Chapter 15

44 10 2
                                    




Jane's POV

Makalipas ang ilang linggong paghahanda para sa paglabas ko sa TV. Nandito na ako ngayon sa backstage ng Show Bitz isa sa mga TV Show sa FE. Ngayon ang first time na maiinterview ako in live, hindi na sa mga Vlogs. Kinakabahan ako pero laging nandiyan si Eliza at si Momshie Angel sa tabi ko. At paminsan minsan ay sila Jio, Marco at ang ibang Elites maliban kay Ryan, na simula nung sa coffee shop hindi pa kami nagkikita ulit. Nagstart na ang show,

"Good morning Ka-chikahan, isa na namang mahabang chikaness ang ihahatid namin sa inyo. Kami ang inyong kachikahan ngayong umaga ako si Ate Mely kasama si Ate Susan.Dahil nitong mga nakaraang lingo ay ginulat tayo ng nag-viral na singer sa isang park na sobrang nakapag-antig sa damdamin nating lahat." Pambungad na sabi ng host.

"Naantig ang damdamin ng lahat ng marinig natin siyang kantahin ang Broken Vow, at sinundan ng Run To You na nakapag-tindig balahibo dahil sa lamig ng kanyang tinig diba Mare." Dagdag pa ni Ate Susan

"Hindi na namin ito patatagalin pa, Please welcome the Crying Diva .." sabi ni Ate Mely

"Ms. Jane Torres..." sabay nilang sabi.

Pumasok ako sa stage at umupo sa sofa. Binigyan nila ako ng flowers para sa pagwelcome nila.

"Kamusta Jane? Anong masasabi mo ngayong sikat kana?" tanong ni Ate Susan

"Hindi pa rin po ako makapaniwala, na ngayon nandito ko sa inyo iniinterview nyo ko."Nakangiti kong sabi.

"Tell us about the story of your first video, iyong nagviral." Tanong ni Ate Mely.

"That time po kasi broken ako, sobrang lungkot ko at niyaya ako ni Eliza lumabas then nasa park na kami tinatawag pala niya ako hindi ko siya naririnig kasi nakaheadset ako narinig na lang daw niya kumakanta po ako, wala po siyang maisip nun para sa next vlog niya kaya po ako na lang po ang ginawa niyang subject."sagot ko.

"Nabroken naman pala, siguro ngayon nagsisisi na iyong guy na iyon kasi sikat kana." Sabi ni Ate Susan

"Hindi kop o alam haha pero nagpapasalamat po ako sa kanya kasi kung hindi dahil sa kanya hindi po ako kumanta noon, at wala po ako ngayon dito." Sagot ko

Iyon ang totoo nagpapasalamat ako kay Ryan.

"Pwede bang malaman namin ang pangalan niya?" tanong ni Ate Mely.

"Huwag na lang po siguro, ayoko na rin po ng gulo." Sagot ko.

"Ok. We understand that part. So anong nangyari/reaksyon mo nung nakita mong viral na ung video mo?"Tanong ni Ate Susan

"Nagalit, hahaha .."sagot ko

"Bakit ka naman nagalit?"tanong ni Ate Mely

"Oo nga usually nagulat o natuwa iyong reaksyon pag nagvviral ikaw kakaiba nagalit haha bakit?" Natatawang tanong ni Ate Susan.

"Nagalit ako nun kay Eliza, Haha." Sagot ko sabay tawa.

"Seryoso Eliza?" Tanong ni Ate Susan kay Eliza na nakaupo katabi ng camera man.

Tumango naman si Eliza.

"Kasi po ayoko ng vinivideohan po ako. Nainis talaga ko nun tapos umiiyak pa po ko noon. Haha" sagot ko sabay tawa.

"Haha kakaiba ang ating soon to be superstar. We will know more about Jane sa pagbabalik ng.." Sabi ni Ate Mely

"Show Bitz" sabay nilang sabi.

I'm His GirlWhere stories live. Discover now