Chapter 12

39 10 3
                                    


Jane's POV

Naupload na iyong new Vlog ni Eliza. Ang saya makita mga positive comments ng netizen. Ngayon ako lang mag-isa, nagpahangin lang ako. Medyo matagal na rin noong huli kong itreat ang sarili ko. Papunta ko ngayon sa favorite kong tambayan,sa Hamer's Coffee Shop naalala ko nun dat dito kami madalas magpunta ni Ryan. Nagpupunta pa kaya siya ngayon dito? Tago itong coffee shop na ito pero maraming dumadayo kasi ang ganda ng ambiance. Perfect talaga lalo na kapag mag-isa ka. Pagpasok ko palang binate na ako ng Guard. Kilala kasi kami ditto lalo na nung nakita nila si Ryan na lumalabas sa TV. Kung nagtatanong kayo kapag lumalabas ba kami ni Ryan eh nagdidisguise sya? Oo pero dito sa coffee shop na ito kahit magdisguise siya kilala na siya, kami pala.

"Good morning Ma'am. Ang tagal niyo na pong di nagpapasyal dito ah." Sabi ni Kuyang Guard

"Busy Kuya eh. Akala ko di mo na ako makikilala." Sagot ko.

"Kayo pa ba Ma'am, Siyempre kilala pa rin po namin kayo" Singit sa usapan ng isang waiter.

"Ui Kuya ikaw pala." Sabi ko.

Lumilinga linga siya sa likod ko, mukhang may hinahanap. Kaya inunahan ko na siya.

"Wala siya." Sagot ko

Kahit di siya magtanong alam kong hinahanap nila si Ryan.

"Ganun ba Ma'am. Sayang naman kasi akala ko magkasama na kayo ngayong pupunta. Madalas pa rin kasi si Sir magpunta dito eh." Sabi ng waiter hinatid ako sa sit ko.

Nagulat naman ako nagpupunta pa pala siya dito. Sabagay baka kasama niya si Maureen pagnagpupunta siya dito.

"Wala pong kasama si Sir kapag nagpupunta siya dito. Madalas siya lang mag-isa pa rin siya. Akala ko nga kasama niya si ano eh. Hindi naman." Sabi niya.

Loko itong si Kuyang waiter nababasa ata iniisip ko. Nginitian ko lang siya at sinabi ko ang order ko.

"Di pa rin nagbabago Ma'am ah. Siya pa rin ba? I mean ito pa rin po pala " Sabi niya sabay tawa

May laman itong sinabi ni Kuya pasaway.

"Hahaha iyong Frappe, Oo pero 'yong siya may iba na." sabi ko at sinabayan ko ng tawa.

Natawa rin si Kuyang waiter kaya lang parang fake smile. At nagpaalam ng umalis.

Nang may naaninag ako. Siya! Nakita ko siyang nakatingin din sa'kin. Narinig niya kayang sinabi ko? Eh Ano naman kung marinig niya? Nagsabi lang ako ng totoo, nitong mga nakaraang araw kasi hindi ko na siya naiisip, baliwala na lang din ang mga post niya na kasama o nakaTag si Maureen. Ito na ba iyong panahon Papa God? Nagsmile lang ako sa kanya, sabay iwas ng tingin.

"Pwede bang makishare? Wala na kasing vacant?" sabi niya, si Ryan

Lumingon muna ako sa buong Café kung may vacant sit pa pero wala na at sa upuan ko na lang talaga meron. Nagnod lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng book na dala ko. Sabi ko aaliwin kong sarili ko bakit nandito ito? Hay! Nagbabasa ko pero feeling ko may nakatitingin sa'kin. Tumingin ako sa nasa harapan ko nakatingin siya. TInaasan ko siya ng kilay. Napangisi siya

"Hindi ka pa rin nagbabago?" sabi niya

"Ikaw lang naman ang nagbago" sagot ko.

Nag-ipon akong lakas para sabihin 'yan. Ewan ko ba kinakabahan ako ngayon. Feeling ko hindi niya nagustuhan ang sagot ko kaya hindi na siya nagsalita pang muli. Maya-maya dumating na 'yong orders namin. Sabay dumating at parehas kami ng order. Iyong madalas naming orderin dati.

"Sir hindi pa rin kayo nagbago ng order? Katulad pa rin ng dati, pero nagbago na kayo diba?" sabi ni Kuyang waiter, wag kayong magtaka kung bakit feeling close siya sa'min kasi ganun niya na talaga kami kaclose simula nung bago palang kami.

"Haha di ka parin nagbabago Kuya. Nagbago na ako pero siya pa rin." Sabay tingin niya sa'kin

"I mean ito pa'rin Frappe" dagdag niya pa at saka humigop sa order niyang frappe.

"Haha Enjoy your drink Ma'am & Sir, I hope it will not be the last." Sabi niya tsaka umalis.

"Si Kuya talaga, tsk! Tsk!" sabi niya

"Di nagbabago." Sabi ko

To be honest naiilang pa rin ako sa kanya. But for now hindi dapat. Tahimik lang kami sa pagkain, patapos na ako ng magsabi siya.

"Can we talk?" sabi niya

"Hindi pa ba tayo nag-uusap" sabi ko

Nagsmile siya sabay sabing

"Nagbago kana talaga." Sabi niya

"Yes! Because of you." Sabi ko

"I know." Sabi niya

"The voice on Eliza's Vlog is your voice am I right?" Sabi niya

Nagulat ako, naalala pa rin pala niya ang boses ko.

"So what? Anong pakialam mo?" sabi ko

"Magulong mundo ang gusto mong pasukin, wala kang magiging privacy, Huwag mo ng ituloy." Sabi niya na may halong pag-aalala

"Alam kong ginagawa ko, wala ka ng pakialam doon, hindi ikaw ang mahihirapan ako, nagawa ko na 'yan for 2 years nakapag-adjusta ako. Ngayon pa kayang alam ko na iyong mundong ginagalawan mo." Marrin kong sagot

"tsk! Ok. Concern lang naman ako. Sana lang hindi mo ginagawa ito para gumanti sa'kin at kay Maureen." Sabi niya

"Ofcourse not! (Sabayan ko ng tawa)May talent ako kaya ko ginagawa ito para sa sarili ko hindi para gumanti sayo/sa inyo. Hindi ako ganun alam mo 'yan. Tss! Sabagay hindi na nga pala ikaw 'yong dating nakilala ko." What do I expect?" Naiinis kong sabi sa kanya with that umalis na ako."

Pagdating ko sa bahay nagpunta ako ng kwarto at umiyak. Umiyak ako kasi naiinis ako sa iniisip niya sa'kin. Akala niya ba kaya ko ginagawa iyon para gantihan siya/sila. My God !

I'll do this because alam kong may talent ako. Tinawagan ko si Eliza para sabihin ready na ako for a meeting to Ms. Bea. 

I'm His GirlWhere stories live. Discover now