Chapter 1:

97 25 2
                                    


2 years ago..

Jane P.O.V.

Papunta ako ngayon sa rehearsal ng Elites ang boygroup ng boyfriend ko may surprise daw kasi sila sa'kin eh. Daming alam naku! Haha, I guess baka may gig na naman sila hays! At papatulong sila sakin para sa next na damit na isusuot nila. Ayown! After few minuites nandito na ako sa studio.

"Hi, guys!" Bati ko sa kanila.

"Hi, Jhaaaaa!" Bati nila sakin na sobrang excited. Ang tataas ng energy!

Sa sobrang excited din ay napigilan ni Dave ang surprise nila sakin

"Jhaaaaa!! Excited na kami kasi natanggap na kami sa Folks Entertainment pinagrereport na kami bukas magpasa ng profile at requirements." Masayang pahayag ni Dave sa akin.

Binatukan siya ni Ryan, "Aray naman!"

"Sira ka eh 'no! Inunahan mo pa talaga akong magsabi sa sarili kong girlfriend," Sabi ni Ryan.

Napangiti na lang ako at lumapit kay Ryan para mahalikan siya sa pisngi.

"Hahaha. Ito naman tampo agad." I patted Ryan's head at tumingin sa mga kabanda niya.

"I'm so proud of you guys. I know kaya n'yo yan at sisikat talaga kayo kasi may talent talaga kayo eh. So kailan tayo magcecelebrate, guys?" Masigla kong sabi sa kanila.

"Tara na! Kain na tayo kela Aling Mameng ng lugaw, dali!" Pilit na niyayaya ni Jio ang lahat.

Nagtinginan kaming lahat, maliban kay Jio at biglang kaming natawa.

"Naku! Jio, basta pagkain." Natatawang siniko ni Ivan si Jio.

End of Flash back

I heaved a deep sigh.

"Oyoyoyoy! Jane, lumulutang na naman ang utak mo sa Pacific ocean." Pintik ni Eliza ang aking noo.

Napa-aray ako at sinamaan siya ng tingin, "Namimiss ko kasi ang Elites."

Bestfriend ko ba talaga 'to? Panira ng daydream. Hahaha. Eliza's my super bestfriend since high school.

Inirapan lang ako ni Eliza at tumabi siya sa akin.

"Ewan ko, naisip ko lang sila bigla. Ano kayang ginagawa nila ngayon?" Iniiwas ko sa kanya ang aking tingin at tumingin sa langit.

Bumuntong hininga si Eliza, "Buong Elites nga ba ang iniisip mo? O yung boyfriend mong hindi pa rin nagtetext sa'yo?"


I'm His GirlWhere stories live. Discover now