CHAPTER 28

1.3K 29 0
                                    


Monique POV

Matapos ang Laban ang saya saya ko dahil panalo ako. Hindi ko alam na. Magaling pa din pala ako sa badminton. Actually magaling kaming Lima nila zenia sa kahit anong sports. Bata palang kami natuto na kami ng ibat ibang klaseng laro.

"Hey! "-napabalik ako sa sarili ko ng may tumawag sa akin. Tinignan ko yun at nakita ko si Krystal na umuusok ang ilong dahil sa galit. Nagulat nalang ako ng bigla niya along tinulak

Napaatras naman ako at muntik ng matumba. Buti nalang inalalayan ako ng ibang kasama ko sa badminton. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

"Ano bang problema mo?! "-tanong ko sa kaniya ng makatayo na ako ng tuwid.

"Ikaw!  ..ikaw ang problema ko... Paano mo ako natalo  ng ganon kadali? Ng daya ka no? "

"What? "-hindi ako makapaniwala sa pinag-sasabi niya.

"Krystal hindi ako nang daya OK.. Bakit hindi mo maamin sa sarili mo na natalo kita? "Sabi ko sa kaniya.

"Yo--"

"Enough Krystal!! "-napatahimik kami dahil sa sigaw na yun. Sa boses palang alam ko na siya Yun. Ito na naman ang puso ko nagwawala na naman.

"Bryan"-tawag sa kaniya ni Krystal

"Anong ibig sabihin nito Krystal? Nakita ko ang Laban niyo kanina at hindi ko maipagkakaila na magaling naman talaga si Monique at hindi na ako magtataka kong matalo ka niya"-sabi ni Bryan. Kinakampihan niya ba ako? At tanga Monique malamang hindi. Base na din sa sinabi niya. Tsk. Assuming ka talagang babae ka.

"Ano? You know me Bryan hindi ko gustong malagpasan ako! "-sigaw pa ni Krystal. Kita kong nawawala na siya sa sarili niya. Malala na to.

"Just admit it natalo ka niya.. Nakahanap ka na ng katapat mo"-pagkatapos sabihin yun ni Bryan padabog at galit na umalis si Krystal sa practice room. Napahawak naman ako sa dibdib ko at huminga ng malalim.

"Moni--"

"I'm OK.. Alis na ako"-putol ko sa sasabihin niya at mabilis na kinuha ang gamit ko at umalis na din.

---------------

Natapos ang araw na wala kaming ginawa at practice lang ng practice. Kung titignan nga hindi na namin kailangan.

Nandito kami sa parking lot at hindi namin inaasahan ang makikita namin.

"Zen? Akala ba namin hindi ka pupunta dito sa school? "-takang tanong sa kaniya ni stacy. Napatingin naman ako sa mga kasama niya. How is it happened na kasama niya ang kings. Kasama niya din si kyle.

"Ang bagal niyo. Bilisan niyo hinihintay na tayo sa orphanage "sabi ni zenia sa amin.

"Orphanage? Ano namang gagawin natin don. At bakit mo kasama ang mga yan? "-tanong ko sabay turo ng mga kings sa likod niya.

"Hindi niyo na ba natatandaan amg punishment ni Dean.. Nahuli na tayo sa punishment niya at dingdagan niya tayo ng dalawang araw "-paliwanag ni kyle at naikinalaki ng mata namin.

"Nako namam o. Pagod na pagod na ako.. Tapos.. Arrshh"reklamo ni stacy

"Hindi lamg din naman kayo ang pagod kami din"-napairap ako sa sinabi ni zack

"Tsk. Let's go"-sabi ni zenia at sumunod na kami sa kaniya sa van. Mabuti nalang kumasya ang 11 tao dito.

--------------

Stacy POV

Sa dinami dami ba naman ng makakatabi ko bakit siya pa. Kainis naman o.

"Usog ka nga don. Ang sikip e"-reklamo ko sa kaniya

Clash Between The Two Gang'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon