Jane's POV
Maaga kong nagising. Nag-ayos kasi maya-maya darating na iyong PA na sinasabi ni Ms. Anne. Si Kuya gising na rin, sinabi ko sa kanya ang lahat. Alam niyo ba kung anong sagot niya sa'kin?
"Hindi kaya bulag ang mga taga FE dahil ikaw ang kinuha nila?"
Iyan lang naman ang sagot niya. Tinawanan pa ako ng bongga kaloka diba.
"Baby bunso, " Tawag sa akin ni Kuya.
"Yes Kuya ?" sagot ko
"Ito ba talaga ang gusto mo?" seryosong tanong niya.
"Oo naman Kuya. Im doing this dahil gusto ko hindi para gumanti." Sagot ko
Alam ko kasing 'yan ang pinag-aalala niya sa'kin eh. Hindi naman talaga iyon ang dahilan ko. Ayoko ng paghihiganti, kung may nagawa man sila sa'kin wala na sa'kin iyon. Ang sa akin ngayon ay gusto kong ishare ang talent ko at makapag-inspire ng tao.
Maya-maya may nagdoor bell. Akala ko iyong PA na sabi ni Yaya delivery boy daw. At binigay sakin ni Yaya ang flowers.
"wow! Naman baby bunso ko, hindi pa sikat may nagpapadala na ng bulaklak." Pang-aasar sakin ni Kuya.
Maya-maya may tumawag sa'kin.Sinagot ko agad.
Phone conversation
"Welcome to FE Jane." Sabi sa kabilang linya.
"Sino ito?" pagtataka ko
"Tsk! Nakalimutan na ako. Di pa nga sikat nakalimot agad." Pagsusungit niya.
"Unregistered ang number mo sa phone ko malamang tatanungin kita kung sino ka." Pagtataray ko.
Inagaw ni Kuya iyong Cellphone ko at saka nagsalita.
"Hey! Bro ang ganda ng flowers ha! Next time kapag nagpadeliver ka sana ako rin meron." Sabi ni Kuya sa Nasa linya
"Kuya ano ba ? Akin na nga 'yang phone ko. Mind your own." Sabi ko
Niloud speak ni Kuya ung phone.
"Next time bro. I'll bring a girl for you." Sabi ng nasa linya
Nagtataka ko magkakilala sila.
"Teka sino ka ba?" Tanong ko
"Bro magtanggal ka na ng voice changer pwede." Sabi ni Kuya.
"Wait pagbuksan nyo ko ng gate." Sabi ng nasa kabilang linya.
Nag-end call siya at tapos may nagdoor bell. Nagulat ako ng pagbukas ng pinto nakita ko si Marco kasama si Jio ng Elites.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko
"Siyempre iwwelcome ka namin sa FE." Sabi ni Jio
"Hindi naman kailangan eh, ewan ko ba dito kay Jio bakit kailangan ka pang puntahan?" sabi ni Marco
"Talaga Marco? Kung di ko lang alam ikaw may pakana nito." Sabi ni Kuya
Pero hindi ko masyadong naintindihan. Siniko siya bigla ni Marco. Natutuwa naman ako na nandito itong dalawang ito. Sasamahan daw nila ako sa makeover ko ngayon. Naexcite tuloy ako lalo. Hindi kasi ako masasamahan ni Eliza kasi nagstart na siya ngayon sa pagiging official Vlogger niya kaya ang nakaassign na magVVog ngayon sa'kin ay Marco at Jio. Iuupload daw kasi nila sa page.
