Chapter 25

20 6 2
                                    

Maaga ko nagising ngayon, ngayon na kasi ang araw nang guesting ko sa ShowBItz. Maaga nagpunta si Momshie Angel dito sa bahay. Dahil 7am ang call time namin, 9:30 kasi ang start ng show. Live talk show iyon. Maaga naman din akong nag-ayos kaya pagdating ni Momshie at ni Eliza, kumain kami tapos ay umalis. Si Kuya naman may makahulugan ang tingin. Mukhang alam na rin niya.

"Mag-ingat ka ha, pag-isipan mong mabuti ang mga desisyong ginagawa mo." Sabi ni Kuya sa akin.

Ewan ko pero parang may ibang kahulugan ang sinabi niyang iyon.

"Ang panget mo Kuya no! Huwag ka ngang magseryoso hindi bagay." Sagot kong may pagkainis

"hahaha biro lang Jha, hahahahhah kung Makita mo iyong itsura mo sa sinabi ko hahahha."Tawa niyang sagot

"Sige na mag-ingat kayo, Momshie kaw na bahala sa kapatid ko ha, Eliza alam mo ng gagawin diyan sa kaibigan mo." Mapanuksong pang-iinis sa akin ni KUya at saka nag Beso sa akin.

Nang makarating kami sa FE House, sa ShowBitz Studio, Winelcome nila ako agad,papunta na sana ako sa vacant room na tinuro ng staff, noong last time rin doon ako nag room kaya papasok na sana ako ng hinarang ako ng isang staff. Sinabi niyang hindi raw doon ang magiging make up room ko, sa kabila raw malapit sa may stage para raw mas malapit at hindi na rin ako mahirapan mamaya. Dederetso na sana ako ng room ng parang nakita ko si Marco, pero hindi ako sigurado kung siya nga, siya iyong galing doon sa room na dapat room ko.

"Good morning Miss Jane, it's nice to see you again." Sabin g makeup artist.

"Good morning rin Mama Hana, good morn ing Mama Chie." Batik o sa kanila at umupo sa High chair.

"Mama may iba pa bang guest bukod sa akin?" Wala sa sarili kong tanong sa kanila.

Nagkatinginan sila ng makahulugan at sinabayan ng iling. Baka nga namalikmata lang akong si Marco iyong nakita ko. Nalaman rin ata ng Elites ang guesting ko rito kaya nagtext sila sa akin ng congrats at good luck. Si Marco ang pinakahuling bumati sa akin, excited na raw siyang malaman ang sagot ko.

Mabilis ang oras at nagsimula na ang show.

"Good morning mga kachikahan isa na namang mahabang chikahaness ang ihahatid naming sa inyo. Kami ang inyong kachikahan ngayong umaga, Ako si Ate Mely." Maligayang pagbati ni Ate Mely .

"Ako naman si Ate Susan, dahil nitong nakaraang araw lang Ate Mely may nagpost, na gustong makadate sa isang Premiere night ang ating Viral singer." Pahapyaw na chika ni Ate Susan

"Alam kong excited na kayo, at ako rin, kaya din a naming ito patatagalin pa .." Sabi ni Ate Mely

"Please welcome Miss Jane Torres." Sabay nilang sabi.

Pumasok ako at nagbeso sa kanila.

" ito na nga, kamusta naman hija?" Tanong ni Ate Susan na parang may makahulugan sa sinabi niya.

"I'm okay naman po, kamusta po kayo?" sagot ko

"Ito ekey nemen!"Sabi ni Ate Mely na parang kinikilig pa.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ano itong viral post ng isa sa Elites noong nakaraang araw."Sabi ni Ate Susan at pinakita sa Screen sa likod ng inuupuan naming ang post na iyon ni Marco.

"Halaaa!" Sabi ko na bahagyang natawa at kinilig.

"Mga ka-chika kinikilig ang ating guest, so Anong reaction mo noong Makita mo yang post niya? Tanong ni Ate Mely may halong kilig pa rin.

"To be honest, ako po ata iyong pinakalate na nakakita niyan.." Ngumiti at habang nagsasalita, inaalala ko iyong pangyayari noong gabing iyon.

"Ano? Bakit? Sa katunayan ng trending ito number 2 spot ang #SayYesJane." Takang tanong ni Ate Susan

"Anong nangyari sige hija magkwento ka." Dagdag pa ni Ate Mely

"Noong time po kasi na 'yan hindi po ako nakaonline sa kahit anong social media ko. Nalaman ko lang noong tumawag sa akin si Eliza.(tumingin ako sa kanya, at ang loka kinikilig rin habang nag video, tinutok sa kanya iyong camera, tumingin din sila Ate Mely at Susan kay Eliza na parang may makahulugang tingin.) tapos po pag open ko ang dami ng tag at questions sa social media acct ko na iyon. Shocking ako kasi hindi ko alam kung sasagutin ko nab a o hindi." Kwento ko sa kanila

"so hindi mo pa sinasagot?" Patanong na sabi ni Ate Susan

"aaaayyy!!!!!! So kailan mo sasagutin." Tanong ni Ate Mely.

"Waiitt mga kachika bibitinin muna naming kayo, at sa pagbabalik ano kaya ang isasagot ni Jane kay Marco. We will be right back." Sabi ni Ate Susan na may pabitin.

I'm His GirlWhere stories live. Discover now