Twenty-Six

23.8K 491 65
                                    

Chapter 26
Force

**

Pagod na napasalampak si Zoey sa kanyang kama at napapikit. Isang oras din ang inabot niya sa pag-aayos ng mga gamit niya at ngayon lang siya natapos.

Nilingon niya ang maleta at dalawang bag na inayos niya kanina. Maliban sa mga gamit na dala niya noong nagpunta siya rito sa Ilocos, nadagdagan pa iyon ng isa pang bag na ang laman ay puro pasalubong na iuuwi niya sa Manila.

After everything that happened, she decided to go back to Manila tomorrow. Sa tingin niya ay iyon lang ang tanging paraan para layuan na siya nang tuluyan ni Nicko at para rin makalimutan na nila ang isa’t isa. Alam niyang babalik din ito sa Manila sa susunod na mga araw dahil naroon ang Daddy nito pero naisip na lang niya na imposibleng magkita pa sila roon.

Ilang minuto ring pinag-isipan ni Zoey ang desisyon niyang iyon. May dalawang linggo pa dapat siyang mananatili sa Ilocos pero dahil natatakot siyang masaktan pa niya lalo ang damdamin ni Nicko ay nagpasya siyang umuwi na sa kanila. Maliban pa roon, masakit na rin para sa kanya na nasa iisang lugar sila ng lalaki pero hindi naman nila malapitan ang isa’t isa.

Her parents and siblings still don’t know that she’s coming home. She’s planning to surprise them. Though ang alam ng kanyang mga kapatid ay may dalawang linggo pa siya sa Ilocos, magdadahilan na lang siya na nami-miss na niya sila para hindi na magtanong pa ang mga ito.

Medyo nababahala nga lang siya dahil siguradong magtatanong ang kanyang mga kapatid tungkol kay Nicko. Nagkakamabutihan na sila nang bumisita at umalis ang mga ito kaya siguradong kukumustahin sila ng mga ito. Kung sakali mang mangyari iyon, wala siyang magagawa kundi ang sabihin sa kanila ang mga nangyari.

Natigilan si Zoey sa pag-iisip tungkol sa pag-alis niya bukas nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Inabot niya iyon at tiningnan kung sino ang nag-text. Hindi na siya nagulat nang makita ang pangalan ni Nicko sa screen.

Nitong mga nakaraang araw ay ilang beses na siyang tinext ni Nicko. Binabasa niya iyon pero hindi siya nagre-reply. Ang madalas na laman ng text nito ay ang kagustuhan nitong makausap siya at ang mga tanong nito kung bakit bigla na lang nagbago ang isip niya. Minsan naman ay paulit-ulit lang nitong sinasabi kung gaano siya nito kamahal at minsan naman ay humihingi ito ng tawad kahit na ang totoo ay wala naman itong ginawang kasalanan.

Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang message nito at binasa.

From: Nicko
I’m outside your house. Can I talk to you for a sec? Please?

As usual, he’s outside waiting for her. Nitong mga huling araw ay ganoon ang ginagawa nito pero ni minsan ay hindi niya ito pinaunlakan. Matiyaga itong maghihintay sa kanya sa labas pero sa huli ay bigo itong uuwi sa kanila nang hindi siya nakakausap. Sa tuwing nakaalis na ito, saka pa lamang lalabas si Zoey para panoorin itong umuwi sa kanila. Kapag sigurado nang nakauwi ito sa kanila, saka pa lamang siya papasok sa loob ng bahay para umiyak nang umiyak.

Tinitigan ni Zoey ang text ni Nicko sa kanya. Parang gusto niya itong puntahan sa labas ngayon para kausapin. Tutal naman ay uuwi na siya bukas, siguro ay ayos lang na makita niya ito at makausap kahit na sa huling pagkakataon.

Huminga siya nang malalim bago tumayo para ayusin ang kanyang sarili. Nang masiguro niyang ayos na siya ay lumabas na siya ng kanyang kwarto at dumiretso sa labas.

Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang nakita ang biglang pagtayo ni Nicko mula sa pagkakaupo nito roon. Halata sa mga mata nito ang gulat nang makita siya at ang pag-aliwalas ng mukha nito.

Zoey looked away. She knows that after this talk, she’s going to hurt him again.

“Zoey…”

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon