Chapter 23
Love**
Hindi na naalis sa isip ni Zoey ang pinag-usapan nila ni Lauren kahit na ilang araw na ang nakalipas. Dahil sa pag-uusap nilang iyon, na-realize ni Zoey na dapat na niyang sabihin kay Nicko ang tungkol sa pagkatao niya.
But how will she do that? She’s scared. Natatakot siya na kapag nalaman nito ang tungkol sa kanya, baka layuan siya nito.
Lauren doesn’t want her to hurt Nicko. Siya rin naman, ayaw niyang saktan ang damdamin ng binata. Pero sa mga oras na ito, alam niyang masasaktan niya si Nicko sa oras na aminin niya ang tungkol sa pagkatao niya lalo na dahil itinago niya iyon.
Nagdadalawang-isip pa rin siya hanggang ngayon kung dapat na nga ba niyang kausapin si Nicko tungkol doon o kung dapat bang patuloy niya muna iyong ilihim. Sa tuwing magkasama sila, may mga pagkakataon na parang gusto niya iyong sabihin pero sa tuwing sasabihin na niya, bigla namang mababaling sa iba ang usapan nila hanggang sa makalimutan na niya iyon.
“Hey, you’re so quiet. May problema ka ba?”
Napatigil si Zoey sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Nicko sa kanyang tabi. Ngumiti siya at umiling.
“Wala. Wala naman akong problema,” sagot niya.
Kasalukuyan silang nasa tabing-dagat ngayon at nagpapahinga sa dalampasigan. Kanina lang ay sabay silang naligo sa dagat. Mula noong malunod siya, lagi nang nakabantay sa kanya si Nicko sa tuwing gusto niyang maligo sa dagat. Minsan ay sinasabayan siya nito sa pagligo tulad ngayon, minsan naman ay pinapanood lang siya nito.
“Are you cold?” he asked.
Marahil ay napansin nito ang kanina pa niyang pagyakap sa sarili niya dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Ang totoo niyan ay kanina pa siya giniginaw mula nang umahon sila sa dagat. Hindi na lamang niya sinabi dahil baka gusto pa nitong manatili roon.
“Hindi naman masyado. Ayos lang ako,” sagot niya.
“Come here.”
Napakunot-noo si Zoey sa sinabing iyon ni Nicko. Bago pa man niya maitanong kung ano ang gusto niyang gawin ay ito na mismo ang lumapit sa kanya. Pumuwesto ito sa kanyang likod saka siya nito niyakap. Sa gulat niya sa ginawa ni Nicko ay hindi niya nagawang gumalaw.
“There. At least we’ll both have each other’s body heat,” he said.
Kalaunan ay napa-relax na rin si Zoey sa bisig nito. Hindi niya maipagkakaila sa kanyang sarili na gustong-gusto niya ang ayos nila ngayon. Kung pwede nga lang ay manatili na lang sila roon pero alam nilang pareho na hindi naman pwede.
Ilang segundo silang naging tahimik doon hanggang sa putulin ni Nicko ang katahimikan.
“Seriously, Zoey, what are you thinking? You’re so quiet. Naninibago ako sa’yo,” sabi nito.
Mahina siyang tumawa. “Masama ba kung gusto ko lang munang manahimik at damhin ang yakap mo sa akin?”
“Oh… right,” he simply said. “You like this, don’t you?”
Hindi man nakikita ni Zoey ay alam niyang nakangiti sa mga oras na ito si Nicko. Napangiti na rin siya dahil doon.
“I love cuddling with you,” she said.
Nang sabihin niya iyon ay mas lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Nicko. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang sentido bago siya hinalikan sa pisngi. Pagkatapos no’n ay hinawakan nito ang kanyang baba para magkaharap sila. Without any warning, Nicko kissed her on the lips.
Sa gulat ni Zoey ay hindi siya agad nakatugon sa halik nito. Pero nang unti-unting gumalaw ang labi nito ay sinundan na lamang niya iyon.
She has to admit. Besides cuddling with him, she also loves kissing him.
BINABASA MO ANG
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1)
RomanceThe Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, wh...