Chapter 29

22 5 0
                                    


 Continue Premiere Night

Jane's POV

Kakarating ko lang sa Rio Grande Mall kasama si Momshie Angel. Nasa parking area ako nang makasabay ko si Maureen papasakay na rin ng elevator, mukhang kakarating lang din niya. Ito na nga ba ang ayokong mangyari ang magkasabay kami ulit maghihintay sa elevator.

"The two of you look stunning tonight!" sabi ng isa sa staff ng FE na nakasabay naming naghihintay rin.

Marahil paakyat na rin siya sa waiting area ng mga artist sa 3rd floor kasi ang cinema at malapit lang din doon ang room for waiting area.

"Excuse me, here you are bessy (sabay beso ni Maureen kay Jane) "bati ni Maureen sa akin kinagulat ko.

Nagitla ako kay, ngumiti ako nagbeso na rin. Sumabay din ng beso si Manager Mariane, manager ni Maureen.

"He..llo Mau, Hi Ms. Marianne." Bati ko rin sa kanila.

At saka sila pumasok sa elevator. Papaunahin ko na sana sila ng biglang ..

"Bessy come on,sabay na tayo pag-akyat sa cinema." tawag sa akin ni Maureen

"sure ka?" napatanong ko sabi kanya, bago ako tumingin kay Momshie Angel.

Lumapit si Maureen sa akin at saka sinabing "Ofcourse,"

Hinatak niya ako papasok ng elevator. Ang ibang nakasabay naming sa elevator ay na nalipat sa amin ang atensyon. Seems like di nila inaasahan ang pangyayari dahil nakahawak pa sa kamay ko si Maureen as if close talaga kami. Hindi naman sa wala akong tiwala kung totoo ba o plastikan lang ito pero nakakapagtaka kasi talaga. Hinayaan ko na lang din at di pinansin. Nang makarating kami sa room as we expected marami ng press/media sa labas ng room na naghihintay sa pagdating namin. Agad humarang ang mga guards at gnuide kami papasok n asana ng room. May ilang fans ako nakita gaya nila Julia na admin ng Elites. Nagwave ako sa kanya ng makita kong titig na titig siya sa akin o sa amin. She's a trusted person kaya lumapit ako sa kanya agad.

Nagsmile ako sabay sabi "pwede ba tayong magselfie?"

Nagulat ang lahat sa ginawa ko kaya nakuha kong atensyon ng media na nasa labas ng room.

"Oo naman Jha." Nagsmile siya at kinuha ang phone niya.

"Hala! Baka mapagalitan ka." Bulong niya pa sa akin.

Umiling akong tugon bago kami ulit magpicture. Napatingin lang sa akin si Maureen at ang ilang media na nandun. At saka diretso akong pumasok sa loob ng room kasabay si Momshie Angel na nakasmile lang din. Smile nga ba? O smirk?. Basta ngiting makahulugan. Nandito na sa loo bang Elites. Binati agad nila ang pagdating ko sa loob.

"hey! Baby Jha kamusta?" sabay hug ni Dave

Nakuha naman ang atensyon ng ibang member ang pagtawag sa akin ni Dave kaya nagsilapitan na rin ang iba.

"Miss you baby Jhaaaaa, We're so happy na kasama ka na naming ngayon.Samantalang dati..." hindi na niya natapos ang sasabhin ng magsalita si Ivan malapad na ngiti sabay beso sa akin si Jio yan.

"tsk stop it Jio, your being childish again, whenever Jha is around.(seryoso niyang sabi sabay beso rin sa akin pag alis ni Jio) " napangisi ako sa sinabi niya, as always parang si Marco itong si Ivan eh.

And here He is napatingin sa akin si Ryan titig as if matutunaw ako. Napansin kong papunta siya sa gawi ko. Totoo ba? Sa akin ba? I feel uneasy pero ng malapit na siya sa akin ay sinabi niyang "your gorgeous!" sapat lang ang lakas para kaming dalawa ang makarinig at saka siya dumeretso sa pwesto ni Maureen.

I froze for a moment and a snap from someone back me to reality. It's Marco.

"Tss! Are you expecting something from him?" nakasmirk niyang sabi at saka hinug ako at kiss sa forehead.

"ofcourse not," gitla kong sabi.

Napansin kong nakuha naming ang atensyon ng lahat ng nasa loob ng room.

"Ehem! Marco baka naman pwedeng hiwalayan mo muna si Jane." Pabirong sabi ni Momshie angel.

Nakita ko namang nakahug pa rin si Ryan kay Maureen. Nakita ko ito reflection nila sa salamin sa harapan ko. May kung ano kong naramdaman. Parang bumibigat ang pakiramdam ko. Maya pa ay dumating na si Mr. Justine & Ms. Jessie ang lead star ng movie. Binati ang lahat ng nasa loob. Napatingin si Ms. Jessie sa akin.

"OMG! Jane, I'm a big fan of yours. Your voice is so damn good, i barely take my ears off to your song covers" kinikilig niyang sabi ni Ms. Jessie.

Hindi niya napigilang batiin at hawakan ang kamay ko habang nakaupo ako sa sofa..Medyo luluhod na siya ng tumayo ako para maging kapantay ko siya Kasunod niyang lumapit si Mr. Justine na nakasmile at bumeso sa akin.

"I was about to invite you for a VIP ticket for this premiere, because Jessie want you to invite you personally, when She heard the news about Marco inviting you. And you know what she's really excited to meet you." dagdag pa ni Justine

"I can't believe this happen. Thank you Miss Jessie & Mr. Justine. Ahh. I'm so speechless. Both of you big star to get your attention. I'm so happy , I can't explain what I really feel." sobrang sayang bati ko sa kanila.

At nagyaya si Miss Jessie na magselfie. Matapos noon ang susunod niyang sinabi ay hindi ko inaasahan.

"I'm looking forward to have a project or movie? or maybe collab with you soon. And your nice enough, I hope you won't change. Keep your feet on the ground Jane. I know your in good hands, Ms. Anne & Ms. Bea don't let happen anything just like what other artist happen. You know over confidence, changing attitudes hmm.." sinabi niyang may diin lalo na noong sinabi niya iyong changing attitudes.

Hindi ko naiwasang maconfused sa sinabi niya. Parang may pinaparinggan siya. Ewan ko.

---- 

Author's Note: hello po nalate na po ung update ko hihi. pagpasensyahan niyo na po kung may mga maling grammar sa english ko, ang bagal ng internet connection hihi. salamat po sa pagbabasa.Stay home. 

I'm His GirlWhere stories live. Discover now