Two

43K 838 23
                                    

Chapter 2
Thief

**

“Call us when you get there, okay? Huwag na huwag mong kalilimutan ‘yong mga bilin ko sa’yo. Alagaan mo ang sarili mo, Zoey. Kapag may problema, tawagan mo agad kami. Don’t forget to call me everyday. Lagi kang kakain sa tamang oras at huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom. Eat healthy, okay? Baka kung ano-ano naman ang kainin mo—“

Hindi mapigilang matawa ni Zoey habang naririnig niya ang sunod-sunod na bilin sa kanya ng kanyang ina. Noong isang araw pa ito nagbibilin sa kanya para sa magiging bakasyon niya pero hindi pa rin ito tumitigil kahit ngayong paalis na siya. Halos ma-memorize na nga niya ang lahat ng sinasabi nito.

Sinamaan siya ng tingin ng kanyang ina dahil sa pagtawa niya. Tumikhim siya at pinilit na magseryoso kahit na sa totoo lang ay natatawa pa rin siya.

“Zoey, I’m serious. Nakikinig ka ba sa akin? Gusto mo bang huwag na kitang payagang umalis ngayon?” naiinis na sabi nito sa kanya.

“Momma, don’t worry about me. Na-memorize ko na sa utak ko lahat ng sinabi mo. There’s nothing to worry about. I promise I’ll do everything you told me to do. I’ll take care of myself. Huwag kang mag-alala dahil babalik ako rito nang buong-buo at maayos,” sagot niya.

Huminga nang malalim ang kanyang ina bago hinaplos ang kanyang buhok.

“This is the first time you’re going somewhere far alone. Ngayon ko na-realize na tumatanda ka na nga. Dati ang liit-liit mo pa at ayaw mo pang mahiwalay sa amin ng Daddy mo. Ngayon, mas gugustuhin mo pang mag-isa kaysa makasama kami.”

Napasimangot siya dahil sa sinabi nito.

“Momma naman. Don’t make me feel guilty. Hindi naman sa ayoko kayong makasama kaya ako aalis. You already know the reason why I have to do this,” she said. “Besides, hindi lang naman dahil gusto kong makalayo sa mga taong mapanghusga kaya ko ito gagawin. I also want to try to be independent. Alam niyo namang hindi pwedeng habambuhay akong nakadepende sa inyo, ‘di ba?”

Napatango-tango ito. “Sabagay. Darating ang panahon at kinakailangan mo ring bumuo ng sarili mong pamilya. You need to learn and grow more.”

“Exactly.”

Sa bandang huli ay napabuntong-hininga na lang ang kanyang ina at hindi na umangal pa. Nagpatuloy na lang ulit ito sa kanyang mga bilin at wala namang ibang nagawa si Zoey kundi ang makinig na lang kaysa patigilin pa ito.

Nang sa wakas ay matapos ang mga bilin ng kanyang ina ay ichineck naman nito ang kanyang mga dadalhing gamit. Ang totoo niyan, nai-check na nila iyon kagabi pa pero gusto lang talaga nitong makasiguro na wala na siyang nakalimutan kaya hinayaan niya na lang. But deep inside her, she’s thankful because she has a mother like her.

Hindi man niya naramdaman ang pagiging ina ng kanyang tunay na ina, nagpapasalamat siya dahil nakatagpo pa rin ang Daddy niya ng taong sobrang magmamahal sa kanila. For Zoey, her stepmother is the best mother in the world.

Nang masigurong maayos na lahat ay tinulungan siya ni Jasper na ilabas ang mga gamit niya at ilagay sa sasakyan. Si Jasper na rin ang maghahatid sa kanya sa airport dahil nagprisinta ito nang nagdaang gabi. Nasa legal age naman na ito para mag-drive. Pumayag na lang siya dahil hindi naman siya maihahatid ng Daddy nila dahil nasa trabaho na ito. Pero bago ito pumasok sa trabaho kanina ay nakapagpaalam na sila sa isa’t isa. Of course, binigyan din siya ng maraming bilin ng Daddy niya bago ito umalis.

After saying goodbye to Sofia and her mother, they immediately went to the airport to catch her flight. Medyo maaga pa naman kaya sigurado siyang makararating sila agad.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon