Chapter 2

71 24 0
                                    


Ang tinutukoy niya ay si Ryan ang isa sa member ng Elites. Oo tama kayo boyfriend ko siya, girlfriend niya ako kaya lang hindi alam ng madla kasi ang alam nila single ang lahat ng Elites, syempre para sa fans. Kung nagtatanong kayo paano kami nagkikita? Nagdadate? Nagcecelebrate ng mga special occasions naming dalawa? Huwag na kayong magtanong, kasi simula ng sumikat sila hindi na kami nagcecelebrate ng mga special occasions. Babatiin na lang naming ang isa't isa o kung minsan kapag may oras siya pumupunta siya sa bahay. Syempre legal kami sa both parents namin alam nila lahat ng mga pangyayari, ang masakit lang hanggang doon lang talaga ang pwede bawal in public.

Naiintindihan ko naman iyon alam kong iba na kasi kami ngayon. Pero nitong mga nakaraang araw kahit text o chat wala kaya nag-aalala na ako. Kahit isa sa mga member nila hindi nagtetext sakin hindi rin sumasagot ng tawag.

"Hoy! Eliza huwag ka ngang maingay d'yan mamaya may makarinig sayo kung ano pa ang isipin. Alam mo naming hindi pwedeng mangyari iyon." Pilit kong tinatakpan ang bibig ng aking kaibigan.

"Jusko! Jha, tayo lang dalawa ang nandito nakita mo naman, diba?" Inilibot ni Eliza ang kanyang paningin, para maka-siguradong walang taong nakarinig sa amin.

Nasa Park kasi kami ngayon. Medyo madalang na ang tao, pero kahit na, natatakot pa rin kasi ako.

"Kahit na, 'no! Mabuti ng makasigurado." Sabi ko sa kanya.

Naputol ang usapan namin dahil may mga dumaan at huminto pa talaga sa harapan namin.

Hindi naman sa pagiging tsismosa, hindi namin sinasadyang marinig ang usapan nila.

"Alam mo na ba ang balita?" Sabi ni Girl 1.

"Ano?" Tanong ng babaeng maliit ang boses, si Girl 2.

"Huli ka talaga kahit kalian, eh 'no? Si Papa Ryan ng Elites nililigawan na daw yung co-artist niya." Saad ng babaeng may bangs na si Girl 3.

Nagkatinginan kami ng bestfriend ko.

"Sino? Iyong si Maureen Villajuan? Iyong maganda na singer din?" Tanong na naman ulit ni Girl 2.

"Oo, my God! Bagay na bagay sila, diba? RyReen forever. Ayie~" Kinikilig na sabi ni Girl 1 at nakipag-apir pa kay Girl 3.

"Kakilig naman!" Sabay na sabi ni Girl 2 at Girl 3 at umalis na silang tatlo sa harapan namin.

May pumatak na tubig sa kaliwa kong mata at agad pinunasan upang hindi makita ni Eliza.

"Oi! Babae huwag kang maniwala don! Bruha ! Hintayin mo munang paliwanag ng jowa mo." Sabi ni Eliza sabay tapik sa aking likod.

I smiled bitterly, "Yeah, hindi ako naniniwala don. Hi-hihintayin ko siya ang-ang magsa-sabi." Nanginginig ang aking mga labi habang sinasabi ang mga katagang yun.

Biglang nag-ring ang aking phone, may tumatawag.

Tinignan ko kung sino, "Si Ryan."

"Speaking of, sige na sagutin mo na iyan at siguradong miss mo na 'yan." Sabi ni Eliza at tumango ako.

"He..llo?"

"Is this Ryan's girlfriend Jane?" Babae ang nasa kabilang linya.

"Ye..es..s wh..oo's t..his?" Halos mautal-utal kong sabi.

"Maureen Villajuan. Ryan says that he's breaking up with you now, to court me. So please stop calling and texting him, okay?" Mataray na saad ni Maureen and she ended the call.

I frozed for a moment. I can't believe this is happening. Ang sakit. Namumuo na ang luha sa aking mata.

"What happen? Are you, okay?" Eliza asked me with her concern look in her eyes.

"It's Maureen! He's breaking up with me daw!" At ayan, pumatak na muli ang aking luha.

"Jusko! Jha, si Maureen lang pala! Naniwala ka naman! Huwag kang maniwala hangga't hindi siya ang nagsasabi pwede?" Galit na sabi ni Eliza.

Kung hindi totoo, bakit gamit ni Maureen ang cellphone ni Ryan?

"Pe.. ro parang totoo kasi." Sabi ko.

Nagring muli ang aking phone, si Ryan na naman ang tumtawag. Ayaw ko sanang sagutin kasi feeling ko, si Ryan na talaga ang tumatawag. Inagaw ng aking kaibigan ang aking cellphone at ni-loud speak pa.

"Hello, how are you?" Confirm, it's Ryan.

"How are you? How are you ka d'yan! Ito umiiyak yung girlfriend mo!" Galit na sabi ni Eliza sa kabilang linya.

"What? What happen to her?" Rinig kong sabi ni Ryan. Concern pa rin pala siya sa akin.

Inagaw ko iyong phone ko kay Eliza, "I'm ok, don't worry. May sapak na naman iyang si Eliza eh haha kung anu-ano sinasabi."

I tried to appear energetic even I felt bad inside.

"Lecheng 'to." Bulalas ni Eliza sa tabi ko.

Tinakpan ko ang bibig ni Eliza at kinausap si Ryan.

"Akala ko kung ano na eh! Kinabahan ako, uuwi ako mamaya punta ako dyan sa bahay see you later babe." Sabi ni Ryan.

"Are you sure? You're not busy?" Tanong ko.

"Yes of course! I really miss you babe. Sige may rehearsal na kami, see you." Masiglang saad niya.

"Sige, see you later. Bye." Paalam ko sa kanya.

"Bye." He ended the call.

Hinarap ko ang aking bestfriend na nag-uusok na ang ilong sa galit, "Hoy!! Jane! bakit hindi mo sinabi iyong pinagsasabi nung Maureen sayo ha ?ano papakamartyr ka dyan."

"Uuwi naman daw siya ngayon kaya ok na rin ako." Sabi ko sa kanya.

"Ayon naman pala. Sige, bahala ka nga d'yan." Iniwan ako ni Eliza sa aming inuupuan.

I'm His GirlWhere stories live. Discover now