Five

33.8K 700 12
                                    

Chapter 5
Best Friend

**

Kinabukasan ay maagang nagising si Zoey para kumain ng breakfast. Nagpasya siyang sa veranda kumain para mapagmasdan ang kagandahan ng dagat sa umaga. Mas ginanahan siyang kumain dahil doon.

Tinawagan niya rin ang kanyang ina nang umagang iyon. Of course, hindi naman niya nakakalimutan ang bilin nitong mag-video call sa kanila araw-araw. Besides, Zoey wanted to hear her family’s voice everyday. Sa ganoong paraan ay baka sakaling maramdaman niya na kahit malayo siya ay kasama niya ang mga ito.

She told them about her plans for the day. She told her father that Nicko will be the one to drive her around Ilocos since that’s what Lola Aura instructed him to do. When she mentioned Nicko’s name, her mother started to interrogate her. Hindi naman siya tanga para hindi ma-realize na kaya siya nito tinatanong tungkol sa lalaki ay dahil gusto niyang mapalapit siya rito.

“Momma, I don’t know him that much. I just met him yesterday. And I’m sorry to disappoint you but I’m not interested in him. He’s not even my type,” she said.

“Why not? Hindi ba gwapo, anak?”

“It’s not that. May itsura naman siya. Ayoko lang talaga sa kanya, okay? Please, huwag mo nang ipilit.”

Her Momma sighed. “Sayang naman. Kailan ka ba kasi magkaka-boyfriend, Zoey? Ang tagal ko nang hinihintay na magka-boyfriend ka, anak. Even your Dad is waiting for you to introduce someone.”

“No, I’m not.” Natawa siya nang makitang nakakunot ang noo ng kanyang ama habang nakatingin sa kanyang ina. Napatingin naman ang kanyang ina rito.

“Huwag ka ngang ganyan, Joseff. Ayaw mo bang makitang nasa mabuting mga kamay si Zoey? Ayaw mo bang makitang settled na siya? Ayaw mo bang magka-apo?”

Natawa siya sa sunod-sunod na tanong ng kanyang ina.

“Of course, I want to. But not now. I told you before that she’s not going to marry anyone until she’s 30.”

Her mother grimaced. “Napakatagal pa no’n, Joseff! Baka maunahan pa siya ni Jasper na mag-asawa!”

“That’s okay. Lalaki naman si Jasper. Dapat lang na mauna siyang mag-asawa.”

“But Zoey’s the eldest.”

Bago pa man magtalo ang mga magulang ay mabilis na sumingit si Zoey sa usapan.

“Mom, Dad, that’s enough. Mag-aasawa naman po ako kapag ready na ako at kapag nahanap ko na ‘yong taong para sa akin. Hindi naman po ako nagmamadali. I’m still trying to enjoy my life,” she said. “Anyway, where’s Jasper and Sofia?”

Her mother was the one who answered. “Sofia is still asleep. Jasper went out to jog. I’ll tell them later that you called.”

Napatango-tango siya. Sumulyap siya saglit sa orasan ng kanyang cellphone at nang ma-realize na kailangan na niyang maghanda para sa paggo-grocery ay nagpasya na siyang magpaalam.

“I have to go now, Mom, Dad. I need to get ready. Maggo-grocery po ako. Baka po dumating na si Nicko,” aniya.

“Oh, okay. Zoey, try to get to know Nicko, okay? Malay mo, magustuhan niyo pala ang isa’t isa, ‘di ba?”

She rolled her eyes. “Mom, I don’t want to.”

“Let her be, hon. She can decide for herself. For now, I don’t want her to get married yet.”

Her mother frowned. “Huwag ka ngang KJ! Manahimik ka diyan. Mag-uusap tayo mamaya.”

Napailing-iling na lang siya dahil sa kanyang mga magulang. Mukhang mag-aaway pa yata ang mga ito dahil sa kanya. Hinayaan na lang niya dahil alam niyang sa huli ay magkakabati rin naman ang mga ito. Well, her father can’t resist her mother. He loves her so much. She can see it in his eyes every time he looks at her mother.

The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon