Ten

29.7K 692 25
                                    

Chapter 10
I Love You

**

Kinausap pa muna sila ng mga pulis tungkol sa lalaking nang-holdup kay Zoey kanina. Ikinuwento niya sa mga pulis kung ano ang nangyari at nagsampa na rin sila ng kaso laban sa lalaki. Pagkatapos nilang makipagtulungan sa mga pulis ay umalis na sila para umuwi.

Gabing-gabi na at alam nilang aabutin na sila ng madaling-araw sa daan. Mabuti na lang at naisipan ni Nicko na tawagan si Charm para ipaalam na gagabihin na sila. Hindi na lamang nito sinabi kung ano ang nangyari dahil baka mag-alala pa ito lalo na si Lola Aura. Sinabi na lang nito na napasarap sila sa pamamasyal at hindi na nila namalayan ang oras.

Tahimik lang sila habang nasa biyahe. Pagkatapos yakapin ni Zoey si Nicko kanina ay hindi na niya alam ang gagawin. Mabuti na lang at kinausap sila ng mga pulis kaya hindi na niya nagawang harapin ang binata.

But now that they're all alone, she suddenly feels awkward. Alam naman niya ang ginawa niya kanina. Niyakap niya si Nicko dahil iyon ang paraan niya ng pagpapasalamat sa pagligtas nito sa buhay niya. Maliban pa roon, niyakap niya ito dahil pakiramdam niya ay nakahinga siya nang maluwag matapos mahuli ang lalaki. Pero pagkatapos niya itong yakapin ay bigla siyang nakaramdam ng hiya.

Ang totoo niyan, noon lang nakaramdam ng ganoong klaseng hiya si Zoey. Dati naman ay hindi siya nahihiya sa kahit sino. Kahit na minsan ay dapat siyang mahiya dahil sa isang bagay na nagawa niya, ipinagkikibit-balikat na lamang niya iyon at sa isip niya ay wala na siyang pakialam. Ang mga tao pa nga ang nahihiya sa kanya kapag ganoon.

But now, hindi niya alam kung saan nanggaling ang hiya niya kay Nicko. Inisip na lang niya na kaya siya ganoon ay dahil dalawang beses na siyang iniligtas nito. Kahit papaano ay nahihiya siya sa kabaitan nito samantalang ilang beses niyang tinarayan ang lalaki noon.

Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong si Nicko kung bakit niya ito niyakap kanina. Kapag nagtanong ito ay pwede naman niyang sabihin ang totoong dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Iyon nga lang, nahihiya pa rin siya sa ginawa niya kaya mas mabuti para sa kanya kung hindi na lang ito magtatanong.

Gusto sanang matulog ni Zoey sa biyahe pero hindi niya magawa. Bigla kasi siyang nakaramdam ng gutom kaya mas nag-focus ang utak niya doon. Naalala niyang hindi nga pala sila nakapag-dinner bago bumiyahe.

Nilingon niya si Nicko para sana yayain itong dumaan muna sa isang kainan para makakain sila pero bago pa man niya iyon magawa ay bigla na lang niyang narinig ang pagtunog ng tiyan niya. She saw Nicko glanced at her. Alam niyang narinig nito ang pagtunog ng tiyan niya kaya napaiwas siya ng tingin dahil sa kahihiyan. Umupo siya nang diretso at tumingin na lang sa bintana na parang walang nangyari.

Narinig niya ang pagtikhim ni Nicko pero hindi niya ito nilingon.

"Are you hungry?" he asked. Umiling siya habang nakatingin pa rin sa bintana.

"No. I'm fine," she replied. Gaga ka! Anong hindi gutom? Sinungaling kang babae ka, pagalit niyang sabi sa sarili.

Hindi naman sumagot si Nicko kaya akala niya ay binalewala na siya nito. Napakunot-noo siya at hindi niya maiwasang mainis. Naniwala ba ito sa kanyang sinabi na ayos lang siya at hindi siya gutom? Babalewalain lang ba nito ang pagtunog ng tiyan niya at hahayaan siyang magutom hanggang sa makauwi sila?

Napasimangot na lang si Zoey pero hindi na nagreklamo. Gusto sana niyang kainin ang mga binili nilang pagkain kanina pero pinigilan niya ang sarili. Baka kasi ayaw ni Nicko na may kumakain sa loob ng sasakyan nito. Ayaw naman niyang magalit ang lalaki sa kanya.

Nagulat na lang siya nang dumaan sila sa drive-thru ng isang fast food chain na nadaanan nila. Nang huminto sila para mag-order ay sabay pa silang napalingon sa isa't isa.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon