Chapter 9
Thank You**
Hindi na nila muling napag-usapan ang tungkol sa ina ni Zoey hanggang sa makarating sila sa Vigan. Nanatili na lamang silang tahimik sa biyahe at tanging ang music na lamang ang bumabasag sa katahimikan nila.
Ipinagpapasalamat ni Zoey na maaga silang umalis ng bahay dahil inabot sila ng tatlong oras bago nakarating sa Vigan. Mas maganda nga sana kung mas maaga silang nakarating pero para sa kanya ay ayos na rin iyon.
Sa Calle Crisologo sila nagpunta para maglakad-lakad. Sa paglalakad nila ay hindi maiwasang mamangha ni Zoey sa ganda ng lugar. Marami silang mga nadaanang nagtitinda ng mga pagkain at gamit na sikat sa Ilocos. Gusto sana niyang mamili pero masyado pang maaga para roon.
Sa bawat madaanan nila ay panay ang kuha ni Zoey ng pictures. Kahit ang mga bahay na nadadaanan nila ay hindi niya pinapalagpas. Paminsan-minsan ay ibinibigay niya kay Nicko ang camera niya para ito ang kumuha ng solo pictures niya.
Nawili si Zoey sa pagmamasid sa paligid kaya hindi na nila namalayan ang oras. Nagulat na lang siya nang bigla siyang yayain ni Nicko para mananghalian. Doon niya napagtanto na tanghali na pala.
“Let’s eat first. Marami pa tayong pwedeng puntahan dito. There are museums here, too. Baka mapagod tayo pareho mamaya kaya kailangan natin ng lakas,” sabi ni Nicko sa kanya.
Pumayag na lang siya dahil kahit papaano ay gutom na rin naman siya. Mas lalo pa siyang nagutom nang makaamoy ng pagkain na hindi niya alam kung saan nanggagaling.
Nicko brought her to a restaurant called Café Leona. Hinayaan na rin niya na ito ang um-order ng pagkain para sa kanya dahil hindi naman niya alam kung ano ba ang masarap kainin doon. Nicko ordered pinakbet and bagnet for their lunch which Zoey really liked. Nicko also made her taste the longganisa pizza which is made up of Vigan longganisa instead of pepperoni or ground meat. Busog na busog si Zoey nang matapos silang kumain. Nag-take out pa nga siya ng longganisa pizza para may makain siya pag-uwi.
Nang matapos silang kumain ay nagpatuloy na sila sa pamamasyal. Dahil nagpapababa pa sila ng kinain, nagpasya silang sumakay ng kalesa para rin hindi sila mapagod sa paglalakad.
Calle Crisologo is a place where you can find the old architectural structures built in the Spanish era. It is surrounded with souvenir shops, cafes and hotels. You can even buy some delicacies and hand-woven items that are famous in Ilocos.
Zoey took her time taking pictures of the old houses and items she saw. Ni hindi na niya halos kinausap si Nicko dahil nag-e-enjoy siya sa pagtingin sa paligid. Sa tingin naman niya ay naiintindihan siya ni Nicko dahil ito ang unang beses na nakapunta siya sa lugar.
Pagkatapos nilang sumakay ng kalesa ay dinala naman siya ni Nicko sa Syquia Mansion. It is the place where you can find some memorabilia of President Elpidio Quirino. According to Nicko, the house was owned by President Quirino’s wife, Doña Alicia Quirino. May mga sinabi pa si Nicko tungkol sa lugar at wala namang ibang ginawa si Zoey kundi ang tumango-tango. Kahit papaano ay pumapasok naman sa utak niya ang mga sinasabi nito.
After their tour inside Syquia Mansion, they decided to take another stroll on the street. Marami pa silang nadaanan na mga hotels, inns, and restaurants doon. Humihinto sila paminsan-minsan para kumuha ng picture lalo na sa mga makalumang bahay. Nagkaroon pa nga sila ng maliit na away dahil pinilit niya si Nicko na kuhanan ito ng picture.
“Come on! Isang picture lang naman, eh. Bakit ba ayaw mo?” tanong niya kay Nicko.
“I’m not comfortable with it. What are you going to do with my picture anyway? Baka maging panira lang iyan sa camera mo.”
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...