang din siya. Kulay itim siya at parang tube pero may parang net din nakalagay papunta sa leeg kaya hindi siya nakakaasiwang suotin.

"Waaah!  Good choice!! Bagay sayo! "Dinig kong sigaw ni monique papalapit sa akin. Tinignan niya din ang damit na kinuha ko.

"Sukat mo na Dali!! "Tinignan ko ng matalim si stacy

Clash Between The Two Gang'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon