Jane's POV
Matapos ang show namin kagabi. Hinatid ako ni Marco ng walang imikan hanggang sa makaalis siya. Hinayaan ko na lang at parehas kaming pagod baka hindi pa maging maganda ang pag-uusap namin. Tiningnan ko ang phone ko nagulat ako ang daming missed call ni Momshie. Nag-inat muna ako bago ko bumangon ng bumukas ang pinto ko at nakita ko si Kuya Chesther na galit. Hinagis sa akin ang dyaryo. Nagulat ako na litrato namin ni Ryan na nakahug back siya sakin at may Caption na "Maureen nagsalita na sa kamuntik na hiwalayan nila ni Ryan, si Jane ang dahilan"
"Nag-uusap pa ba kayo niyan?" sigaw na sabi sa akin ni Kuya.
Hindi ako nakaimik agad. Nagulat ako sa balita. Hindi ko alam na lalabas pa ito. Akala ko inayos na niya ito.
"Hi..ndi Ku..ya" sagot ko
"Ano 'yan? Ikaw ang dahilan ng kamuntikan nilang paghihiwalay?"sabi pa ni Kuya
"Chesther! Huminahon ka pakinggan mo muna ang kapatid mo." Sabat ni Manang habang nahagod ang likod ko. Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko.
"Hindi Kuya, hindi kami nag-uusap, nagkikita lang kami kapag rehearsals."Sagot ko.
Tinignan ko ang dyaryo.
"Eh ano 'yan?." Sabi pa ni Kuya.
"Chesther hijo, huminahon ka." Sabat ni Manang muli.
Kinuwento ko ang nangyari, hindi ko namalayan ang pagdating ni Marco at Momshie sa kwarto ko. Nagalit naman si Marco at umalis bigla.
"Marco...! Ano ba? Huwag!"Sabi koPinigilan siya ni Kuya Chesther pero hindi nagpaawat.Tuluyan nakaalis si Marco. Tinawagan ni Momshie naman sila Ivan at Dave para pigilan si Marco. Natatakot ako sa kung anong magawa ni Marco kay Ryan.
Tumawag na raw si Ms. Bea naiintindihan niya daw ako. Hindi ko alam kung paano pero nagpatawag na siya ng presscon kasama si Ryan. Mag-uusap muna kami sa FE Building. Ang daming post pati bash sa akin sa facebook at Instagram
Marco's POV
Nang malaman ko ang balita. Nagderetso ako sa bahay nila Jane, halos kasabayan ko lang din dumating si Momshie. Nagulat ako ng marinig ko ang kwento sa kabila ng larawan. Pagkarating ko sa taas umalis agad ako para bumalik ng condo. Naabutan ko si Ivan at Dave na gising.
"Si Ryan!" inis kong sabi sabay sarado ng pinto.
Naabutan ko si Ryan pupungas pa at kakabangon lang sa higaan ng sinuntok ko siya agad.
"Bro tama na 'yan" sabi ni Ivan awat sa'kin
"Ano bang problema mo?" Galit na tanong ni Ryan
"Loko! Ano na naming ginawa mo kay Jane ha! Gago ka! Bitawan niyo ko" galit na sabi ko. Palag ko habang pinipigilan ako ni Dave
"Wala kong ginagawa." Maang niya pa
"Eh! Gago ka pala!" Sabi ko at hinagis ko ang dyaryo
"'Yan oh? Loko! Alam mo namang mainit ang mata sa kanya ni Maureen tapos ganito pang ginawa mo? Layuan mo siya ha! Hindi ko hahayaang makalapit ka sa kanya." Sabi ko pa
Pumasok si Manager Gee.
"Tumawag ang guards sa baba marami daw media na sa lobby." Sabi ni Jio
"Ryan OMG! Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Manager
Iniwas ko lang ang tingin kay Manager.
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...