Jane's POV
It's an ordinary day for me. Wala pa ring pagbabago. Simula noong mapanood ko sila hanggang ngayon lalong nagulo ang isip ko. May part sa sarili kong gusto kong maniwalang may nararamdaman pa siya, may part din nagsasabing tama na! sobra na. Hay !
Ring ! Ring ! Ring!
Ringtone ng phone ko.
Sino naman kaya ito ?
Jio Elites Calling...
Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello ? bakit ?" siniglahan ko iyong boses ko kasi ayokong mag-alala sila sa akin. Lalo na sa sitwasyon ngayon.
"Kamusta ? I miss you Jha. Tagal na nating di nagkikita ah. Di kana rin nagpupunta sa mga shows namin. " Pangangamusta niya.
"Okay lang naman ako. Pasensya medyo busy eh. Bakit ka pala napatawag?" tanong ko
"Ah. Oo nga pala, diba kaibigan mo iyong Vlogger na si Eliza Tiu ? Pwede bang mahingi ang number niya ?" Sagot niya.
"Hmmm.. At bakit ? Anong dahilan ng isang Jio Alcantara para kunin ang number ng bestfriend ko ? Nagtataka kong tanong.
"Hoy! Huwag kung anu-ano iniisip mo diyan. Pinapatanong lang ng Head ng Entertainment kasi nacurious sa girl na kumakanta sa recent Vlog niya. "pagpapaliwanag niya
"Teka ! kilala mo ba kung sino iyon ?" pahabol niyang tanong
"Sorry naman mahirap na, Hindi ko kilala iyon. Hindi ko rin naman pinapanuod ang vlogs niya." Sabi ko pa
"Supportive bestfriend ah, di pinapanuod ang vlogs. Hahaha" Sarcastic niyang sabi sabay tawa.
"Oo na issend ko na sayo." Umayos ka lang Jio sa Head niyo 'yan ah. Naku! Malilintikan ka talaga sakin." Pananakot ko pang sabi.
Aba ! Mahirap nab aka maloko rin ang kaibigan ko. Pa-fall pa naman itong si Jio.
"Oo swear ! sige thanks Jha. Sana Makita kita ulit next show." Pahabol niyang sabi.
Pero binaba ko na ang phone at sinend ko na sa kanya ang number ni Eliza. Na-curious naman ako sa sinasabi niya kaya sinearch ko ang vlog ni Eliza.Nagulat ako ng Makita ko ang isang babaeng kumakanta habang naka-earphone. Ako ito eh! Iyong sa Park. Psh! Pasaway talaga itong si Eliza. Alam naman niyang ayoko ng ganito eh. Tinignan ko iyong mga comments
Comment 1: Di lang siya ang lalaki sa mundo
Comment 2: Promise are made to be broken teh?
Comment 3: Mga lalaki talaga manloloko.
At kung anu-ano pang comments. Natatawa ako na naiinis sa pinag-gagagawa nito ni Eliza pati ako dinamay pa. Tama nga naman ang mga comments nila.
Siguro nga kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito na lang talaga. Wala rin naming mangayayari kung magmumukmok ako rito.
"Papa God kayo na pong bahala sa'kin. Tulungan po ninyo ako. Hindi niyo naman po ibibigay sa akin ito kung 'di ko kakayanin, may tiwala po ko sa inyo. Pasensya na po kung pasaway ako, salamat po at di nyo ko pinabayaan."
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...