Someone's POV
Nang makita ko siyang umiiyak di ko mapigilan ang inis at galit kay Ryan. Kung bakit kasi hindi niya nagawang ipaglaban sa manager namin ang relasyon nila. Kawawa naman tuloy si Jane.Hindi niya dapat nararamdaman ang ganito ih. Nasa Presscon kami ngayon nakita ko agad siya pagpasok palang namin. Tsk !ang tigas talaga ng ulo, nagpunta pa talaga dito lalo lang siyang masasaktan eh. Tanga Tanga talaga. Boring na boring ako sa tuwing may Presscon kami pati personal naming buhay pinapakialaman ng media. OO public Figure kami alam ko naman na kailangan nilang malaman iyon pero hindi naman ata lahat. After ng tanong na iyon kay Ryan na expected na naming itatanong kay Ryan natapos din ang lahat. Kaya lang ayun nga nangyari ng ayokong mangyari. Tsk !nagsimula na si Ryan sa sinabi ni Manager sa kanya. Iniiwasan na niya si Jane tss! Nakakainis nasasaktan na naman siya. Bakit kasi Jane siya ang minahal mo at hindi ako ? Parehas naman kaming gwapo/magaling kumanta ayss! Nagsisi ko tuloy na nagpaubaya ako. Natapos ang presscon nandyan pa rin ni Jane akala ko aalis na siya pero dahil may pagkatanga nga siya tsk ! Nagpaiwan pa sa photo opportunity. May pinakiusap nga pala siya kay Ryan kagabi na magpapainterview kami para sa Vlog ng friend niya. Hays !nasa isang sulok lang siya nararamdaman kong malungkot siya dahil sa coldness na binigay ni Ryan sa kanya pero wala eh. Hindi talaga nagbago ang treat niya sa kanya. Dagdag pa itong si Maureen na hindi rin agad umalis after ng presscon kasi sabay daw sila ni Ryan uuwi. Nagulat ako ng nilapitan ni Maureen si Jane tsk !ano na naman kayang balak niya eh nakuha na niya ung gusto niya psh! Once na may hindi magandang mangyari kay Jane si Ryan talaga ang sisisihin ko. Walang bros na usapan kapag si Jane ang usapan. Dahil sa ginawa niya kay Jane I'll make her fall for me. Hindi niya ako mapipigilan kahit anong mangyari. Magsisisi siya kapag si Jane nagkagusto sa akin.
Author's Note : Pasensya na po medyo matagal mag-update naging busy sa trabaho :)
salamat po sa pagvote at pagbasa :)
YOU ARE READING
I'm His Girl
FanfictionMagiging matagumpay ba ang relasyon kung tinatago ito? kung kayong dalawa lang ang nakakaalam at feeling mo hindi siya proud sayo na ikaw ang mahal niya? Hindi niyo pwedeng gawin ang ginagawa ng ibang nagmamahalan kasi bawal sa trabaho niya? May car...