Umuwi agad ako nung malaman kong uuwi siya excited ako syempre dahil finally magkikita na ulit kami. Nag-ayos ako ng marinig ko na may nagdoor bell pinagbuksan ko agad nagulat ako si Kuya lang pala.
"Oh! Bakit bihis na bihis ang baby bunso ko?" Panunuksong sabi ni Kuya Chester.
"Hindi ah! Nag-ayos lang ng konti eh masama ba?" Pagtatanggi ko sa kanya.
"Asus! Baby bunso, alam 'kong pag ganyan ka may darating na bisita." Dagdag niya.
"Hmmmm.. Bastos ka kuya! Palagay mo sakin kapag dumating lang si Ry at saka nag-aayos?" Nagpout ako.
"Parang ganun na nga. Hahaha." Pang-aasar pa niyang lalo.
"Naku! Kuya pumasok kana nga lang diyan, kung alam kong ikaw lang pala ang darating si Manang na lang pinagbukas ko ng pinto." Inasar ko rin siya. Asaran pala kuya, ha?
"Haha, edi pagsarahan mo ako ulit." Dagdag pa ni Kuya.
Di ko na siya pinansin at derederetso na lang akong pumasok muli ngunit di pa ako nakakarating sa pinto ay may dumating muli. Ito na sigurado na akong si Ry ito. Pagbukas ko ng pinto si Ry nga ang bumungad sakin kaya lang parang may iba sa kanya. Parang pilit ang pagbati niya hindi ko na lang pinansin at pinapasok ko na siya.
"Jane, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Ryan.
"Ano pa bang ginagawa natin?" Sinagot ko siya ng tanong. Nice, Jha.
"I mean sa labas, hindi rin kasi ako magtatagal." Saad niya.
"Huh? Bakit? Kakarating mo pa lang, ah! Aalis ka na?" Malungkot kong sabi.
Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Kinabahan ako bigla, natatakot akong baka ang sabihin niya ay yung sinabi ni Maureen sa akin kanina. Hindi naman siguro. Sana hindi talaga.
"Jane, mahal mo naman ako diba? Naiintindihan mo siguro ako kung gagawin ko ito." Saad niya.
"Huh? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako.
"Bukas may interview kami ni Maureen para sa upcoming movie namin na kasama kami parang cameo role lang, pero medyo maraming seen eh, may pinapagawa kasi sila sa'min" Paliwanag niya.
"Ok ano yun?" Tanong ko.
"Magpanggap daw kami, liligawan ko siya sasabihin ko iyon in public. Marami daw kasing nakapansin na may chemistry daw kami, kaya ayon! Pinapagawa nila sa amin yun." Sabi ni Ryan.
"Huh! Ano ka bbaa.. okay lang alam ko naming trabaho lang iyon, eh."Sabi ko naman.
"Thank you, babe." At hinalikan niya ang aking noo.
So sweet of him. Kaya lang kaya ko ba talaga? Naiintindihan ko ba talaga ? alam kong iba na ito. Hindi na gaya ng dati gusto ko siyang iconfront sa sinabi ni Maureen pero di ko magawa. Alam ko kasing stress na siya at ayoko pang dagdagan iyon lalo na ngayon.
"Babe, hindi ka naman makikipaghiwalay sakin para lang diyan diba? Para kay Maureen?" Wala sa wisyo kong tanong.
Natawa siya, as in tawang-tawa.
"Hahahahahahha, of course not babe. Hahahahahaha, nakakatawa naman yang tanong mo. Alam mo naman ayaw ko ng kagaya nya, hindi ba? Saksakan ng arte at clingy pa hahaha. Pinatawa mo ko babe." Sabi ni Ryan.
"Psh! Ewan ko sayo. Syempre iba ka na kasi ngayon malay ko ba! Hmmp!" Nagwalk-out ako.
Nagulat ako, hinabol niya ako at hinug niya ako.
He whisper, "Laging mong tandaan babe, lahat ng ginagawa ko para sa atin ito, I love you thank you so much for being there"
Ryan's P.O.V
Kinakabahan ako, sabi kasi ng manager namin makipaghiwalay na raw ako sa kanya. Hindi daw kasi magiging maganda kung ganito ang mangyayari lalo na ngayon. May loveteam na ayoko naman daw masaktan si Jane kaya ngayon pa lang daw makipaghiwalay na ako kaya tinawagan ko sya para magkita kami matagal na rin kaming di nagkikita busy kasi ako. Ang daming schedule ng group. Tapos may biglaan movie pa shinoot. Di naman kami ung main role pero maraming eksena kasama ung bida sa role namin lalo na ung role ko. Nakitaan pa ng mga producers na maganda daw ung team up namin ni Maureen kaya medyo binago ang seen. Papunta na ako sa bahay nila makikipag break ba ako o hindi ? ayokong saktan sya, alam kong naiintindihan nya ako siguro naman maiintindihan nya pa rin ako. Pagkadoor bell ko sa pinto nila nakita ko agad siya, kaya lang parang may iba sa kanya. Hindi ko alam kung pakiramdam ko lang ba o may iba talaga kinabahan ako baka may alam na siya, pero Malabo. Binilin ko sa buong grupo na kahit anung mangyari ako ang magsasabi sa kanya kaya malabong mangyari. Kinausap ko siya medyo kinakabahan ako pero sinabi ko ang lahat ng tungkol sa movie pero nung sasabihin ko na makikipagbreak sana ako hindi ko nagawa. Interview lang ang sabi ko pero ang totoo ilalabas na bukas ay kami na talaga. Nagulat ako ng walang ligoy ligoy siyang nagtanong.
"Babe, hindi ka naman makikipaghiwalay sakin para lang diyan diba ? para kay Maureen?"
Sabi niya.
That shook me! I made a fake laugh ! tumawa ako ng tumawa para maisip niyang hindi ko magagawa yun. Maureen is Pretty Gorgeous but she's not my type. Hinahangaan ko siya "oo" but to be my girlfriend a big "NO."
I replied, "Nakakatawa naman yang tanong mo. Alam mo naman ayaw ko ng kagaya nya hindi ba ? saksakan ng arte at clingy pa hahaha. Pinatawa mo ko"
Pero ramdam ko may takot sa sinabi niya, na baka mahulog ako kay Maureen gaya ng mga nasa movies,books at wattpad na binabasa niya. Nagwalk out siya kaya hinabol ko at binulong ko sa kanya, "Lahat ng ginagawa ko para sa atin ito, I love you thank you so much for being there"
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...