Eliza's POV
( Ako ulit ? syempre haha ! Wala kayong magagawa )
Kasalukuyang matatapos na ako sa pag-eedit ko ng video ni Jha hehe balak ko na itong iupload syempre nakaBlur ung mukha niya kasi gusto kong pasikatin ang kaibigan ko. Kaya lang mahiyain iyan eh. Ewan ko ba may talent naman siya. Kung ako lang nagkaroon ng talent sa pagkanta at pagsayaw naku ! For sure ilalabas ko rin, sasalihan ko talaga ang lahat ng contest na pwedeng salihan. Kaya lang wala eh. Masaya na ako sa pagsshare ng mga karanasan ko sa buhay through my Vlog. At ito na natapos na rin. Walang masyadong highlights basta blurr lang ang face ok na.
Uploaadddinnggg.......
Upload Complete !
Ayun ! so Log out na exit sa youtube. At gaya nga ng sinabi ko nung nakaraan inistalk ko si Nobita the Mystery Guy na stalker ng kaibigan ko pero wala eh. Hindi talaga nagpapakilala. Hanep na 'yan. Huwag lang malaman kong si Ryan ito at lintik lang talaga ang walang ganti.
Psh! Speaking of the devil. Nakita kong post niya
My Babe Mau is busy
Hanep na ito daming hanash sa buhay. Akala mo talaga naku! Gigil ako eh.
Good Vibes ! Good Vibes !
Bawal pumangit !
Naiinis kana pero ngiti parin
Hay! Inat ! inat! Nakakaantok ! makaidlip nga muna zzzzzZZZZZZZZ
After an hour ..
Sa telepono may tumatawag, ang telepono sagutin natin, sa telepono may tumatawag..
( Ring tone ng phone ko' yan..)
Hanubayan! istorbo naman ito oh! Ays! Nakakainis. Sinagot ko ang phone.
"He..lloo, sino poi to ?" sagot ko
"Is this Ms. Eliza Tiu ?" tanong sa kabilang linya.
"yes ! Mam bakit po ?" sagot ko medyo pupungas pa akong umupo sa kama ko.
"okay ! great ! yes ! " sagot niya.
Narinig ko pang naghiyawan ang mga nasa kabilang linya.
"sino po ba ito ?" tanong ko pa ulit
" I'm Ms. Bea Martinez of Folks Entertainment,we watch your recent vlog and we're interested on the girl behind that beautiful voice can we know who is her ?" straight to the point niyang sabi.
Speechless ako. May god ! si Jha! Kailangan niyang malaman ito. Kaya lang Folks entertainment. Whhaaatt !?? Makikilala na naman niya ang Elites. Hindi. Hindi teka kailangan ko munang mag-isip. Deep breath at saka ako sumagot.
"im sorry Ms. Bea I'll ask her first thank you. I hope you'll understand. Thanks for being interested by the way. Bye." At iyon nag-end call na ako.
Pagkababa ko nagring ulit ung phone ko di ko na sinagot kasi baka sila lang ulit iyon. Naglog-in ako sa Youtube account ko. Shemay! Ang daming views ilang oras palang nag—100,000 na. Tapos maraming shares at comment. Daming nakakaintindi sa kaibigan ko. Kesyo mag-move on na raw, di lang siya ang lalaki sa mundo, wala daw kwenta yan. LT sa ibang comments peo karamihan naintindihan ang kaibigan ko. Kailangan kong magpunta agad sa kanila.
Bumangon ako, Nagtoothbrush, nag-ayos at kung anu-ano pang rituals ko sa katawan.
After 30 mins., salamat nakarating din ako sa kanila.
Ding Dong! Ding Dong!
Nagmamadali akong nagdoorbell.
"Teka lang ! sino ba 'yan ?" sigaw ni Yaya
"Ako ito Yaya, ang pinakamagandang kaibigan ng alaga mo." Pabirong sagot ko at binukasan niya ang pinto.
"Oh ! Hija ikaw pala, bakit ba medaling-madali ka ?" tanong sa'kin ni Yaya Nena
"Pasensya na Yaya, si Jha po nandyan ba ?" tanong ko habang sinasara ni Yaya ung pinto.
"Oo nandiyan, bakit may lakad ba kayo ?" tanong niya. Nagtataka pa rin ung bakit medaling-madali ako
"Wala Yaya. Sige pasok na ako salamat." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Yaya. Dumiretso na ako sa pakay ko. Haha! kay Jha.
Pag pasok ko sa bahay deretso agad ako sa kwarto ng pakay ko.
Walang katok katok diretso pasok. Haha ( Real friend eh, makapal ang mukha haha )
"Jhaaaaaaaaaa!! May good news ako !!" excited na sabi ko
Tumingin siya sa dereksyon ko, at nagpoker face. Mukhang may alam na ito ah. -_-
"Bakit mo ginawa iyon ha ? Alam mo naming ayoko ng ganito eh." Inis na sabi niya.
Sabi ko na nga ba eh. Infairness ang bilis ng pagkalat ng video within an hour alam niya agad. Ang alam ko tulog tuh lagi ah. Hmmm..
"Sorry na Jha. T_T, naisip ko lang naman kasi iyon kasi may talent ka naman talaga. Sayang kung sa CR lang lagi naririnig diba ?." pagpapaliwanag kong sabi sabay pout.
" hay! Ano pa bang magagawa ko? Tsk! Wala naman na. Nandyan na iyan eh. " sabi niyang parang inis pa rin,
"Teka ! Paano mo nalaman ?" pagtataka ko
"Tumawag sa akin si Jio, kinuha ang number mo may kailangan daw para sa inupload mong Vlog kanina lang. Nacurious daw kasi ung Head ng Entertainment.Binigay ko iyong number mo tapos tiningnan ko iyongsinasabi ni Jio. Psh! " kwento niya.
" Hala ka ! so papayag ka ?" excited kong tanong
"Pag-iisipan ko pa." tipid niyang sagot.
"Mapapapayag rin kita." with evil smile.
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...