Kumain muna kami tapos dumating na si Momshie Angel bakla siya pero akala mo babae, mas maganda pa siya sa'kin. Nakakaloka! Pagkatapos namin kumain nagpunta na kaming Salon. Sa Relax and Style kami nagpunta. Iyong ibang artist ng FE nakasabayan ko. Nagsmile na lang ako sa kanila. Mukhang may alam naman na sila sa'kin nakasmile sila pagtumitingin ako. After an hour of waiting Tadaaaaa! Nagulat sa'kin sila Marco Nagcurl kasi iyong buhok ko, tapos nilagyan ako ng konting make-up sabi kasi ni Ate Girl na Beki hindi ko na daw kailangan ng makapal na make-up maganda na daw kasi ako. Next na pinuntahan namin ay Accessories clothing company siya sikat. Pinili ako ni Momshie Angel ng mga damit tapos sinukat ko at ung dalawang boys ang magsasabi kung bagay daw ba o hindi nakakailang palit na ako ng damit pero wala pa rin silang nagugustuhan. Nakakapagod pala ang ganito. Nasa huling pair na ako ng damit na isusukat ko kapag hindi pa nila ito nagustuhan ewan ko na lang talaga. Matapos kong isuot lumabas na ako nagulat ako dun sa dalawa na napanganga. Nagbiro tuloy si Momshie Angel.
"Hoy! Iyong mga bibig niyo boys isara niyo." Sabi ni Momshie Angel.
Natawa ako at mukhang bumalik na sa katinuan ung dalawa kaya ayun un na ang sinuot ko. Tapos pumili pa ng iba sila para raw maisuot ko sa mga upcoming shows. Binili na rin nila ako ng high heels shoes anak ng tokwa, Nagpaturo din ako kung pano maglakad habang nakaheels syempre pati ang tamang poise daw. Sumakit ang paa ko grabe pero enjoy naman. Madali ko kasi siyang natutunan. Iyon nga lang ilang tapilok muna ang naranasan ko bago ko maayos ang lakad perfect na sinasabi nila. Pagkatapos ng nakakapagod na araw nagyaya silang kumain. Nagsabi na akong sa bahay kami kakain para naman di kami masyadong pagtinginan sa labas. At mas komportable pa kaming makakain kesa sa labas na maraming magpapapicture sa dalawang kasama namin. Alam kong napagod din silang lahat kaya naman deserve nilang masarap na dinner na luto ni Yaya.
"Dinner is ready!" pasigaw kong sabi.
Nagulat sila sa'kin at sinabayan ng tawa si Jio naman ginulo iyong buhok ko bago umupo sa upuan niya. Si Marco naman napakagentleman inayos muna niya iyong upuan ko at saka ko pinaupo.
"Ehem! May kakaiba ata akong nassense kanina pa?" Sabi ni Momshie Angel
"Naku! Momshie huwag ka ng magulat makikita mo na 'yan lagi, lalo na kapag madalas na si Jane sa FE House." Sagot ni Jio
"May something ba sa inyong dalawa?" tanong ni Momshie Angel
"Wala ah." Sabay naming sabi.
Tinawanan lang kami ni Momshie Angel at Jio kasama si Manang na nakingisi din.
"Alam niyo may chemistry kayo, ang cute niyo together." Sabi pa ni Momshie Angel
"Oo nga, mukhang may tatalo na sa RyReen ah," Pang-iinis pa ni Jio
Tumingin naman ako ng masama kay Jio. Ngumisi lang si Marco. Si Momshie Angel naman naguluhan.
"Walang tatalo sa RyReen no." sabi ko.
"Seriously? Nababagayan kayo sa kanila? Ako hindi." Sabi ni Momshie Angel
"Bakit naman Momshie?" Sagot ko
"Hindi sila bagay, baka kung kayong dalawa ni Ryan baka may chance pang chemistry nyo." Sabi pa ni Momshie
Nagulat ako sa sinabi ni Momshie. Magsasalita pa sana ako nagsalita si Marco.
"Kumain na lang tayo, lalamig ang pagkain." Sabi niya.
Bumalik na naman sa masungit mode si Marco. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano. Binuking naman ako ni Jio kay Momshie sa mga habits ko ganun din si Marco medyo nawala din ang pagkaVB niya nung mabanggit ni Momshie na mas bagay daw kami ni Ryan kesa kay Maureen. Matapos kaming kumain nagpaalam na silang umalis. Si Momshie naman babalik na lang daw bukas. Ayaw naman niyang mag-overnight dito sa bahay, para di na siya mahirapan bukas pagbabalik balik.
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...