Chapter 30
Girlfriend**
“Can I ask you something?” Zoey asked while leaning on Nicko’s chest.
After making love, they decided to fix themselves and cuddle on the couch. Nakahiga sila ngayon sa couch ng kanyang office habang nakatalikod siya at nakayakap naman ito sa kanya. Kanina pa sila tahimik hanggang sa maisipan niyang kausapin ito.
“What is it?” Nicko asked.
“Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na kilala mo pala ako noong una pa lang?”
“Akala ko kasi alam mong kilala kita. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na akala mo ay hindi kita kilala. I mean, you’re the Valderama heiress. You should know that everybody knows you. Besides, I am in the business industry, too. I also live in Manila. Sa araw-araw kong panonood ng news at pagbabasa ng mga news articles online, imposibleng hindi kita makikilala. Maliban pa roon, kilala ni Lola Aura ang Daddy mo. Hindi naman pwedeng kilala niya lang ang Daddy mo dahil sa pangalan.”
Napatango-tango siya. May bigla namang sumagi sa isip niya na itinanong nito noong unang beses na nagpasama siya ritong matulog.
“If you already know that I’m the Valderama heiress, then you already know what happened to me when I was a kid, right? Kung ganoon, bakit tinanong mo pa ako noon kung ano ang dahilan ng pagka-trauma ko noong bata ako?” tanong niya.
“I know about it but not the whole story. Tinanong ko iyon sa’yo dahil gusto kong malaman ang buong kwento. Marami akong naririnig na mga kwento tungkol doon pero hindi ko na alam kung ano ang totoo. That’s why I decided to ask you that.”
Napanguso siya. “I’m sorry if I didn’t answer you that time. Mula kasi noong nangyari sa akin iyon, hindi ko na gustong balikan pa ang alaalang iyon. Totoong maraming kumalat na kwento tungkol sa nangyari noon pero karamihan ay gawa-gawa lang naman. Hindi na ako magtataka kung maniniwala ka sa mga istoryang iyon.”
Naramdaman niya ang pag-iling nito sa kanyang likod at ang paghalik nito sa kanyang buhok.
“I won’t. I’ll believe whatever you say. Curious ako kung ano nga ba talaga ang nangyari noong bata ka pero hindi kita pipilitin kung talagang ayaw mo nang balikan pa ang alaalang iyon. Hihintayin ko na lang hanggang sa kaya mo nang sabihin sa akin,” sagot nito.
Tumango siya at may bigla na namang naalala.
“By the way, bakit parang hindi mo ako kilala noong unang beses tayong nagkita? You even asked me if I was Zoey.”
“I was just making sure if it’s you. Iba kasi ang itsura mo sa TV or sa mga magazines kaysa sa personal. You were even beautiful in person,” he replied.
Napangiti siya sa sinabi nito. Gumalaw siya para harapin ito at yakapin. Tiningala niya ito at tinitigan nang diretso.
“Thank you. And I’m sorry for hurting your feelings. I’m sorry if I decided to leave without saying goodbye. Sorry kung nagdesisyon na lang ako bigla nang hindi ko man lang inaalam kung ano ang pwede mong maramdaman. Sorry kung nagdesisyon ako na lumayo dahil akala ko hindi mo ako matatanggap. Akala ko kasi tulad ka rin ng iba. Akala ko huhusgahan mo rin ako at lalayuan tulad nila kaya bago pa man mangyari iyon, inunahan na kita. I’m so sorry for doing that,” she said.
“I’m not like them, Zoey, and I’ll never be like them,” he said. “Mula ngayon, proprotektahan kita mula sa kanila. But you have to promise me that you’ll tell me everything. I want to know everything, Zoey. If they hurt you, you have to tell me. I want to know your pain, your feelings, everything that I need to know. If people don’t treat you right, then I’ll take care of you. If they said some bad things behind your back, then I’ll tell you how lovable you are.”
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...