Chapter 36
Trust**
Mabigat ang pakiramdam ni Zoey kinabukasan nang magising siya. Ang unang sumagi sa isip niya ay ang naging tampuhan nila ni Nicko kahapon. Now that she’s not mad anymore, she felt guilty about the way she treated him last night.
Nang buksan niya ang cellphone niya ay nakita niyang mayroong message si Nicko roon. Mukhang kagabi pa iyon dahil sa oras na nakalagay. Agad niya iyong binasa.
From: Nicko
Just got home. Ngayon ko lang din nabasa ang mga texts mo. I’m really sorry, my queen. I love you.Napabuntong-hininga siya matapos iyong mabasa. Hindi na lamang siya nag-reply dahil mas gusto niyang makausap ito ng personal. Nagpasya siyang bumangon na at mag-ayos para pumasok sa trabaho. Mamaya na lang siguro niya kakausapin si Nicko kapag nagkita sila.
Tulad ng dati, sumabay siya sa kanyang ama sa pagpasok. Hindi na siya nagdala ng sasakyan kahit na wala naman silang usapan ni Nicko na susunduin siya nito. Kung sakali mang makapag-usap sila mamaya ay saka siya sasabay ritong umuwi. Pero kung hindi ay sasabay na lang ulit siya sa kanyang ama.
Nagpaka-busy si Zoey sa pagtatrabaho nang araw na iyon. Hindi naman nagte-text o tumatawag si Nicko sa kanya kaya naisip niyang baka akala nito ay galit pa siya. Napaisip tuloy siya kung kumusta na ito.
Nang hindi na siya makatiis ay nagpasya siyang mag-half day na lang para puntahan si Nicko sa kanilang kompanya. Naisip niyang sorpresahin ito kaya hindi na niya ito tinext o tinawagan. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit ay lumabas na siya sa kanyang opisina.
Naabutan niya ang kanyang sekretarya sa desk nito nang lumabas siya. Mukhang busy ito sa ipinapagawa niya kanina. Nang lumabas siya ay napalingon ito sa kanya.
“Ano po iyon, Ms. Zoey? May kailangan po kayo?” tanong nito.
Umiling siya. “Wala naman. Magha-half day ako ngayon. Kapag may naghanap sa akin, pakisabi na lang na may importanteng meeting na pinuntahan. Kapag si Dad ang naghanap sa akin, pakisabi na lang na tawagan niya ako. Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya.”
“Sige po. Ingat po kayo, Ms. Zoey.”
Tumango lamang siya pagkatapos ay dumiretso na sa elevator. Nag-taxi na lang siya dahil wala rin naman siyang dalang sasakyan.
Hindi naman ganoon kalayo ang kompanya nina Nicko. Makalipas lang ang kalahating oras ay nakarating na siya roon. Pagbaba niya ng sasakyan ay tinitigan niya ang labas niyon. Unang beses niyang nakapunta roon kaya pinakatitigan niya iyon.
Kung ikukumpara sa kanilang kompanya ay mas malaki pa rin ang sa kanila ng kaunti. Siguro ay mas mataas lang ng dalawang palapag ang JVP kaysa kina Nicko.
Matapos niyang tingnan ang labas ay pumasok na siya sa loob. Agad siyang dumiretso sa reception para itanong kung nasaan ang office ni Nicko.
“Excuse me,” tawag niya sa babaeng naroon.
“Yes, Ma’am? How can I help you?”
“I’m Nicko’s girlfriend. Nandito ba siya?” tanong niya sa babae.
“Girlfriend? Ah! Ikaw po ba ‘yong nababalitaang girlfriend ni Sir Nicko? Ikaw po ba si Ms. Zoey? The Valderama heiress?”
Napakunot-noo si Zoey sa tanong nito pero tumango siya. Hindi niya alam na may kumakalat palang balita tungkol sa kanila ni Nicko.
“Yes. Um… is he here?” she asked.
Ngumiti ang babae. “Yes, Ma’am. Nandito po siya. Pasensya na po kung hindi ko po kayo agad nakilala. Medyo may pagkakaiba po kasi ang itsura niyo sa picture at sa personal.”
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...