"Last Game"
Hola, readers! So, kanina lang pala to nangyari, di ko alam kung totoo ba talaga yung nangyari kanina kasi parang di kapani-paniwala e.
Isa nga pala akong dota 2 player, may kaibigan akong may binentang account sa dota, kaya nung nalaman ko yun, binili ko yung account na yun (which is kanina lang)
(3:00pm) Nag-meet kami sa computer shop at naglaro kami ng dota, last game lang daw.
(5:30pm) nung tapos na kami bumili kami ng sigarilyo at plano naming tumambay muna dun sa kanto, nung nakarating na kami sa kanto, sinabi nya sakin na babalik lang daw sya dun sa computer shop kasi may naiwan daw, kaya ayun, naghihintay ako. (sanay naman ako e. Charot hahaha)
Ilang minuto na ang lumipas di parin sya bumalik kaya pumunta na din ako sa computer shop, baka kasi naglalaro ulit, baka niloko ako. (palagi na kasi akong niloko. Charot ulit hahaha)
Pero nung dumating ako dun sa coputershop, wala sya dun, nagtataka ako kasi nakita ko siyang pumasok ulit kanina lang e, tapos inabangan ko pa, pero di ko siya nakitang lumabas, kaya nagtanong ako dun sa bantay kung nakita nya ba yung kaibigan ko, nagtataka ako kung bakit parang nagalit yung bantay, di daw magandang biro yun, naguguluhan na ako, di naman talaga ako nagbibiro kaya sinabi ko sa kanya na di ako nagbibiro, sabi naman nya na kanina lang daw yun namatay yung kaibigan ko, namatay daw sa bangungot, di na daw gumising. Impossible naman yun kasi naglalaro pa nga kami e, kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila at nagulat ako na may lamay dun, maraming tao, pumasok ako dun sa bahay nila at nakita ko yung kabaong ng kaibigan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nakita ko yung katawan nya sa loob ng kabaong, yung nanay nya nandun sa sulok iyak ng iyak, tinanong ko yung ate nya kung anong nangyari, sabi nya binangungot daw, di na nagising.Kaya bakit kami nakakapaglaro pa kanina?
Di naman ako nagiilusyon kasi nabigay nya din yung account kanina sakin, at naibigay ko na yung bayad sa kanya.
Malinaw talaga sakin na nakita ko siya nung mga oras na yun. (di gaya sa kanya, di nya malinaw yung halaga ko. Charot hahaha)So, multo lang ba yung kalaro ko kanina?
Ps. Nilagyan ko ng mga hugot para mabawasbawasan ang takot ko habang nagtatype nito, kinikilabutan kasi ako habang nagtatype nito e.
Pps. Sorry medyo magulo.
V002
Cagayan
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Terrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