Sixteen

27.6K 614 10
                                    

Chapter 16
Like

**

Today is Lola Aura’s birthday. Ilang araw na rin ang nakalipas at wala namang ibang ginawa si Zoey kundi ang tumulong kina Charm na makapaghanda para sa birthday ni Lola Aura.

Hindi na ulit sila nakalabas ni Nicko mula noong nanggaling sila sa rock formations dahil naging busy na rin ang binata. Maliban kasi sa pagtulong nito sa paghahanda para birthday ng lola nito, tinawagan ito ng kanyang ama at may ipinagawa na may kinalaman sa kanilang kompanya.

Wala namang reklamo si Zoey dahil kahit papaano ay naging close siya sa kanilang pamilya. Dahil madalas siyang nasa bahay nina Charm para tumulong sa birthday preparations ay mas naging close siya sa kanilang mag-pinsan lalo na kay Nicko. May mga pagkakataon ngang nagagawa na nilang mag-asaran.

Nang sumapit ang araw ng birthday ni Lola Aura ay maagang nagising si Zoey. Maghahanda kasi siya ng pagkain na dadalhin niya mamaya sa bahay ng mga ito para maidagdag sa handa ni Lola Aura. Alam din iyon nina Charm at Nicko dahil sinabi niya iyon.

Dahil alas tres ng hapon pa naman ang simula ng party ay nagpasya si Zoey na magluto bago mag-tanghalian. Magbibihis pa kasi siya pagkatapos kaya mas mabuting tapos na niyang gawin ang lahat. Susunduin siya mamaya ni Nicko para tulungan siyang dalhin ang mga pagkaing ihahanda niya.

As part of Zoey’s every day routine, she called her Momma and told them what she’s going to do today. Nabanggit niya noong nakaraan na inimbatahan nga siya ni Lola Aura sa birthday nito kaya alam ng mga itong ngayon ang araw na iyon. After talking to her Mom and Dad, she turned down the call and focused on eating her breakfast.

Pagdating ng tanghalian ay hindi na siya kumain dahil medyo busog pa siya sa kinain niyang breakfast. Inihanda na niya ang mga ingredients na gagamitin niya para sa pagluluto. She’s planning to cook cordon bleu and lasagna. After making sure that she has all the ingredients, she started cooking.

Nang matapos naman siyang magluto ay iniwan na muna niya iyon sa kusina. Tiningnan niya muna ang oras at napansing may higit isang oras pa siya para mag-ayos. Mabilis na siyang kumilos para maligo at magbihis.

Baby pink na dress ang kanyang napiling suotin na tinernuhan niya ng kanyang cream colored flat shoes. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok niya na nilagyan niya ng hairpin. Light na make-up lang ang nilagay niya sa kanyang mukha para mas magmukha siyang presentable. Nang natapos siya sa pag-aayos ay kinuha na niya ang cellphone niya saka lumabas ng kwarto.

Dumiretso siya sa kusina para iayos ang dadalhin niyang pagkain. Sakto namang tumunog ang doorbell kaya agad siyang naglakad papunta sa sala para buksan iyon. Tumambad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Nicko.

“Hi,” he greeted.

Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang ayos ni Nicko. He looks so handsome in his light blue button-down shirt folded through his elbows. His hair is slightly disheveled which makes him look handsome.

“You look gorgeous,” he said. Napakurap si Zoey nang marinig iyon. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya kaya tingin niya ay namumula na siya ngayon.

“Um… thanks,” she replied. “Ikaw rin. You look good.”

“Good lang?” nakasimangot nitong sabi. Zoey rolled her eyes.

“Fine. Ang gwapo mo,” aniya na ikinatawa naman ni Nicko. She smiled and opened the door wide to let him in. “Nasa loob ‘yong mga pagkain. May mga tao na ba sa inyo?”

Pumasok sila sa loob at dumiretso sa kusina.

“Only Lauren and her family. Pero maya-maya lang darating na rin ang mga bisita. Excited na nga si Lola na makita sila ulit. Ngayon na lang kasi niya ulit makikita ang mga kaibigan niya,” sagot nito.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon