(Ito po ung picture ng restaurant)
Chapter 27
Jane's POV
Pagkatapos ng guesting naming nag-meeting kami nila Marco sa FE Office kasama si Ms Anne at Ms. Bea. Mukhang naging maganda ang effect nito sa mga viewers at fans dahil nawala ang mga negative issues tungkol sa amin. Pagkatapos ng meeting nagyaya si Ms. Anne na maglunch sa malapit na restaurant dito sa FE Office.
>> FAST FORWARD<<
Sa Restaurant..
Nakapagpareserve na pala si Ms. Anne kaya nung makita kami ng mga staff ay hinatid na kami sa table for 6. (Ms. Anne, Ms. Bea, Momshie Angel, Eliza, Marco , at Jane) . Hinihintay na lang naming ang order namin ng may lumapit sa akin.
"Good afternoon po, Ms. Jane, pwede po bang magpapicture?" sabi ng babaeng lumapit sa akin.
Nakatingin silang lahat sa akin, hindi ko naman ito tinanggihan. Hanggang sa mga may dumagdag pa na ibang magpapapicture palagay ko ay ang iba sa kanila ay mga studio audience kanina sa show. May mga hawak kasi silang banner ko. Pinirmahan ko rin banner nila. Medyo nahihiya ako kasi parang nakakaabala na kami sa ibang kumakain sa restaurant kaya napagpasiyahan ni Ms. Anne na magrent na lang ng isang vacant event area ng restaurant. Alam ko kasi minsan dito nagmeet and greet ang mga artist ng FE.
Momshie Angel's POV
Sa ayaw niyo at sa gusto akong magPOV ngayon. Hi momshies!
Ay! Nako itong alaga ko talaga napakabait, ayun ang ending nagrent ng vacant event area si Ms. Anne para sa mga fans ni Jane. Ang layo pa kasi ng pinanggalingan ng mga fans niya. At nagbaka sakali lang na makikita si Jane dito. Naawa rin naman kami, kasi mukhang malayo naman talaga. Kumain muna kami ng sabay-sabay bago ituloy ang pagpipirma nung dalawa, at ang Marco napapangisi habang nakatingin kay Jane. Si Jane naman halata mo talagang natutuwa siya sa mga pangyayari. Kung ang dating Marco ang makakasama ko ngayon malamang nagwalk out na ito gaya ng lagi niyang ginagawa kapag may mga fans na nakakakilala sa kanya. Mukhang maganda talaga ang influence ni Jane sa kanya .
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...