Chapter 40
Luckiest**
After a year and a half…
A lot of things changed after Zoey talked to her biological mother. Mula nang makausap niya ito at patawarin ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Wala na siyang nararamdamang mabigat sa puso niya at sa tuwing naalala niya ang nangyari noon ay hindi na niya iyon dinaramdam.
Wala na rin siyang nararamdamang galit sa tuwing naalala ang kanyang ina. Ni minsan ay hindi na rin siya binangungot tungkol doon. Mukhang nakatulong nga ang paglalabas niya ng sama ng loob sa kanyang ina para mabawasan na ang bigat sa puso niya.
Maliban pa roon, nagkaroon din ng kaunting pagbabago sa kanyang pag-uugali. May mga pagkakataong nasusungitan at napapagalitan pa rin niya ang iba pero minsan ay napagpapasensyahan na niya ang mga ito. Kung dati ay hindi niya nagagawang bumati pabalik sa mga taong bumabati sa kanya, ngayon ay siya pa mismo ang unang bumabati sa kanila. Nagagawa na rin niyang ngitian ang mga taong nakakasalubong niya.
Some people started to wonder what happened to her. Marami ang nagtaka sa pagbabago niya pero hinayaan lamang ni Zoey na magtaka ang lahat. Mayroon namang hindi pa rin tumitigil sa panghuhusga sa kanya pero wala na siyang pakialam pa roon.
Hinayaan na lamang niya ang mga tao sa mga iniisip nila tungkol sa kanya dahil alam niyang kahit naman anong gawin niya ay iisipin pa rin ng mga ito ang gusto nilang isipin. Para sa kanya, hindi niya kailangang i-defend ang sarili niya sa iba dahil kahit anong gawin niya, huhusgahan pa rin siya ng mga ito. Manahimik man siya o hindi, mayroon pa ring masasabi ang mga ito tungkol sa kanya.
Naging maayos naman ang relasyon nina Zoey at Nicko sa nakalipas na taon. May mga pagkakataong nagkakatampuhan sila pero bago matapos ang araw ay sinisiguro nilang maayos na sila. Dahil parehas silang may tungkulin sa kanilang pamilya, paminsan-minsan ay wala na silang oras para magkita. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin nila nakakalimutang kumustahin ang isa’t isa. Kahit hindi sila nagkikita, parehas pa rin nilang naipaparamdam ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Sa nakalipas na taon, ipinaramdam ng pamilya ni Zoey kay Nicko kung gaano ito ka-welcome. Tuwing Biyernes ay inaanyayahan nila si Nicko na mag-dinner sa kanila na pinauunlakan naman nito. Because of that, Nicko felt like he’s already a part of their family.
It’s Friday. Sinundo ni Nicko si Zoey sa opisina nito para sabay na silang pumunta sa bahay ng mga Valderama. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay naabutan nila si Jasper na nakaupo sa sala habang nakatutok sa cellphone nito.
Umupo si Zoey sa tabi nito dahil sa pagod samantalang si Nicko naman ay umupo sa pang-isahang upuan. Nilingon ni Zoey si Jasper at tinanong.
“Where are they? Bakit parang ang tahimik?” tanong niya.
“Mom’s upstairs. Dad is still in the office. Sofia is inside her room, doing her project,” he answered without looking away from his phone.
Napakunot-noo si Zoey nang makitang tutok ito sa ginagawa. Sinubukan niyang silipin iyon pero agad din nito iyong inilayo. Mas lalo siyang napakunot-noo.
“Ano ba iyan? May ka-text ka?” tanong niya.
“Tss! Wala ito,” sagot nito habang tutok pa rin sa cellphone.
“Sino ba iyang ka-text mo?” tanong niya pa saka napangisi. “Siguro may nililigawan ka na, ‘no? Seryoso na ba iyan? Hindi na laro lang? Binata na ba ang baby brother ko?”
Sinamaan siya nito ng tingin. “Ano ba iyan, Ate? Matanda na ako. Stop calling me a baby.”
Tinaasan niya ito ng kilay.
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...