Jane's POV
Maaga ko nagising. Wala namang schedule ngayon ng guesting pero pinapadalaw ako ni Ms. Bea sa FE House ittour daw nila ako sa buong building. Nakakahiya kasi si Ms. Bea pa magttour sa'kin, sinabi ko namang okay lang sa'kin na si Momshie Angel na lang pero okay lang daw sa kanya. 8am exact dumating kami sa office ni Ms. Bea kasama ko si Momshie Angel si Eliza may ibang lakad kaya hindi nakasama. Inikot namin ni Ms. Bea ang lahat ng departments at nakilala ko rin ang ibang boss per departments iyong iba hindi ko na matandaan ang pangalan. Nung pabalik na kami sa office niya pinauna niya ako sa office kasama si Momshie. Pagbukas ko ng Office ni Ms. Bea poop! May humagis na confetti at nabigla ako ng Makita ko iyong mga idols ko ang Boys on the Avenue at si Ms. Moira OMG! Super thank you ako kay Ms. Bea. Nandun na rin si Eliza kaya pala may lakad daw siya kasi isa din siya sa mga kasabwat. Welcoming Party daw sa'kin ito ng buong FE. Naiiyak ako sa sobrang saya. Maya-maya pa nagring ang phone ni Ms. Bea.
"Hello good morning. Excuse me guys." Sabi ni Ms. Bea.
Nagpicture at group picture lang ako with my Idols.Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon makakasama ko na sila. Nang biglang dumating si Ms.Bea mukhang hindi naging maganda ang tumawag sa kanya.
"Ms. Bea are you ok?" tanong ko.
"Yes I am" Nagfake smile siya.
Mukhang hindi ata naging maganda ang dalang balita ng tawag na iyon. Maya-maya pa after ng kainan namin sa Office ni Ms. Bea nag-alisan na ang empleyado at ang mga artist may mga show pa raw kasi sila. Nagpunta lang daw sila dahil gusto nila akong personally i-welcome. Kinatuwa ko iyon ng sobra. Feeling ko sobrang special ako sa kanila, to the point na may pa welcome party pa sila sa'kin. Naiwan kami ni Momshie Angel sa Office.
"Ms. Bea ano pong bumabagabag sa inyo?" tanong ni Momshie
"si Maureen, hindi siya pupunta sa shows niya kasama ang Elites dahil nagbreak daw sila ni Ryan." Sabi ni Ms. Bea
"Nagbreak po sila ni Ryan!" pagkabigla kong sabi.
"Yes, its because of Ryan's Ex daw. Nakakainis ngayon pa sila nagkaproblema." Naiinis na sabi ni Ms. Bea
"Akala ko ba Ms. Bea di na nanggulo ang Ex ni Ryan bakit ngayon ito na naman?" Sabi pa ni Momshie Angel
Nabigla ako sa sinabing iyon ni Ms. Bea. Ex ni Ryan, ako? Anong dahil sa akin kaya sila nagbreak? Kinabahan ako. Hindi naman ako nangugulo sa kanila nananahimik na nga ako eh. Hindi na lang ako umimik habang nag-uusap sila.
"Paano po 'yan Ms. Bea? Anong gagawin po natin?Pwede pa po bang icancel iyon?."sabi ni Momshie Angel
"Kailangan ko raw maghanap ng kapalit? Hays! Sino naman ang ipapalit ko sa kanya?" Problemadong sabi ni Ms. Bea
Napangiti si Momshie at tumingin sa akin.
"May kilala ako Ms. Bea." Nakangiting sabi niya kay Ms. Bea pero sa akin pa rin nakatingin.
Kaya't napatingin din si Ms. Bea sa'kin.
"Yah Right! Ikaw na lang Jane ang ipapalit ko kay Maureen, papalabasin na lang nating busy si Maureen kaya di siya pwede." Sabi pa ni Ms. Bea
"Pero po, hindi ko pa po kayang lumalabas sa maraming tao, at ayoko po ng..." kinakabahan kong sagot.
Hindi pa ako natatapos magsalita ng sinabi ni Ms. Bea na final na ang desisyon niya. Sa susunod na linggo pa naman ang show kaya may pagkakataon pa raw para makapagpractice kasama ang Elites. Ok lang naman sa'kin iyon ang hindi ok ay mas marami kaming duets ni Ryan, iyon ang hindi ok.
Pagkagaling ko sa FE Building, kinausap ko si Momshie Angel at Eliza nagpunta kami ng Hammer's Café.
"Momshie! may sasabihin ako sayo," malumanay kong sabi
"Sige sabihin mo nak." Sagot ni Momshie
"Momshie ako po iyong ex ni Ryan" sabi ko
Nanlaki iyong mata ni Momshie Angel sa pagkabigla sa sinabi ko.
"Pero Momshie wala po akong ginagawa para maghiwalay sila." Sabi ko pa
"What if palabas lang pala ni Maureen iyon? Lalo na iyan alam niyang nasa FE ka na rin." Sabat ni Eliza
"Hindi ako papayag na mangyari iyon." Sabi ni Momshie
"Kaya po hangga't maaari ayokong makatrabaho, makasalamuha ang Elites." Dagdag ko pa.
"Sasabihin nati ito kay Ms. Bea." Sabi ni Momshie
"Huwag po ayoko pong magulo sila, baka kung anong isipin ni Ms. Bea." Sabi ko
"Hindi mo rin maiaalis sa kanila ang mag-isip ng iba kapag sa iba pa nila nalaman, lalo't kilala ka ni Maureen." Sabi ni Eliza
"Hindi naman siguro." Sagot ko na may pag-aalala
Author's POV
Samantalang sila Maureen naman ay naiinis dahil nalaman niyang pinalit na sa kanya si Jane sa show na dapat siya ang kasama.
"Nakakairita! Sira lahat! Bakit ba kasi nadiscover 'yang babaeng yan. Wala na tuloy sa akin ang atensyon ng lahat. Pati sa mga news Jane! Jane! Jane! Puro na lang Jane ! Blah ! Blah! Blah! Arrgggghhh!!" Sabi niyang puno ng inis
"Edi gumawa ka ng paraan para mapunta sayo ulit ang simpantiya ng tao." Sabi ni Manager Mariane
"You gave me an idea." Sabi ni Maureen with evil smile
"I smell like something fishy my dear." Sabi ni Anne PA niyang beki
"That's it!" call some media palabasin agad na break kami ni Ryan and the reason behind that is si Jane after ng show nila at saka natin yan ilalabas. This is my sweet revenge Ryan." Sabi ni Maureen with an evil smile.
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...