Jane's POV
Idinilat ko ang mga mata ko. At Nag-ayos na. Gagawa ulit kami ng bagong cover song ko. Pasaway itong si Eliza eh, hayaan daw muna naming macurious ang mga tao sa kung sino ako. Mas tataas daw kasi ang viewers niya kung ganun, mas dadami pa ang ads niya. Haha Naku! Ginamit pa ako. Dito lang kami sa bahay magsshoot. After kasi ng video kong nilabas niya 3 weeks ago na nagttrend talaga.Ang totoo,marami bang broken sa Pilipinas?
After 12345678 years nakaayos na ako. Nandito na rin si Eliza at kasalukuyang inaayos ang mini recording studio daw sa kwarto ko. Galing talaga nitong kaibigan ko napamukha niyang studio ang kwarto ko. Mahirap na raw kasi may makahalata sa ibang mga kaibigan namin na ako ang Mystery Singer niya. Nasabi ko bang binansagan ako na Crying Diva. Dahil umiiyak ako nung kinanta ko iyong Boken Vow. Hay! Noong una ayoko nito pero nag-eenjoy na rin ako kasi nagiging curious sa'kin ang tao. Alam niyo ba kung paano niya ako napapayag ?
Flashback
"Huy! Bestfrennyy, pang-ilang araw ko na ito ah? Halos dito na ako tumira mapapayag lang kita, ano bang gusto mong gawin ko ?" si Eliza nagmamakaawa pa
"Wala!" tipid kong sabi.
Nagbukas ng pinto si Kuya Chester.
"Hoy! Baby Bunso ! huwag ka ngang mag-arte dyan. Hindi kasi bagay sayo. Maawa ka naman sa kaibigan mong halos araw-araw nagmamakaawa diyan para lang mapapayag ka. Di ko nga alam bakit nagtrending yun eh. Boses palaka naman tsk! Wala na talagang taste an netizen ngayon. Nang-iinis na sabi ni Kuya at tsaka lumabas ng kwarto.
"Iyan si Kuya isa pa 'yan kaya ayoko talaga niyan eh. Psh! Napakasupportive diba ?" sabi ko kay Eliza
"Kaya lang naman ganyan iyan si Kuya kasi iniinis ka lang niyan. Di mo ba naisip kapag gumawa ka ulit ng video maiingit sayo si Maureen kasi nakukuha mo iyong atensyon ng lahat." Sabi niya pa
"Ayoko nga ng ganun eh." Sagot ko sa kanya.
"Sira! Isa pang advantage nito ay makikita na natin ng personal ang Boys on the Avenue. Isipin mo na lang iyon diba." Pagpipilit niya pa.
"Talaga ? paninigurado ko
Tumango si Eliza
"Sige na nga. Leche tuh haha Papayag naman talaga ako. Titingnan ko lang kung anong effort ang gagawin mo. Hahahaha." Sagot ko sa kanya
End of Flashback
Ayon namula siya nun sa inis sa akin haha. Pinakita ko kasi sa phone ko ung mga video niya haha. Gusto ko naman talaga, mahiyain lang talaga ako. Nagkaron lang ako ng confidence ng konti ng dahil sa video ko. Nag-eenjoy na ako eh at ang daming nakakapansin sa akin.
To the point na pati ang Elites ay napapansin ako. May video silang ginawa habang pinapanuod ang video ko. Tuwang-tuwa ako kasi nakuha kong attensyon niya. Wala na naman sa'kin ang nagawa niya. Masasabi kong di pa ako ganun nakakarecover pero malapit na.
"Ready ka na ?" tanong ni Eliza.
"Oo naman," masigla kong sabi.
Nagstart na kami at ang kakantahin ko ay Run to You.
(click to watch the video)
As usual tinago na naman ang face ko. Nilagyan ng emoji. Haha.
"Jha ! may tatanong ako ?" tanong ni Eliza sa akin.
"Nagtatanong ka na nga diba ?" pambabara ko.
Ewan ko ba ang hyper ko ngayon eh
"Wow! Jha ikaw ba 'yan? Nagbalik ka na talaga?" sabi niya pa
"Hahaha Nakapag-isip isip lang ako na, walang magagawa ang pagmumukmok haha." Sagot ko sabayan ko ng tawa.
"Buti naman, sobrang nag-aalala talaga kami sayo eh, Akala namin magpapakamatay ka na.HAHA" naatawa niyang sabi
"Baliw! Anong itatanong mo?" pag-iiba ko ng topic
"Kinausap kasi ako ulit ng Folk Entertainment ung Ms. Bea gusto ka talaga nilang maging part ng company. Willing silang gawin akong official Vlogger nila sa mga shows ng artist nila para lang makilala ka.Handa ka na bang magpakilala sa netizens?" seryoso niyang sabi.
"Handa naman na ako. Alam ko namang darating ito. Oo naman. Kaya lang gusto ko sanang magsent ng appointment kay Ms. Bea at sa Folk Entertainment in Private. Kapag kasi sa FE Building maraming artist doon." Sabi ko
"Ang famous naman, in private pa. Hahhaha Sabagay kapag nakita nilang may kasama ko iisipin agad nilang ikaw iyon. Infairness may point ka. Iyon nga ba ang dahilan o dahil kay Ryan?" Seryosong tanong niya.
"Ewan ko, Wala na naman hindi ko na siya ganun naiisip. Hindi palang siguro ko handing Makita siya."sagot ko.
"Haha panget mo kapag seryoso ka. Basta nandito lang kami lagi para sayo. " Sabi niya sa akin.
"Salamat." Sagot ko
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...