Eighteen

28.5K 639 26
                                    

Chapter 18
Label

**

Nagising si Zoey dahil sa paggalaw ng kung sino sa kanyang tabi. Hindi niya nagawang idilat agad ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang sakit ng kanyang ulo. Napakunot-noo siya dahil doon.

Naalala niyang uminom nga pala sila nang nagdaang gabi dahil birthday ni Lola Aura. And speaking of last night, she remembered everything that happened after the party.

Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang natutulog na mukha ni Nicko. Mukhang mahimbing pa rin ang tulog nito habang nakayakap sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi.

Bahagya niyang ibinaba ang kanyang tingin para silipin ang ayos nila. Both of them are naked under the sheets. Ramdam niya ang pagdidikit ng mga balat nila lalo na dahil nakayakap sa kanya si Nicko sa mga oras na ito. Ramdam din niya ang pananakit ng kanyang gitna pero parang wala siyang pakialam doon.

Bumalik ang tingin niya sa binata. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kamay para haplusin ang buhok nito. Hindi niya maiwasang mapangiti habang ginagawa iyon.

Kung siya ang tatanungin, hinding-hindi niya pinagsisisihan ang nangyari sa kanila. She wanted it. She wanted him so much. She likes him so much to the point that she’s willing to give herself to him again and again.

Napatigil siya sa pag-iisip nang maramdamang gumalaw si Nicko. Nakakunot ang noo nito nang hinila siya para mas yakapin nang mahigpit. Napangiti na lang siya dahil doon. Mas lumapit pa siya sa binata at niyakap ito pabalik. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito saka ito niyakap nang mahigpit.

Akala niya ay tulog pa rin ang binata pero nagulat siya nang marinig itong bumulong.

“Good morning,” he whispered.

Tumingala siya para tingnan ito. He smiled when their eyes met. She smiled and greeted him back.

“Good morning.”

Nicko pulled her up to touch her face. Zoey saw the adoration in his eyes as they stare at each other. She suddenly wondered if he likes her, too. Parang gusto niyang kiligin dahil sa naisip pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw naman niyang mag-assume. May nangyari man sa kanila, hindi pa rin sapat na rason iyon para isipin niyang gusto rin siya nito. Baka kasi wala namang kahulugan para kay Nicko ang nangyari sa kanila.

Still, she doesn’t regret anything. If it’s going to happen again, she’s still willing to give herself to him.

“How was your sleep?” he asked.

“I slept just fine. I feel a little sore but I’m fine,” she replied.

“So… it happened,” he said. “Do you want to talk about it?”

Hindi siya agad nakasagot. Alam niyang pagkatapos ng nangyari kagabi ay pag-uusapan nila iyon. Sigurado siyang magtatanong si Nicko kung bakit pumayag siyang may mangyari sa kanila.

Hindi naman siya nangangambang walang maisagot dahil alam na alam niya ang sagot doon.

“What do you want to talk about?” she asked. “Do you regret everything that happened?”

He shook his head. “No. It doesn’t even cross my mind a bit. Do you?”

“No. Why would I? I was the one who told you to touch me. I gave you permission to do anything you want with me.”

“I know. I’m just making sure,” he said. “But why, Zoey? Bakit ka pumayag na may mangyari sa atin? Why did you… kiss me? You kissed me first last night, right?”

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon