Thirty-Nine

26K 465 6
                                    

Chapter 39
Okay

**

“Are you really sure about this, Zoey? You can still back out if you want. If you’re still not ready, we can reschedule this next time.”

Zoey sighed before shaking her head. Nakapagdesisyon na siya. Hindi na niya iyon babawiin dahil tingin niya ay hindi na ulit mangyayari pa ang bagay na ito.

“It’s okay, Dad. I can handle this,” she replied. Tumingin siya sa bintana at inaliw na lamang ang sarili sa mga tanawin.

Ngayong araw na ito naka-schedule ang pagbisita at pagkausap ni Zoey sa kanyang tunay na ina. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Nicko, nakapagdesisyon siyang kausapin na nga ang kanyang ina dahil gusto na rin niyang matapos ang lahat.

Kasama niya ang kanyang ama sa pagbisita. Hindi rin naman niya kayang kausapin ang kanyang ina nang mag-isa kaya nagpasama siya sa kanyang ama. Maliban pa roon, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang masamang panaginip niya noong isang gabi. Natatakot siyang baka maging totoo iyon.

Sa totoo lang, hindi pa rin alam ni Zoey kung kaya na nga ba talaga niyang patawarin nang tuluyan ang kanyang ina. Pero sa oras na makita at makausap niya ito mamaya, gagawin niya ang sinabi ni Nicko sa kanya. Gusto niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya sa kanyang ina para malaman nito kung ano ang pinagdaanan niya sa mga nakalipas na taon.

Lihim na nga lang niyang ipinagdadasal na sana ay maging maayos na ang lahat pagkatapos ng araw na ito. Ipinagdarasal niya na sana ay tuluyan nang maging payapa ang puso niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na nga sila sa kulungan kung saan nakakulong ang kanyang ina. Huminga muna siya nang malalim bago sumunod sa kanyang ama.

Hinayaan ni Zoey na kausapin ng kanyang ama ang mga tao na naroon. Pagkatapos no’n ay dinala sila ng ng isang pulis sa visiting area. Bago sila pumasok sa loob ay hinarap muna siya ng kanyang ama.

“Sigurado ka na ba talagang ito ang gusto mo, Zoey?” tanong nito.

Tipid siyang ngumiti. “Yes, Dad. Handa na po ako. Basta… huwag mo lang po akong iiwang mag-isa kasama siya.”

“Don’t worry. I’ll stay with you. May mga pulis din namang nakabantay kaya hindi mo kailangang matakot,” sagot ng kanyang ama.

Matapos iyon ay tuluyan na nga nitong binuksan ang pinto. Pagpasok nila ay agad na tumambad sa kanila ang dalawang pulis na nakabantay sa loob at isang babaeng nakaupo sa isang mesa. Nang makita nito ang pagpasok nila ay agad itong tumayo.

“Zania,” tawag ng ama ni Zoey sa babaeng naroon.

Tumingin si Zoey sa babae. Kahit na bata pa siya noon, natatandaan pa rin niya ang itsura ng babaeng naging mabuti sa kanya pero sa huli ay siya ring nagtangka sa buhay niya. Medyo tumanda na ang itsura ng babaeng nasa harap niya ngayon pero alam na alam pa rin niya na ito rin ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng buhay niya.

Walang kahit anong reaksyon ang makikita sa mukha ni Zoey habang nakatingin sa babae. Seryoso lamang siyang nakatingin dito. Habang nakatingin si Zoey sa babae ay kitang-kita niya ang pangungulila at pagsisisi sa mga mata nito. Pero kahit na ganoon, ni hindi man lang nakaramdam ng awa si Zoey.

“Zoey… anak… ikaw na ba talaga iyan?” dahan-dahang sabi ng babae.

Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa kanyang ina habang tinititigan siya nito mula ulo hanggang paa.

Hindi alam ni Zoey kung ano ang dapat na maramdaman. Hindi niya rin alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Hindi niya rin alam kung dapat ba niya itong lapitan o hayaan na lamang ito roon.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon