Chapter 38
Forgiveness**
“Zoey, anak…”
Nanatiling walang reaksyon si Zoey habang nakatingin sa kanyang tunay na ina. Kitang-kita naman sa mga mata ng kanyang ina ang pangungulila at pagsisisi. Hindi nga lang niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa ipinapakita nito o hindi.
Hindi siya nagsalita. Kahit na pumayag siya sa gusto ng kanyang ama na makausap ang kanyang tunay na ina, hindi ibig sabihin no’n ay tatratuhin niya ito nang maayos. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya magawang mapatawad ito dahil ito mismo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya.
“Anak, hindi mo man lang ba ako kakausapin? Kumusta ka na?” tanong nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. “What do you think? After what you’ve done, what do you think happened to me? Do you think I’m okay?”
Napayuko ang kanyang ina at hindi nakasagot. Napangisi si Zoey nang makita ang reaksyon nito. Sa sobrang irita ay hindi na nito napigilan ang kanyang sarili.
“Nakakatawa ka. Pagkatapos ng ginawa mo, tatanungin mo ako ngayon kung kumusta na ako? Tingin mo, masaya ako pagkatapos ng mga nangyari? Tingin mo, naging payapa ang buhay ko pagkatapos no’n? Sige nga. Sa tingin mo, kumusta na ako?” tanong niya.
Hinintay niyang sumagot ito pero nanatili lamang itong nakayuko. Nang sumagot naman ito ay bahagya siyang nagulat sa sobrang kaseryosohan ng boses nito.
“Alam ko. Alam kong buong buhay mo, nahirapan ka dahil sa ginawa ko. Kaya nga kita pinapunta rito, eh. Gusto kong tulungan kang tapusin ang paghihirap mo,” sagot nito.
Sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lamang kinabahan si Zoey. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda. Balak na sana niyang tumayo para iwan ito roon pero bago pa man niya iyon magawa ay narinig niya ang mahinang tawa ng kanyang ina.
Nanlaki ang mga mata ni Zoey nang pag-angat nito ng tingin ay bumungad sa kanya ang mga mata nitong namumula. Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya nang mapansing may hawak ito.
“Dapat matagal ko na itong ginawa kaso lang, nakialam ang lecheng madrasta mo. Mabuti na lang at nauto ko ang ama mo na papuntahin ka rito. Ngayong nandito ka na, tatapusin ko na ang paghihirap mo, anak. Tatapusin na kita!” sigaw nito bago inilabas ang baril na hawak nito kanina pa.
“Zoey!”
Agad na napabalikwas ng bangon si Zoey matapos ang bangungot na iyon. Hingal na hingal siya habang nakakapit ng mahigpit sa kanyang kumot. Nang mag-angat siya ng tingin ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang tingin ng kanyang ama at ina.
“Momma… Dad…”
Agad siyang napayakap sa kanyang ina at napaiyak. Patuloy naman ang paghaplos nito sa kanyang likod habang ang kanyang ama naman ay nakatingin lamang sa kanila. Napapikit siya nang maalala ang bangungot na nagpagising sa kanya.
“What happened, Zoey? We suddenly heard you shouting. Ano ba ang nangyari? Binangungot ka ba?” tanong ng kanyang ina.
Tumango si Zoey saka humihikbing sumagot.
“I saw and talked… to my biological mother… in jail. Then, she… she tried to kill me… again.”
She felt her mother stiffened. Pero maya-maya lang ay napabuntong-hininga ito at nagpatuloy sa paghaplos sa kanyang likod. Nang sulyapan niya ang kanyang ama ay nakita niya ang pagkunot ng noo nito at ang pagkuyom ng kanyang kamao.
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...