Thirty-Seven

25.9K 520 8
                                    

Chapter 37
Babies

**

Tulad ng nakaraang araw, mabigat pa rin ang pakiramdam ni Zoey nang magising kinabukasan. Pakiramdam nga niya ay mas mabigat ngayon dahil mas lumala ang hindi nila pagkakaintindihan ni Nicko. Kanina pa siya gising pero hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang nakahiga.

Ngayong medyo maayos na ang isip niya, na-realize niya kung gaano ka-immature ang ginawa at mga sinabi niya kahapon. She now knows that everything is her fault. It’s also her fault that Nicko got mad at her. She made him say those things to her.

Pero kahit na aminado siyang kasalanan niya ang lahat, hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa mga sinabi nito. Hindi tuloy niya alam kung dapat na ba niya itong kausapin ngayon o hindi pa. Hindi nga rin niya alam kung kakausapin pa nga ba siya nito o hindi. Ni hindi nga siya nito hinabol kahapon pagkatapos niyang umalis.

Natigilan siya sa pag-iisip nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa kanyang pinto.

“Zoey? Are you awake?” she heard her mother asked.

Bumangon siya. “Yes, Mom. Bababa na po ako.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos. Nang matapos siyang mag-ayos ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba sa kusina.

Naabutan niya roon ang kanyang mga magulang at mga kapatid na kasalukuyan nang kumakain. Nang makita siya ng kanyang ina ay agad na siya nitong tinawag.

“Umupo ka na rin at kumain,” sabi nito. Tumango siya saka umupo sa tabi ni Jasper.

“Masama ba ang pakiramdam mo, Ate? Ang aga mong natulog kagabi, eh,” tanong ni Sofia.

Kinuha niya ang tinapay saka naglagay ng palaman doon. “Hindi. Pagod lang ako kaya natulog ako agad.”

Tumango lang si Sofia at hindi na nagtanong. Napansin niya ang pagsulyap sa kanya ni Jasper pero wala naman itong sinabi.

“By the way, Zoey, nagpunta si Nicko rito kagabi kaso tulog ka na,” biglang sabi ng kanyang ina na ikinagulat niya.

“Nagpunta po siya rito?”

Tumango ito. “Oo. Balak ka nga sana niyang kausapin kaso tulog ka naman na. Pinayagan na lang namin siya ng Daddy mo na pumasok sa kwarto mo para tingnan ka. Tawagan mo na lang siguro siya mamaya.”

Tumango na lang siya bilang sagot. Tinitigan siya ng kanyang ina saglit pero wala naman itong sinabi. Pero sa tingin pa lang nito ay mukhang alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Mukhang alam ng kanyang mga magulang na nagkatampuhan sila ni Nicko.

Pagkatapos kumain ay bumalik na muna siya sa kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang sunod-sunod na mensahe mula kay Nicko. Mukhang kagabi pa ito nagte-text sa kanya.

From: Nicko
I’m so sorry, my queen. I didn’t mean to say that. I love you.

From: Nicko
Please… talk to me.

From: Nicko
I understand if you still don’t want to talk to me right now. But please know that I love you… no matter who you are. I’ll wait for you, always. I’m sorry. I love you.

Ilan lang iyon sa mga texts sa kanya ni Nicko. Binasa pa niya ang iba pa pero hindi siya nag-reply. Nang matapos siyang basahin lahat ay tumayo siya at nag-ayos.

Nagpasya siyang puntahan si Nicko sa kanila dahil ayaw na niyang tumagal pa ng ilang araw ang away nila. Mas gusto niyang maging okay na sila dahil kahit dalawang araw pa lang na hindi sila magkaayos ay miss na miss na niya ito.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon