Chapter 1
Vacation**
"Psst! Umayos ka nga. Nandiyan na si Ms. Zoey."
"Back to work na muna, guys. Ayokong ma-sample-an ng kamalditahan ni Ms. Zoey."
Napansin ni Zoey ang pagtahimik ng paligid nang makarating siya sa gitna ng opisina. Obviously, all the employees are scared of her. Hindi na lamang niya pinansin ang mga bulungang narinig niya dahil halos araw-araw na rin naman niya iyong naririnig.
"Good afternoon, Ms. Zoey."
Iyon ang paulit-ulit na naririnig ni Zoey habang naglalakad siya papunta sa elevator pero ni isa ay wala siyang sinagot. Wala namang magawa ang mga tao sa paligid niya dahil halos sanay na rin ang mga ito sa ugali niya. Kung tutuusin, mas gugustuhin pa nga nila na huwag nang bumati pabalik si Zoey dahil alam nilang baka hindi naman pagbati ang isagot niya sa mga ito kundi puro masasamang salita.
Iyon ang tingin ng mga tao sa kanya. Maldita, masama ang ugali, at walang pakialam sa kahit na sino. Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Zoey at diretsong naglakad papunta sa elevator para puntahan ang kanyang ama.
The moment she stepped inside her father's office, the serious aura surrounding her immediately vanished. Her smile brightened up the whole room. Para bang ibang tao ang naroon nang tuluyan siyang makapasok.
"Hi, Daddy," she greeted.
Nag-angat naman ng tingin si Joseff Valderama, ang kanyang ama at ang may-ari ng kompanyang tinatapakan nila ngayon, nang marinig ang boses niya. Imbes na ngumiti ay seryoso nitong tiningnan ang anak.
"Bakit ngayon ka lang, Zoey?" tanong niya.
"I missed you, too, Dad," natatawang sagot ni Zoey bago humalik sa kanyang ama. "I'm sorry. I overslept."
"Overslept? It's already two o'clock in the afternoon. Wala ka namang pinuntahan kagabi. Ang sabi ng Momma mo, maaga ka pa ngang natulog dahil sa sobrang pagod sa pamamasyal niyo ng mga kapatid mo kahapon. Akala ko nga ay susunod ka rin agad pagkaalis ko sa bahay kanina," kunot-noong sabi ng ama bago siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "And what are you wearing? You're supposed to wear your business attire when working. Dapat maging mabuting halimbawa ka sa mga empleyado rito. How can they even follow the simple rules and regulations in our company when you, my heiress, can't even follow those rules?"
Zoey tried not to roll her eyes as she sat down on the couch. Huminga siya nang malalim bago sinagot ang ama.
"I'm sorry, Dad. Okay, I admit. Sinadya kong huwag pumasok ngayon. Sinadya ko rin na mag-shirt at jeans lang dahil ayoko talagang magtrabaho ngayon," sagot niya. "And probably for the next few days."
"What do you mean?"
Kinagat niya ang labi bago muling bumaling sa ama para sabihin ang talagang pakay niya kung bakit siya nandito.
"Dad, I want to have a vacation."
Napakunot-noo ang kanyang ama dahil sa kanyang sinabi.
"What? Why do you want to take a vacation all of a sudden?" he asked.
Tinitigan ni Zoey ang kanyang ama para ipakita rito ang dahilan kung bakit gusto niyang magbakasyon. Alam niyang alam ng kanyang ama ang nangyayari sa kanya. Mukha namang na-realize nito kung ano ang gusto niyang sabihin dahil mga ilang sandali lang ay napaiwas ito ng tingin at napabuntong-hininga.
Nang tumingin si Joseff sa kanya ay kitang-kita niya roon ang awa sa mga mata nito.
"Anak, hanggang ngayon ba ay naaapektuhan ka pa rin sa sinasabi ng mga tao? We all know the truth. You're a victim of your own mother, too. Huwag mo na lang isipin ang sinasabi nila. Eventually, makakalimutan din naman nila iyon."
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomantiekThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...